Subdivision – Part 40

0

Part 40 FUBU + Married Man = Mistress

Ano nga ba ang silbi o layunin natin sa buhay? Tayo ba ay nilalang upang mabuhay lamang? Pwede ba nating baliin muna ang tuwid na daan? Maraming katanungan, maraming haka-haka, marami ang dapat maliwanagan. Ilan lamang iyan sa napakaraming tanong sa listahan ng buhay, ilan lamang ito sa mga dapat masagot upang tayo ay magkaroon ng sapat na pamantayan. Siguro ang madla ay nagtataka, ano ka ba naman Bogart, sabi nga ng isang hindi gaanong sikat na mang-aawit e “nasa ‘yo na ang lahat”.

Tama nga naman, kung ang gagawin kong basehan ay ang normal na buhay. Trabaho, meron ako, marangal, nasusunod ang mga simpleng luho namin bukod sa pangunahing pangangailangan. Asawa, marahil alam naman na halos ng lahat. Asawa na wala ka na ring hahanapin pa, kalakip pa ang butihin naming anak. Isali na natin ang aking mga natikman, si Carina, Katherine, ang mga boarders namin, at ngayon si Alyssa o Alex na dumagdag pa sa kanila.

Tama, nasa akin na nga ang lahat, ang lahat ng mga bagay na hinahangad marahil ng mga kalalakihan. Pero eto ako, tunay na naguguluhan. Alam kong hindi lang naman ako ang nagkaka-ganito, alam kong may ibang tao rin na humahantong sa ganitong punto. Darating at darating sa isang pagkakataon sa ating buhay na ika’y mapapaisip at sisiyasatin mo ang iyong sarili, susuriin mo ang iyong puso at isip. Isang ehemplo para sa aking kuro-kuro: ang mahihirap gusto ng isda, manok o karne, o anumang masarap na luto sa mga prominenteng kainan. Pero sa isang banda may isang mayaman na ang nais ng kanyang dila ay tuyo, kaning lamig at sabaw na maalat.

“babe sandali lang pala, may naiwan ako sa loob” wika ng aking asawa isang dapit-hapon nang sunduin ko siya, o sila.

“…dito kana muna Alex, ako nalang ang babalik” pahabol pa ni misis.

Naiwan kaming dalawa ni Alex sa loob ng aking sasakyan, tahimik, wala munang imikan. Subalit nang makalayo na ang aking asawa ilang metro mula sa aming pinaradahan, bumuka na ang mga labi ni Alex at ako’y kanya nang kinausap.

“hi kuya…kumusta kana?”
 seryosong tanong ni Alex mula sa likod na bahagi ng aking kotse.

“hi…ayos naman…ikaw ba?” sagot ko sa dalaga.

Halos isang buwan na pala ang lumipas mula noong siya ay aking nakangkang. Matagal na panahon man ang lumipas ay sariwa pa rin sa aking isipan ang mga masasarap na sandali naming pinagsaluhan. Hindi na kasi iyon nasundan, siguro gawa ng aming mga busy schedules, hindi na namin nagawang umulit pa sa makasalanang sanlibutan.

“I understand kaya hindi ka nagte-text e dahil kay ate Angel…”
 mahina niyang tugon.

“I’m sorry. I didn’t mean to…” sagot ko naman.

“do you regret it? do you regret what happened kuya?” patuloy niya.

“no, no. not at all Alex. nahihiya lang ako sa iyo” sagot ko ulit.

“bakit ka naman mahihiya? I should be the one, alam kong may asawa ka pero nagpagamit pa rin ako sa iyo” paliwanag naman niya.

Tumingin ako sa oras, sinilip ko kung may pagkakataon pa kaming maglabas ng aming mga nararamdaman. Medyo malayo din ang parking area mula sa ospital at alam kong medyo mabagal ding maglakad si Angel.

“hindi ko kasi alam kung paano o saan ako lulugar, that’s why madalas siguro nahahalata mo e tahimik lang ako”
 sagot ko sa dalaga.

“so naghihintayan pala tayo…” sagot niyang muli.

“what do you mean?” tanong ko pa kay Alex.

Sa aming tinginan mula sa salamin ng aking sasakyan, palagay ko ay medyo nagkakaunawaan kami. Naiwan man ang aking tanong para sa dalaga ay alam kong iisa na ang aming nasa isip.

“sorry guys, medyo natagalan ako nagtanong pa kasi itong si Kevin..” bungad ng aking asawa nang siya ay magbalik na sa aming kotse.

Napatingin pa ako sa aking asawa dahil si Kevin na naman daw ang umekstra sa kanya. Hinawakan kaagad ni Angel ang kamay ko at sinabing tanong lang daw iyon tungkol sa trabaho nila.

“..hihi! Alam mo Alex, Kevin used to court me kasi…kaya itong si Bogs ko e medyo nagseselos haha!”
 biro pa ng aking asawa.

“ah kaya pala haha! kuya Bogs don’t worry babantayan kong mabuti si ate” sabat naman ng dalaga.

“..oh by the way ate, can I invite you and kuya mamaya? yung tita ko po kasi gustong pa-renovate yung bahay, nabanggit ko na arkitekto si kuya” patuloy ni Alex.

“naku, madami akong aasikasuhin mamaya e, si Bogs nalang isama mo” sagot ni Angel.

Napataas ang kilay ko, hindi naman kasi niya ito sinabi sa akin kanina. Halatadong biglang nagbago ang tema ng pananalita ni Alex kumpara kanina na kami lamang dalawa ang magkasama.

“puntahan mo na Bogs, sayang din yun hihi!”
 sulsol pa ni misis.

Sumang-ayon na lamang ako sa gusto ni Alex, malay ko ba kung totoo ngang magpapagawa ng bahay ang tiyahin niya sayang din nga naman ang kwarta.

Natupad ang plano, matapos kaming maghapunan ay tumungo ako sa bahay nila Alex kung saan ang tita niya ang may-ari nito. Si Alex mismo ang nagbukas ng pinto, inalok akong maupo muna sa kanilang sala. Muling nanumbalik ang aking alaala, dito mismo sa aking kinauupuan nagsimula ang aming bawal na lambingan. Dito mismo, dito ko siya unang natikman.

“nasaan na si tita mo?” tanong ko sa dalaga.

Ngumiti lang si Alex. Ngiti na nakaka-akit. Tinabihan ako ng dalaga sa aking kinauupuan.

“uhm, kuya, sorry pero wala pa si tita e…darating na daw siya nag-text na…” sagot ng dalaga.

“…nag-dinner kana ba?” tanong pa ng dalaga.

Sagot ko ay “oo”, panandalian akong nanahimik at inantabayanan ang pagdating ng kanyang tiyahin. Mukhang totoo naman ang sinasabi ni Alex dahil sumaglit siya sa isang silid, pagbalik niya ay bitbit ang ilang piraso ng papel na may naka-drawing.

“eto kuya, gawa ito nung isang kakilala ni tita na engineer…e kahit yung mga pinsan ko sabi pangit daw, that’s why I recommended you..alam ko namang magaling ka diba?”
 paliwanag pa ni Alex sa akin.

Sinuri ko ang ibinigay niyang mga iginuhit, kasabay nito ang pagdikit sa aking katawan ni Alex na nakikitingin din. Nadama ko kaagad ang isang suso niyang sa aking braso ay dumikit. Ang malambot na gilid ng kanyang suso ay nagpatigas naman sa aking ari.

“pag-aaralan ko, saka dapat maka-usap ko tita mo para malaman ko yung gusto niya saka kung magkano ang budget para dito” wika ko.

“ah oo, hintayin natin siya…saka dapat may discount kami ha? hihi!” biro pa ng dalaga.

Sa tingin ko nang mga sandaling iyon ay kapwa kami nakikiramdam sa isa’t isa, kapwa kami naghihintayan mula pa kanina. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang balak niya, malay ko ba kung gusto lang niya akong makita o sadyang para sa tita lang niya ang kanyang ginagawa.

“…kuya Bogs, na-miss kita” bulong ng dalaga.

Nabigla ako sa sinambit ni Alex. Kaagad akong napatingin sa ibang parte ng kanilang bahay dahil baka may ibang taong naroroon at nakakakita sa amin. Napangiti lang ako sa kanyang sinabi, para bang ako’y napako at hindi nakakilos dahil doon.

“halos araw-araw tayong nagkikita ah?” 
sagot ko naman.

“e araw-araw nga, pero hindi ka naman nagsasalita…na-miss ko yung dati, yung mga kwentuhan natin” patuloy niya.

“e yung ano na-miss mo ba?” biro ko naman.

Maginoo na sana mula pa kanina, pero hindi ko alam kung bakit bigla na lamang lumabas iyon sa aking bunganga. Kahit na kasi nakuha ko na si Alex, itinuturing ko pa rin siyang isang babae. Pinilit ko siyang igalang, pinilit kong panatilihin ang respeto ko sa kanya bilang kaibigan, subalit siya rin naman siguro ang may kasalanan. Hindi ko siguro masasabi iyon kung hindi niya ikinikiskis ang isang suso niya sa aking braso, hindi ko siguro bibitawan ang pagiging maginoo kung hindi siya nagpakita ng motibo.

“haha! sira! ikaw talaga!”
 reaksyon na lang niya.

“so hindi mo na-miss yun?” patuloy ko na.

“uhm…hihi! medyo haha!” sagot ng dalaga.

“medyo lang? hmp!” biro ko naman.

Isang hudyat siguro para sa kanya, isang paalala na muli na niyang buksan ang naiipit niyang kalibugan. Alam kong “kasama” ko nang muli si Alex, kasama ko na siya upang ituloy na namin ang nasimulang gawain. Lalo pa siyang dumikit, dahil siguro sa aking mga biro ay may tumamang kiliti. Ang kanyang ulo ay sumandal na sa aking isang braso, kasabay ang paghimas nito sa aking siko.

“oo na, na-miss ko din syempre…”
 bulong pa ng dalaga.

“gusto mo ulit?” alok ko sa dalaga.

Umangat ang kanyang ulo, siya ay napatitig sa akin. Napansin kong medyo namumula ang kanyang mga pisngi, ang mga ngiti niya ay sadyang pigil na pigil. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, tanging ang mga mata lamang namin ang nag-uusap sa tingin. Unti-unti, naglapit ang aming mga labi, ibinuka ko nang bahagya ang sa akin tapos siya nama’y napapikit.

Sa paghawak ko sa kanyang isang pisngi ay narinig ko ang kanyang hiningang malalim, naamoy kong muli ang mala-gatas niyang hininga na nagbigay sa akin muli ng sigla. Bumilis ang tibok ng aking puso nang maglapat na ang aming mga labi, hinalikan ko si Alex na para bang tunay na akin.

“uhmmm..uhmmm..” mahinang ungol ng dalaga.

Marahan, pero wala na akong pakialam. Hindi ko na naisip kung may ibang tao ba sa kanilang bahay. Ang alam kong nakatira doo’y dalawa niyang pinsan, isang babae at isang lalake saka ang kanyang tita. Sa gitna ng aming paghahalikan ay iginalaw ko na ang aking isang kamay, habang ang isa’y nakahawak sa makinis niyang pisngi, itinungo ko naman ang isa sa kanyang dibdib.

“hihi! nagulat naman ako…”
 reaksyon pa ni Alex nang malamas ko na ang kanyang isang suso.

“pahawak ha?” 
paalam ko pa.

“sige lang, sa iyo na yan”
 sagot naman ng dalaga.

itutuloy