Townhouse – Part 46

0

Part 46 Epilogue

Sa bawat dahon ng aklat ng aking buhay ay masasabi kong mas madami ang makulay, hindi ito perpekto at mayroon din namang maituturing na delubyo. Nagawa kong harapin ang aking madilim na bangungot, sa tulong na din ng isang babaeng naroon palagi tuwing ako’y nababalot ng pighati. Sa katauhan ng dalagang kaibigan ng aking hipag ay natupad ang isa sa mga pangarap ng aking asawa, na sa aking parte ay walang bahid ng pagdudusa. Isang gabing napakahaba, isang gabi kung saan muli kong isasara ang malaking yugto ng aking buhay at maghanda sa mapaglarong hinaharap.

Samu’t-sari ang dumaloy sa aking isipan noong gabing iyon, habang nagpapahinga at naghahanda nang matulog matapos ang isa pang masarap na pagtatalik namin ni Carina. Noong una’y tila laruan lamang siya, parausan, na kahit pa may ibang maka-galaw sa dalaga’y wala akong pakialam. Nabaligtad iyon sa aking hindi inaasahan, ang aking pinaka-iingatang si Katherine ay napasa-kamay na ng iba, na inakala ko noong una ay ako lamang ang nagmamay-ari sa puki niya.

Kinabukasan ay magkakasalo kami sa hapagkainan, kaharap ko ang tatlong pinaka-importanteng babae sa aking buhay. Si Kat kasama ang kanyang BF na si Mulong, si Carina na sa tingin ko’y nagkaroon na din ng espasyo sa aking puso, at siyempre ang aking maybahay na si Angel na tunay na reyna ng aking pagkatao.

“oh kain pa Mulong” wika pa ni Angel habang kami ay nag-aagahan.

“ah thank you po ate, busog na po ako, ang sarap kasi ng luto ninyo” sagot pa ng mokong.

“alam mo, ang galing mong mambola. hihi! kaya siguro madali mong nauto itong kapatid ko noh??” balik naman ng aking asawa.

Napangiti ako, tila bumabanat na ang aking asawa sa mga tirada ng tarantado. Sa gitna ng aming kainan ay hindi na muling lumabas pa ang paksa ukol sa mga ginawa namin kagabi. Maging ang pagkakantutan ng magkasintahan sa aming sofa ay hindi ko na din binanggit pa. Tanggap ko na kasi, batid ko na ang ligaya ni hipag sa piling ng kanyang iniirog.

Sa ilalim ng mesa ay inabot ko ang hita ni Carina, hinimas ko iyon pero hindi naman yung parang nagyayaya. Himas na may halong pagmamahal, malugod naman niyang sinuklian ito sa pamamagitan ng paghawak ng kanyang malambot na kamay at kami’y bahagyang nagtitigan at nag-ngitian. Siguro’y hindi pa sapat ang pagpapakita ko ng kalinga sa dalaga sa kabila ng kanyang mga nagawa para sa akin o maging para sa aming mag-asawa.

“Kat tara? ihatid na kita sa inyo” wika ng binata.

“ah Mulong maiwan na muna ako dito, pasok kana sa work mo, wala din naman kasi akong duty e” sagot ng aking hipag.

Wala na akong masasabi pa sa boyfriend ng dalaga, ilang porsyento nalang siguro’y mabubuo na ang aking tiwala para sa kanya. Nakikita kong taos puso ang pagkatao ni Mulong at malamang ay nasa mabuting kamay na ang aking magandang hipag. Ngunit hindi naman ako ganoon kung mapakasiguro, naroon pa din siyempre ang tukso. Naiwan kaming apat sa aming condo, tila itinakda talaga ng tadhana ito upang kami’y magpulong. Pag-usapan ang aming mga nakaraan, at ang dapat naming gawin para sa hinaharap.

“soooo…friend mukhang nag-eenjoy kana sa BF mo ha?” biro pa ni Carina habang kami’y nanunuod ng TV.

“tse! hihi!” sagot naman ni Kat.

“..next time control your moans haha!” pahabol pa ni Carina.

Namula si hipag, nahiya at napatingin sa ate niya na aking asawa. Ngumiti lang naman si Angel habang kalaro ang aming supling sa isang banda, alam kong alam na din niya ang nangyari kagabi sa kanyang kapatid at kay Mulong sa pamamagitan ni Carina. Wala na yatang makakalusot na isyu sa aking asawa dahil sa kanang kamay niya. Kahit ako siguro’y hindi na din makakagawa pa ng kalokohan dahil tiyak na malalaman din ito ng aking asawa kapag nag-usap sila ni Carina. Mabuti na din iyon wika ko sa aking sarili, kung attached na talaga sa aming mag-asawa si Carina ay ganun na din siya. Hindi na siya maaaring maglaro pa, kahit na pansamantala.

Ano pa ba ang aming gagawin kapag kami lamang ang magkakasama, noong hapon iyon matapos makatulog ang aming paslit ay muli akong natukso sa katawan ng dalagang si Carina. Wala akong sawa sa makinis niyang mga biyas lalo na noong bagong ligo siya. Ang aking asawa naman ay pinili nalang na hindi makihalubilo at nagpahinga na lamang. Sa aming sala sa ibabaw ng malambot na sofa ay aming ginawa ang masarap na kantutan. Ganunpaman, labis kong ikinadismaya ang ginawa ni hipag. Nang matapos kasi kami ni Carina sa unang round ay inakala kong si Katherine na ang susunod, nagkamali ako. Habang nasa aking ibabaw si Carina ay naguusap naman sila ng aking hipag, hindi na ako nagtaka kung bakit walang gana sa akin si hipag.

“so is it that big Kat? hihi!” tanong pa ni Carina habang sila’y naglalandian.

“sira! hihi! uhm, not comparable, iba pa din yang kay kuya Bogs!” sagot naman niya.

Iyon na siguro ang huling beses na nakasalamuha ko ang kapatid ng aking asawa sa nakalilibog na sitwasyon mula noong ikasal na si pareng Estong. Sabi ko nga sa aking sarili, tanggap ko na iyon, hindi sa akin si Katherine.

Sumapit ang bagong taon (2013), gaya ng sabi ng karamihan, bagong taon – bagong buhay. Nanumbalik ang aming samahang magkaibigan ni pareng Estong. Hindi man namin naungkat ang aming makulay at mapait na nakaraan ay nasuklian naman ito ng malusog na muling pagiging magkaibigan. Nakita ko ang pagbabago sa buhay ng aking kaibigan mula nang siya ay maitali na sa maganda din naman niyang asawa na si Kristine. Naging madalas ang aming pagkikita, halos tuwing weekends yata ay lumalabas kaming apat upang mag-dinner. Kahit na sa madalas naming pagkikita, ni minsan ay hindi na muli pang naungkat ang nangyari noon sa townhouse nilang inuupahan. Paminsan-minsan din ay nahuhuli ko si Angel na medyo iba ang tingin kay Estong. Nabili na nga din pala ng aking kaibigan ang katatapos ko lang na project, doon mismo sa unit ng townhouse kung saan unang kinantot ni Mulong ang aking hipag.

Sa kabila ng aming makulay na buhay mag-asawa, hindi naman namin nalilimutan ang tunay na essence nito. Mayroon pa din kaming time para sa aming pamilya, gaya ng regular na mag-asawa ay lumalabas din kami na kaming dalawa lamang, inililibot din naman namin ang aming unica hija sa ilang mga pasyalan.

Kung naging madalang, o halos wala na, ang aming ugnayan ni Katherine, kapalit naman nito ang pagiging aktibong muli ni Carina. Tunay na mapaglaro ang dalaga, minsan pa ngang isinama namin siya muli sa isang hapunan namin nila pareng Estong ay naroong tuksuhin niya ang aking kaibigan. Alam kong may pagnanasa pa din si Estong sa kanya, pero alam ko ding hindi kayang pantayan ni Carina ang alindog ng kanyang asawa na si Kristine. Kahit ako din naman, parang sumagi sa aking isipan ang pakikipagpalit ng asawa o di kaya ay sabayang pagtatalik kasama sila Estong at Kristine. Pero siguro’y malayo na iyon sa katotohanan, hindi ko nakikitaan ng motibo ang asawa niya.

Summertime, March 2013 nang simulang uminit ang panahon sa Kamaynilaan. Naroon na sa aming isipan ang planong mag-swimming kahit sa malapit na beach man lang. Ilang taon na yata ang lumipas nang kami’y huling nagdiwang. Matagal na panahon ko na din yatang hindi nasisilayan sa makukulay na two-piece ang aking maybahay.

“Bogs babe, kelan bakasyon ng mga dalaga sa kabila?” tanong sa akin ng aking asawa.

“huh?” nagtaka ako bakit ako ang kanyang tinanong ukol doon.

Halos hindi ko na din kasi nakasalamuha ang dalawang dalaga naming boarders na sila Regina at Vanessa. Sinunod ko lang naman kasi ang bilin nila dati noong huli kong natikman ang dalawa. Ayaw daw nila ng gulo, ayaw ng relasyon sa lalakeng may asawa. Kahit na libog na libog pa din ako sa murang katawan nila’y pinili kong umiwas na, kuntento na ako sa aking asawa, at sa kabit kong si Carina.

“hindi mo ba sila nakakausap?” tanong pa ng aking maybahay.

“uhm hindi pa e, busy yata kasi malapit na finals. pero hindi ko alam kung kelan ang exact date” sagot ko naman.

“ah kasi gusto ko sanang mag-beach babe…matagal na din tayong hindi gumagala, sakto summer naman na” paliwanag ni Angel.

“isasama natin sila?” tanong ko.

“oo bakit ayaw mo ba?” sagot naman niya.

“no hindi naman, i mean, saan ba tayo pupunta? sagot natin lahat ng gastos?” wika ko pa.

Hindi sa umiiwas pero nagkukuripot ako nang mga panahong iyon dahil sa aking plano. Gusto ko kasing bumili ng lupa, gusto kong magtayo na din ng isang townhouse.

“edi tanungin mo nalang babe, kung di sumama edi tipid, kung sasama at gusto nila edi hati-hati tayo sa gastos…mas madami kasi tayo mas masaya…sila Kat at Mulong saka si Carina isama natin, pati na din si pareng Estong mo kung pwede…” paliwanag niya.

Hindi ako agad nakasagot sa plano ng aking asawa, parang kinokolekta yata niya ang lahat ng mga taong kunektado sa aking buhay. Sinunod ko na lang siya at isang araw ay naglakas-loob na tumungo sa unit na aming pinauupahan.

“tao po…” tawag ko pa mula sa labas.

Bumungad sa akin si Regina, nakatapis at bagong ligo pa.

“oh kuya hi! lika pasok ka” wika ni Regina.

Tumuloy ako sa kanilang unit, parang nanibago pa nga ako dahil ilang buwan din akong hindi napasok dito. Hindi na ako naupo at deretsahan ko nang sinabi ang aking pakay.

“ah kelan ba finals nyo? kelan bakasyon niyo ni Vanessa?” tanong ko.

“ah bakit kuya? magbabayad na ba kami ulit?” kakaibang sagot ng dalaga.

“no hindi, kasi si ate Angel nyo nagyayaya mag beach gusto kayong isama” paliwanag ko naman.

“ah ganun ba kuya, basta before holyweek tapos na kami, pero di ako sure kuya e, pasensya na” sagot niya.

Sa loob ko’y nadismaya din ako, aaminin kong sa kanya ako din naman ay nangulila. Ganun talaga kapag matagal mong hindi nasilayan ang isang tao na naging parte na ng iyong buhay lalo pa’t nakantot mo ito. Parang lalong gumaganda at ika’y muling matutukso sa kanya. Pero sa kabilang banda’y ayos lamang ito, iwas disgrasya. Kung hindi siya sasama e hindi ko na din dapat pa tanungin si Vanessa dahil tiyak na mas iwas sa akin siya.

“oh sige, just in case, tawag ka lang ha?” wika ko pa.

Nang ako’y lalabas na, pinigilan niya ako. Hindi ko iyon inasahan.

“ku-kuya Bogart…” mahinang tawag niya.

“oh?” tugon ko naman.

“kumusta kana?” seryoso niyang wika.

“ah ok lang naman ako…ikaw?” sabi ko pa.

Napangiti lang si Regina, dito ay nahalata ko din sa kanyang mukha ang pangungulila. Hindi ko alam kung may problema ba siya o gustong magpakantot muli sa akin.

“uhm, medyo hindi eh…busy ka ba ngayon?” sagot niya.

“why? may problema ba?” tanong ko.

“ah eh, wala naman kuya…” sagot niya.

“uhm sorry may importanteng lakad ako e, sige next time kape tayo dyan sa baba kwentuhan tayo” patuloy ko pa.

Pinili kong umiwas sa kanya, sa ganoong paraan ay naprotektahan ko ang aking sarili sa mga hindi ko inaasahan. Tuluyan na yatang nawala sa aking buhay si Batman, parang hawak ko na talaga ang manibela ng aking buhay, naroon na ang control at alam ko na kung saan ang tamang daan.

“hello kuya Bogs?” wika ni Carina nang tumawag siya.

“…kita tayo after office mo, don’t worry nagpaalam na ako kay ate Angel” patuloy pa niya.

tatapusin