Townhouse – Part 41

0

Part 41 Let’s Get Ready to Rumble!

Sa loob ng kotse ni Estong ay nabalot ng katahimikan, ang isip ko kasi ay naiwan pa yata sa loob ng aming condo. Ganunpaman ay muli ko itong naibalik ng aking maalala ang aming nakaraang magkaibigan. Dati-rati’y sa loob lamang kami ng taxi o tricycle nagsasabay, ngayon eto na at nakikita ang progreso ng aming buhay. Sa tingin ko noong mga oras na iyon ay tuluyan na ding naglaho ang Estong ng nakaraan, subalit ilang mga pangungusap niya ay tila naroon pa din ang kamandag ng naturang nilalang.

“pare, lagi ba sa inyo yung magandang dalaga na yun?” tanong ni Estong.

“si-sino?” sagot ko na parang wala pa sa sarili dahil sa lalim ng aking iniisip.

“yung kanina, si Carina ba yun, yung maputi” patuloy niya.

Ah si Carina, ang aking Carina, wika ko sa aking isip. Tunay ngang kahit sinong lalaki ay mabibighani sa taglay na rikit ng dalagang kaibigan ni hipag. Kung mas maaga lang sigurong nagtagpo ang aming landas muli ni Estong ay malamang na si Carina na ang ihaharap niya sa altar. Sa aking isipan ay muling naglaro ang dalaga, alam kong nakita din ni Estong ang kinis ng mga hita ng dalaga, ang kaputian ng cleavage ni Carina ay malamang na pinagnasahan na din niya.

“bihira lang pare, kapag may okasyon lang at niyaya ni misis.” sagot ko sa kanya.

“ah ganun ba, may BF na ba yun?” pa-inosenteng tanong ni Estong.

Dito ay nagsimula na ako muling magduda, ang kanyang mapapangasawa na si Kristine ay maganda at sixy din naman, subalit kagaya ng lagi kong sinasabi, kahit sinong lalaki ay mababali ang leeg kapag nakasalubong ang dalagang maganda.

“hindi ko alam pare e, hayaan mo tatanungin ko” sagot kong seryoso.

“ah pare wag na, biro ko lang yun haha! kung hindi ako ikakasal pwede pa hehe! don’t tell me hindi mo si-nurvey yun?” biro pa niya.

“ah oo naman pare, maganda na kung maganda pero kumpara mo naman kay misis diba? hehe” pagmamayabang ko pa.

Muling nanumbalik ang sigla sa loob ng kanyang sasakyan nang kami’y magbiruan. Biruan kung ituring pero sa likod nito’y kalahating katotohanan. Hindi umabot ng kalahating oras ay narating na namin ang kanilang bahay, hindi ito kalayuan sa aming tahanan. Disenteng townhouse na paupahan at siguradong pati kapitbahay ay mga propesyunal.

“pare feel at home, parating na din daw yung ibang kaibigan ko” wika ni Estong.

Ako’y nagmasid sa lungga ng aking dating guro. Ibang iba ito kumpara sa itsura ng aming apartment noong kami’y magkahalo. Masinop, malinis, ilang picture frame ng mga designs niya at larawan na din ng kanyang kasintahang maganda. Ilang minuto pa’y isa-isa nang nagsulputan ang kanyang mga kaibigan, hindi ko kakilala ang lahat maliban sa ibang nakasalamuha ko na sa ilang pagtitipon naming mga arkitekto pero sa mukha lamang.

“kampaaaayyyyy!!!!!” sigaw ng isang kasama namin.

“oh pare lasingan na lang ba??? where are the females???!!” gatong pa ng isa.

Hindi hihigit sa labinglima at hindi bababa sa sampu ang naroon sa sala. Tanging malalapit lang na kaibigan ni Estong ang kanyang inimbita. Puro projects, payabangan sa kotse at padamihan ng kabit ang usapan. Pinili kong manahimik at ituon na lang sa alak ang aking atensyon. Mga dalawang oras pa ang lumipas, mga tatlo o apat na ang sumuko sa inuman. Yung sumisigaw naman kanina tungkol sa babae ay tila nagyaya na.

“tara may discount card ako sa vip room!” wika pa niya.

Tinignan ko si Estong, isang disenteng tao ang aking nakita. Ngumingiti lang sa mga bulahaw ng kanyang mga bisita.

“sige mauna na kayo doon, susunod kami ni pareng Bogart” wika ni Estong.

Nagtaka ako, bakit pa kami susunod? Medyo hilo na din ako noong oras na iyon at kahit ano sigurong suhestyon ako ay tutugon. Umalis ang lima, naiwan kami ni Estong at isang lasing sa may sofa nila. Nagligpit ng kaunti ang aking kaibigan pero tuloy pa din ang aming inuman. “washing” nalang ika nga, sa tindi yata ng whisky kanina ay balde-baldeng beer yata ang aking kailangan.

“ano pare, gusto mo ba ng babae? hindi kita pinipilit ha, married kana e, i respect that” paliwanag pa niya.

“ah pare, ikaw bahala, solved na din ako sa alak dito e” palusot ko nalang.

Sa totoo lang ay wala akong planong lumabas, nang niyaya niya ako kanina dito ay akala ko’y narito ang kanyang magiging maybahay. Sinilip ko ang aking cellphone, walang miss call o mensahe lamang. Muli kong tinungga ang isang bote ng beer.

“pare, nasaan pala yung GF mo? nag-party din?” tanong ko sa kanya.

“ha, e baka nga, open naman yun, nagpaalam ako na may party tayo. Saka nasa probinsya siya at inaayos yung mga kamag-anak na pupunta sa kasal namin.” sagot naman niya.

Ang ingay kanina ay napalitan ng nakabibinging katahimikan. Parang nagkakahiyaan pa kami kung ano ang susunod na hakbang. Ilang minuto pa’y tumunog ang cellphone ng aking kaibigan.

“hello? o mare!” masayang sagot ni Estong.

“..oo nandito pa…ha? kayo bahala…” patuloy niya.

Clueless ako kung sino o ano ang kanilang napagusapan. Hindi naman siguro iyon sikreto dahil ipinarinig naman sa akin ni Estong ang kaniyang pakikipagusap sa telepono. Lumapit sa akin si Estong, nakakubling ngiti ay kanyang sinambit ang katagang gumising sa aking lasing na katawan.

“pare papunta na daw dito sila misis mo” wika ni Estong.

“ha??!” gulat ko.

Ano naman ang naisipan ni Angel upang tumungo sa aming kinaroroonan. At bakit sila pupunta dito? Sisiguruhin ba ng aking asawa ang aming ginagawa? Sino naman ang karay-karay niya? Si Carina ba, si Katherine? O pati si Mulong na mokong ay kasama niya?

“bakit mo pinayagan pare? kala ko ba all boys to?” galit ko pang tanong sa aking kaibigan.

“sorry pare, sige tatawagan ko ulit para pigilan” wika niya.

“no pare wag na, uuwi na din siguro kami pagdating nila” sagot ko nalang.

Nakita ko sa mukha ni Estong ang lungkot, hindi ko lubos malaman din ang tunay na dahilan ang pagpunta nila misis dito sa kanila. Paano naman kaya nalaman ng aking asawa ang lugar ni Estong? Malamang kanina nang magpunta siya sa aming condo ay nakapagpalitan na sila ng numero habang ako’y natutulog pa.

“Bogs babe! hihi!” bungad ng aking medyo lasing na asawa.

Sinalubong ko kaagad sa pintuan ang aking asawa, sumilip ako sa labas at inalam kung sino ang kanyang ibang kasama. Wala akong nakita kaya’t tinanong ko nalang siya.

“sino kasama mo? ikaw lang?” tanong ko sa aking misis.

“babe si Carina, nagpark lang” sagot ni Angel.

“mare tuloy ka, pasensya na magulo na itong bahay” bati naman ni Estong.

Tumuloy si Estong sa kusina upang ipaghanda ng pulutan ang bagong dating na bisita. Pagbalik niya ay ginising ang isang lasing naming kasama kanina, inalalayan papuntang silid upang doon na ituloy ang pagtulog. Akin namang hinarap si Angel, may galit akong nadama pero sa kabila nito ay libog pa din ang nangibabaw sa akin. Naka party dress ang aking asawa, damit na hindi ko laging nakikitang suot niya dahil halos araw-araw ay uniporme ng nurse ang nasa kanyang katawan.

“babes akala ko lalabas kayo?” tanong ko sa kanya.

“oh nasa labas naman ako ah? ayaw mo bang nandito ako??” masungit pang sagot ni Angel.

Pumasok si Carina, ngiti ang isinalubong niya sa akin. Umupo siya doon sa pwesto ni Estong kanina at kaming mag-asawa naman ay nasa isang mahabang sofa.

“oh Carina, hi!” bati ni Estong sabay lapag ng sisig sa mesa.

“hi kuya Estong, hihi…makikigulo kami sa party mo ha?” wika naman ng dalaga.

Wala na akong magawa, narito ang reyna. Itinuloy namin ang inuman, kailangang matapos ang gabi. Isinalang ni Estong ang magicsing at kami’y masayang nagkantahan. Si Angel naman ay nagsimulang yumakap na sa aking katawan. Hindi naman ganoon kalamig ang loob ng bahay ni Estong, pero parang ginaw na ginaw ang ginang.

“nasan pala si Kristine?” tanong pa ng aking asawa.

“ah e nasa province, sinundo mga kamag-anak niya” sagot ni Estong habang umaawit si Carina.

“oh pano yan edi wala kang partner hihi!” biro pa ni Angel.

“ha eh, nandito naman si Carina” sagot niya.

Napatingin sa akin si Carina, tila nagsasabing “kuya Bogs watch your friend”. Hindi ito pinansin ng dalaga at nagpatuloy sa pagkanta. Nabigla ako nang biglang humalik sa aking labi si Angel. Kusa ko naman itong tinanggap, nagpalitan kami ng laway, pinatulan ko ang kalandian ng aking asawa noong gabing iyon.

“so-sorry pare ha, na-miss ko na agad itong hubby ko e…” wika pa ng aking asawa.

Tulala si Estong, muling ibinaling ang tingin sa telebisyon. Pasulyap-sulyap din siya sa mga hita ni Carina, alam kong nabubuo na ang kanyang pagnanasa.

“babe…fall me…” bulong ni Angel.

“ha??!” gulat ko pa.

“yes Bogs, here. now.” seryosong wika niya.

Napapatingin pa din si Estong sa aming dalawa, kung hindi mo maririnig ang mga bulong na libog ni Angel ay iisipin mo lamang na natural iyon na lampungan. Pero ano ito? hinihiling na ni Angel ang kanyang dati pang pangarap.

“pare sige lang, consider us na wala dito…diba Carina?” wika ni Estong.

Nasabi niya iyon dahil pumatong na sa aking kandungan ang aking asawa, tila na-blanko na yata at totoong wala nang ibang nakikita. Tumagos na ang libog sa aming mga katawan, kami’y muling naghalikan at hindi pinansin ang kasama niyang si Carina at si Estong.

“uhmmmmm…i want you to fall me now Bogs…pleaseeeee…” bulong muli ni Angel.

Tatayo na sana ako upang yayain siya sa silid ni Estong o kahit sa banyo man lang, pero sa hindi ko inaasahang kilos niya ako ay nabigla. Ibinaba ni Angel ang itaas na bahagi ng kanyang dress, at tuluyang lumantad ang kanyang puting bra na laman ay ang malulusog niyang mga suso.

itutuloy