Subdivision – Part 47 – Wakas

0

tunay nga pong mapaglaro ang tadhana, kung tayo mismo ay madaling bumitaw ay talagang masakit ang ating lalagpakan. ngunit kung ating iisipin ang mga mabuti lamang, sigurado na ang bawat kasawia’y walang kalaban-laban.

ang istoryang natunghayan ninyo ay hango sa tunay na buhay, marahil maraming nakapuna na ang takbo ng istorya ay nabahidan ng lungkot. wala po akong magagawa at nangyari na, kailangan nating maka-move on, marahil wala ang istoryang ito at maging ang inyong abang lingkod kung ako’y nagpatalo.

ganunpaman, masaya ako, masaya at nagagalak dahil muli kong naibahagi sa inyo ang kwento ng buhay ko. sa ngayon po, marami na ulit nangyari, opo, mayroon pa pong susunod na libro. bigyan niyo lamang po ako ng sapat ng oras at panahon upang tipunin at isatitik ang mga tagpo.

muli, taos-puso po ang aking pasasalamat sa pagtangkilik ninyo sa aking munting obra.

maraming salamat po!

Part 47 Back to Zero

Isang napakalaking pagbabago, isang makapal na pahina ng aking buhay ang dapat kong ilipat, isang pangyayaring dapat kong harapin. Masakit kung iisipin, pero kung tutuusin, sino nga ba ako para ang lahat ay akuin? Marami ang nagsasabi, lalo na ang mga matagal ko nang kakilala, ni minsan daw ay hindi nila ako nakitaan ng anumang kasawian at pighati sa buhay. Laging nakangiti, laging masaya. Tama naman diba? Ano nga ba ang maidudulot ng kalungkutan sa ating buhay, wala.

Hindi ko alam kung ang tadhana’y talaga namang nananadya, patungo na kami noon sa bahay nila byenan upang doon ay pag-usapan ang kalagayan ng aking hipag, habang nasa daan lulan ng aming sasakyan ay tumugtog ang isang awiting eksakto ang nilalaman.

“Lately I’ve been winning battles left and right,
But even winners can get wounded in the fight…
People say that I’m amazing, I’m strong beyond my years
But they don’t see inside of me, I’m hiding all the tears…”

Masasabi kong ito’y akmang-akma, sa mga nakaraang araw, linggo, buwan, o kahit na taon pa ay alam kong nagwagi ako sa mga laban. Pero gaya ng nasa awiting iyan, along the way ay tiyak na may masusugatan, may masasaktan. Sa panlabas kong anyo wala kang makikitang bahid ng anumang kasawian, puro mga tropeyo ang inyong natutunghayan, pero hindi ko itinatanggi, ang isang mandirigma ay lumuluha rin.

“babe stop. I know what you feel, naiintindihan kita…”
 bulong ng aking asawa nang magunita niyang may tumutulo nang luha sa aking mga mata.

“…I drop my sword and cry for just a while, ‘coz deep inside this armor…”
 sa pagpapatuloy ng kanta.

Pinatay ni Angel ang radyo, siguro hindi rin niya kaya. Maging si Katherine sa likurang upuan ay malungkot din ang mukha nang akin siyang sipatin mula sa salamin. Siguro tama nga, tama at nagkamali din ako. Bakit nga ba kailangan ko pa ng sandata gayung naririto na sila at ako’y kumpleto na? Nariyan na, nangyari na, wala ka nang magagawa sabi nga nila. Si Carina na matagal kong inalagaan ay nawala sa isang iglap lang, si Katherine, na akala ko sa akin na habang-buhay ay nalalapit nang lumisan. Ano ba ito, puro na yata drama ang aking buhay, pwede ko namang isipin ang positibo sa aking pananaw.

Una, si Angel na aking asawa. Alam kong hinding-hindi siya sa akin ay mawawala. Isasali ko na rin si Alex, iligal man at panandalian ay alam kong makapag-paparaos ako sa kanya. Teka, naririto pa nga din pala sa buhay ko si Vanessa na natikman ko na rin ulit kamakailan lamang. Kung aking mamarapatin, pupwede pa ring si Regina ay maisali. Marami, maraming pagpipilian, yun nga lang, siguradong hindi pang-matagalan. Masakit lang talaga e yung sinubukan kong lagyan ng pagmamahal ang dapat sana ay libog lamang. Aray.

Naging kaaya-aya naman ang usapang pamilya noong araw na iyon, ang araw na siguro sa tingin ko’y tuluyan ko nang ipinaubaya sa iba ang aking magandang hipag. Nagkaroon ng pangalawang pagtitipon, at sa pagkakataong ito ay kasama na ang pamilya ni Mulong. Nagkasundo, kahit noong una’y mayroong “galit” o “hinagpis” lalo na sa magulang ng nagdadalang-tao. Nagka-ayos naman din kahit pa nauna ang pagbubuntis na sa panahong ito’y tanggap naman na ng mga tao kumpara noong araw na talaga namang dapat ay kasal ang nauuna.

Sa bawat araw na lumipas mula noong napasakamay ko si hipag ay wala sa hinagap na hahantong sa ganitong tagpo ang lahat. Akala ko noon akin lang siya, akala ko noon sa akin lamang siya maligaya. Unti-unti ang marahan ang naging takbo ng buhay, dahan-dahan ay natanggap ko na ang kinahinatnan. Ang tanging nakakapag-paligaya na lang siguro sa aking puso ay ang pangakong iniwan sa akin ni hipag, na kahit ano pa ang mangyari ay hinding-hindi niya ako iiwan. Ayos na yun, swerte pa rin ang tingin ko sa aking sarili, mag-aasawa na nga siya e bukas pa rin para sa akin ang kanyang langit.

Samantala, hindi naman naputol o nawala ang ugnayan namin ni Carina. Oo meron naman talagang “galit” pero mahirap iwasan lalo pa’t kasali siya sa isa sa mga importanteng nalalapit na kaganapan sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan, maid of honor siya ni Katherine. Nagkaroon din sila ng talakayan ni misis tungkol sa nangyari sa kanila ni Estong, aminado naman si Carina, alam niya ang kasalanan niya. Hindi ko lang alam kung naulit pa ang pagni-niig nila, wala na yata akong pakialam sa kanya.

Carina is out, Katherine is pregnant. Suma-total, simula ulit kami ng aking asawa. Sanayan lang ika nga, talaga namang ganito dati hindi ba? Kami lang ni Angel ang magkasama sa kama. Wala naman dating “threesome” at “orgy”, wala naman akong kabit dati. Sa isang panig may advantage din naman, buo na ang oras naming mag-asawa kumpara dati na ang ibang gabi ay sa iba nakalaan. Siyempre, bilang isang sugo ni Adan ay nami-miss ko din naman ang lahat. Ang makinis na kutis ni Carina, ang mala-rosas niyang utong na nakaibabaw sa bilugan niyang mga suso. Ang mga halinghing niya na talaga namang malilibugan ka, at higit sa lahat, ang puki niyang datirati’y palagi kong nilalasap.

Ganunpaman, habang nabubuo ang bakod ni hipag mula kay Mulong ay nagagawa pa rin naming magsolo. Isang buwan na ang laki ng kanyang dinadala’y pwede pa naman. Nagagawa pa rin naming magtalik kung may pagkakataon, kadalasan tsupa lang naman.

“totoo pala yung sabi ni ate, na kapag buntis e mas mahilig sa six hihi!”
 biro pa ni Kat isang araw.

“oo naman, edi solb-solb si Mulong nyan?”
 tugon ko naman.

“haha sira! hindi pa noh, hindi pa naman kami kasal, saka kahit na kasal na kami, alam mo namang sa iyo pa rin itong ano ko hihi!” wika pa ni Kat habang kami ay nagkakantutan.

“babe, pauwi na kami dyan…umayos na kayo”
 wika ni Angel nang tumawag siya sa akin.

Ganoon palagi, alam ni Angel na kailangan kong samantalahin ang pagkakataon. Madalas naiiwan si Kat sa bahay, ayaw niya kasing mapagod kaya’t ang mga magulang nalang niya at si misis, maging si Mulong ang nag-aasikaso para sa kanilang kasal. Siyempre, ako naman sasalisi para maka-iskor pa rin kay Katherine.

Sinubukan din ni misis na pag-ayusin kami ni Carina, kahit na alam ng aking asawa na masakit talaga ang nagawang kasalanan ng dalaga ay pinilit pa rin niyang maayos ito. Naroong i-set up niya kaming dalawa ni Carina na magtagpo, sa construction site, sa mall, sa condo. Muntik pa nga akong mahuli dati kung saan kagagaling ko lang sa motel at nakipagtalik kay Alex. Pero wala, wala talaga. Kung anong libog meron ako dati para sa dalaga ay parang blangko na lang ngayon kahit pa siguro maghubad siya sa aking harapan. At isa pa, hindi lang naman yun ang punto ng aming paghihiwalay, yung pagmamahal.

Wrong timing naman kasi, siguro kung nagkataong hindi nabuntis si Kat ay medyo lalambot pa ang aking puso. Pero nagkataon kasi na sabay ang dagok sa buhay ko. Malakas na ligaya, matinding semplang ang katapat. Tanggap ko na. Ewan ko, baka pwedeng bumawi pa.

“kumusta kana kuya Bogs?” mahinhing tanong ni Carina.

“okay lang ako, ikaw?” sagot ko namang mahinahon.

Madalas ganito lang, sabi ko nga, madalas gawin ito ni misis, halimbawa isang araw na iyon kung saan kunyari may bibilhin si Angel at maiiwan kami ni Carina sa kotse.

“eto, medyo malungkot…” pahaging pa ng dalaga kong kasama.

“bakit naman? you should be happy…mawawala ganda mo kapag malungkot ka”
 sagot ko pa.

“aww…kuya talaga…miss na kita alam mo ba?”
 sagot pa niya.

Ngumiti na lang ako, hangga’t maaari kasi ay ayoko nang buksan pa ang pinto. Kahit pa palagian kong naaamoy ang sariwang katawan ni Carina, pinipigilan ko talaga dahil ayoko na. Sinikap kong ibalik yung dati, yung dati na bestfriend lang siya ni hipag, yung dati na pasilip-silip lang ako sa kung ano mang parte ng katawan niyang maputi ang ipinasisilip sa akin. Walang kuneksyon, walang relasyon, walang sakit ng damdamin. Ewan ko lang kung bakit, pwede namang pagnasahan ko nalang ulit siya diba? Pwede namang kantutan na lang. Pero hindi talaga, iba na ang tingin ko sa kanya dahil siguro sa pag-ibig. Ang desisyon ko nama’y nirespeto ni Angel.

Hindi naman ako ganoon katigas, minsan ko din naman siyang minahal at natikman, nagkaroon din naman siya ng puwang sa aking puso. Yun nga lang, tuwing magkakausap kami ni pareng Estong ay parang wala lang, hindi niya nababanggit ang tungkol kay Carina. Yun ang mas masakit, ang pagsisinungaling.

Kailangang maka-move on, siguro yung libog oo, pwede pa itong mabuo at maaari pa kaming magtalik muli subalit hindi na tulad ng dati. Hindi na tulad ng dati kung saan ang bawat pagbayo ko sa kanyang puki ay may kahalong pagmamahal din. Kung libog at pagnanasa lang ang pag-uusapan, nariyan naman ang aking asawa, kasama pa si Alex at maging si Vanessa.

Hindi naging madali para sa akin ang lahat, ilang araw din yata akong tulala at wala sa sarili. Masaya naman ako para kay Katherine, buti na rin at hindi nagkaroon ng problema tungkol sa kanyang mapapangasawa.

“babe maliligo lang ako, si Alex papunta raw dito, antabayanan mo na lang siya ha” bilin ng aking asawa isang araw sa aming condo.

Ilang minuto ang nakalipas pagpasok ni Angel sa banyo ay tumunog na ang doorbell namin. Ako’y tumungo sa pintuan upang silipin muna kung sino ito. Ang inaasahan ko’y si Alex, si Alex na naka-unipormeng puti. Subalit ang tumambad sa aking paningin ay si Alyssa na isang dalaga.

“uy, napa-dalaw ka Alex?”
 bungad ko sa dalagang maganda.

Sa kanyang paglapit ay kaagad kong naamoy ang pabango niyang gamit, kung inyong matatandaan ay kaparehas ito ng sa babaeng sumibak sa aking damdamin. Ang kanyang suot noo’y fitted na damit, ang pantalon niya nama’y hapit na hapit. Kaagad tumigas si manoy, lalo pa’t sinalubong din niya ako ng matamis na ngiti ng kanyang mga labi.

“hi kuya! si ate?”
 bungad niya.

“ah nandyan sa banyo naliligo, halika pasok ka”
 wika ko.

Bumukas ang pintuan ng banyo, marahil narinig ng asawa ko na dumating na ang bisita niya.

“hi Alex, upo ka muna, matatapos na din ako” sabi ni Angel nang sumilip siya sa pintuan ng banyo at basang-basa pa ang katawan nito.

Ewan ko pero parang hindi ko napigilan ang sarili ko noong mga sandaling iyon, kaagad kong sinunggaban ang mga labi ni Alex matapos maisarado ni Angel ang pintuan ng banyo. Nagulat din siya, pero hindi naman nanlaban. Sinabayan ko ng paglamas sa kanyang isang suso ang halikan namin, sinamantala ko ang pagkakataon dahil ilang linggo ko na din siyang hindi nakaka-talik.

“kuya…ang tapang mo ha..hihi..huwag na muna, si ate nandyan lang…” bulong sa akin ng dalaga.

“hehe, sorry na-miss na kasi kita” sagot ko.

“ako din naman e, pero we have to be careful…ayoko ng iskandalo…text ko sa iyo mamaya yung schedule ko para alam mo kelan tayo pwede okay?”
 mahina niyang tinig.

“sige sige…” tugon ko.

“..uhm saan pala lakad niyo?” tanong ko sa dalaga na may normal na akong boses.

“eh hindi ko alam kuya, tinext lang ako ni ate kanina, sakto off ko din” 
paliwanag ng dalaga.

“…tinigasan ka noh? hihi!” pahabol pa ni Alex.

Pilyang bata. Kung si Carina lang ang kaharap ko e kanina ko pa ito hinubaran at tinarakan ng aking sandata kahit pa naroon lang ang aking asawa. Bakit ba laging nasasali si Carina sa usapan? Tila hindi pa yata ako nakaka-move on. Mahirap isipin na ang bago kong kalaro ay maihahalintulad ko sa dati kong kinakasama. Parehas silang nurse, parehas na mahilig sa hindutan, parehas ng pabango, magkalapit lang ang bahay. Parehas naging malapit sa akin, maging ang pakikipag-kaibigan nila sa aking asawa’y magkahalintulad rin. Isa lang ang hiling ko, kung sakali mang maging “legal” kaming dalawa sa bendisyon ng aking asawa, sana lang ay hindi naman mauwi sa parehas na katapusan naming dalawa.

“oh Bogs, bakit hindi mo binigyan ng miryenda si Alex?”
 wika sa akin ni misis matapos siyang maligo.

“ah hindi na po ate, lalabas naman tayo hindi ba?” dahilan naman ng dalaga.

“okay sige, wait lang ha, magbibihis lang ako..dyan na muna kayo ni Bogs” patuloy ng aking maybahay.

Muli kaming nagkatitigan ni Alex, tila nanunukso pa talaga ang dalaga naming bisita dahil alam niyang hindi ako makaka-porma. Kung hindi lang niya alam, baka isang araw ay parehas na sila ni Carina sa tingin ng aking asawa.

“Bogs! Bogs! sumama ka na rin, ikaw ang driver namin okay?”
 sigaw ni Angel sa loob ng aming silid.

“hihi, takot ka pala kay ate hihi!” biro pa ni Alex sa akin.

Hindi lang iyon ang kanyang ginawa, bago ako nakatayo upang tumungo sa aming silid at magbihis ay may ginawa na naman siyang kakaiba. Ipinasilip niyang muli sa akin ang kanyang makikinis na alaga sa kanyang dibdib, lalo pa talaga akong nang-gigil sa aking nakita sapagka’t ang kulay ng kanyang bra ay itim.

“these puppies wants you kuya hihi!”
 pilyang turing pa niya.

Pinili kong pumasok na lamang at magbihis na nga, kasabay nito ay ang muling pagtigas ng aking alaga dahil na rin sa aking nakita kanina. Hindi ito nakalagpas sa paningin ng aking asawa, buti na lang at hubad pa rin siya dahilan upang ako’y magkaroon ng palusot sa kanya.

“eh ang sixy mo kasi babe, tara quickie tayo?” hamon ko pa nang tanungin niya ako kung bakit nakaturo ang aking tarugo.

“sus, tumigil ka nga Bogart, kita mong may ibang tao dyan sa labas e”
 sagot niya.

“saglit lang babe…” pagpupumilit ko pa.

“shhh…iba si Alex babe. she is not the one”
 pahayag ng aking asawa.

Hindi ko alam kung ang huli niyang sinabi ay may nilalaman, hindi ko alam kung ito ba’y pabor sa akin o isa lamang patibong ng aking maybahay. Muli, bahala na si Batman.

Sinikap kong maibalik sa normal ang lahat, naging malapit lalo sa amin ang dalagang si Alex subalit napanatili naming sikreto ang aming mga pagtatalik. Si Carina nama’y hindi bumibitaw, naroon pa rin siya palagi sa aming piling ni misis subalit hanggang pagiging magkakaibigan na lamang. Noong una humihirit pa siya ng mga tiradang tungkol sa pagnanasa, pero hindi ko na iyon pinatulan pa hanggang sa tumigil na rin siya. Nagpapasalamat na rin ako sa kanya sapagka’t hindi niya isiniwalat ang mga naging sikreto namin noong “kami” pa, lalo na yung tungkol sa pagkantot ko sa dalawa naming boarders.

Ilang araw bago sumapit ang kasalan nila Mulong at Katherine ay muling nanumbalik sa aking puso at isip ang lungkot. Parang mas madamdamin pa nga ako kumpara sa magulang niya o maging sa aking asawa. Alam ni Angel ang aking nararamdaman, maging si hipag ay napansin ang muli kong kalungkutan. Kaya ang ginawa ni Kat ay nakipagkita sa akin bago sumapit ang kanyang kasal, nagtalik kami. Nagtalik muli kami ni hipag at doon din ay siniguro niya ulit ang tatag ng aming relasyon.

Alam kong hindi dito magtatapos ang pakikipag-buno ko sa buhay, alam kong panibagong simula lang ito. Marami pa akong dapat tahakin, marami pa akong dapat paligayahin. Nalagas man ang ilang dahon sa aking mga sanga, sigurado naman akong may panibagong talulot ang susulpot at sisibol mula dito. Pero ngayon, sa pagkakataong ito, dapat na akong maging maingat. Ang mga sarap at ligaya namin ni Alex ay dapat kong pangalagaan, pero dapat ko ring ingatan ang aking damdamin. Si Vanessa naman, lalong naging malapit sa akin mula noong kami’y huling nagtalik. Marahil nagkaroon na kasi ng BF ang kasama niyang si Regina kaya’t hindi na sila nagkakaroon ng “paglalaro” nilang dalawa. Bukod dito ay isang taon na lang at siya ay ga-graduate na, siguro sinasamantala na lang niya ang mga pagkakataon naming dalawa.

Si Estong? Aba ewan ko sa kanya. Labis na pag-iingat ang dapat kong ilatag sa pagitan naming dalawa. Hindi naman naputol ang ugnayan namin, ewan ko lang din kung ganoon din siya sa “ex” kong si Carina.

Ganyan talaga ang buhay, sabi nga “weather-weather lang”. Ang mga pag-aari ko’y dating buo, isang malaking tipak ng lupa kung aking ikukumpara. Subalit upang ito’y umunlad at makasabay sa masa, kailangan ko itong hati-hatiin sa ilan. Ang ilan ay hahayaang mapunta sa iba, ang ilan nama’y mananatili sa aking pag-aari. Isang malaking lupain, lalapatan ng mga kalsada at ang mga lote ay paliliitin. Ibebenta o pauupahan sa ibang gustong mag may-ari, oo kanila na si Carina, kay Mulong na si Katherine. Pero lagi ninyong tatandaan, lupain lang ang aking ipinaubaya, ang mga ilang parte ng lote at ang mga kalsadang nag-uugnay sa mga kanilang ari-arian ay sa akin pa rin. Ito ang buhay ko, hinati-hati man, pero sa kabuuan ang pangalan ay iisa lamang. Ito ang aking Subdivision.


Wakas