Subdivision – Part 34

0

Part 34 Target Acquired

Isang linggo ang aking pinalipas, isang linggo akong nag-abang. Sa nagdaang araw ako din nama’y payapang nabuhay. Una sa tingin ko si pareng Estong ay lalagay nang talaga sa tahimik, pangalawa’y naging maayos naman ang lagay din ng aking asawa kahit pa hindi na muling natugunan ang hilig niya. Naging normal ang lahat, dumalang na ang aking pagbabantay sa ospital kontra sa dati niyang manliligaw. Sa mga nakaraang araw hindi na muli pang nagpakita ng kakaiba si Alex, bagama’t bumalik sa dati ang pakikitungo namin sa isa’t isa, hindi pa rin napawi sa aking isipan ang alok niyang ligaya.

Sa aking pagpapatuloy ay hindi ko naman nalimutan ang aking “girlfriend” na si Carina, tatlong beses yata kami sa isang linggo kung magkita. Si Katherine naman ay ganun din, kapag may pagkakataon kaming dalawa ay sinasamantala namin.

Masasabi kong ako’y nakuntento na sa wakas, sapat na sa akin ang lahat. Akala ko noon ay titigil na ako sa pagtipa ng titik upang isalaysay ang yugto ng aking buhay, akala ko tapos na, yun pala ay magsisimula pa lang ang pagbabago sa aking hinaharap.

Isang araw ay napakalakas ng ulan, may bagyo yata noon sa aking pagkaka-alam. Automatic wala kaming pasok dahil sa ulan, ganito ang sistema sa construction site. Ganunpaman, komo sa ospital nagtatrabaho ang aking maybahay, hindi hadlang ang kalamidad para sa kanyang obligasyon sa trabaho.

“babe mag-iingat ka…doon kana dumaan sa walang baha ha?” paalam at bilin ni misis matapos ko siyang ihatid.

Sobrang traffic noong umagang iyon, kahit maaga pa lang ay puno na ang lansangan. Ilang minuto akong nanatili sa daan palabas ng compound ng ospital nang tumawag sa akin si misis.

“babe? nasaan kana?” wika ni Angel sa telepono.

“naku nandito pa rin palabas pa lang ng gate nyo…bakit?” sagot ko.

“si Alex pauwi pa lang, isabay mo na at baka walang masakyan…balikan mo dito sa lobby…” utos ni misis.

“naku e nasa gitna ako ng mga sasakyan, teka susubukan kong bumalik dyan” 
sabi ko naman.

Sinubukan kong umatras, pero siguro ang paraan lang ay paliparin ko ang aking kotse upang makabalik na sa lobby. Tinawagan ko si misis, sabi ko maghintay muna si Alex. Ngunit hindi na siya sumasagot, siguro nasa duty na ang aking asawa. Dahil sa “concern” ko sa dalaga siya na ang aking tinawagan, sinabi ko ang sitwasyon ng aking kinaroroonan.

“ah sige kuya ako na pupunta dyan, malapit lang naman” wika ni Alex.

“naku e malakas ang ulan, hintayin mo nalang ako” sagot ko naman.

Ilang minuto ang lumipas ay talagang hindi gumagalaw ang mga sasakyan, nagulat nalang ako nang may kumatok sa aking bintana. Kaagad kong binuksan ang pintuan, pinapasok ko si Alex na parang basang sisiw ang itsura.

“bakit ka sumugod sa ulan?? ayan nabasa ka tuloy” sabi ko pa.

“hayaan mo na kuya, at least nandito na ako..akala ko mahina lang ang ulan e, kahit nakapayong ako e nabasa pa din”
 kanya namang dahilan.

Inabot ko ang tissue kay Alex upang ang katawan niyang basa ay punasan. Siguro halos kalahating oras kami doon sa gate bago kami umusad. Kasabay ng malakas na ulan ang malalakas na busina ng masa, kanya-kanyang diskarte makauwi lang. Tumawag pa nga sa akin si Carina at nagpapasundo din, sinabi kong manatili na muna siya sa ospital dahil imposible akong makarating kaagad.

“sino yun kuya?” tanong pa ni Alex.

“ah friend din namin ni Angel, bestfriend ng hipag ko” sagot ko.

“ah, buti nalang may kuya Bogs na tagasundo hihi!” biro pa nito.

Napansin kong medyo giniginaw na si Alex dahil sa basa niyang uniporme, kaya’t nag-suhestyon ako na magpalit na siya ng damit. Inalok ko ang aking t-shirt na lagi kong reserba sa sasakyan, sinabi kong hindi naman ako titingin at makapal din naman ang tint ng aking sasakyan.

“huwag na kuya, kaya ko pa naman”
 pagtanggi pa niya.

“naku baka sipunin ka, mahirap na magkasakit ngayon” wika ko pa.

Napilitang magbihis si Alex, alam niya ang mangyayari kapag hindi siya nagpalit. Medyo asiwa pa ang dalaga, paano nga ba kasi siya magbibihis sa loob ng aking sasakyan.

“sure ka hindi ako kita sa labas ha?” tanong pa niya.

“yes hindi yan kita, si Angel nga nagbibihis din dito minsan e” sabi ko pa.

“bakit naman dito siya nagbibihis??” pagtataka pa ni Alex.

“eh minsan din umulan nun nabasa siya” sabi ko naman.

“ah…akala ko dito kayo nag..hihi!”
 biro pa ng dalaga.

Walang sabi-sabi’y bigla niyang hinubad ang kanyang unipormeng puti, nagulat ako sa kanyang ginawa. Bilang “maginoo” lumingon kaagad ako sa iba, sa gitna ng trapiko’y nagbihis na siya.

“aba kunyari pa…e nakita mo naman na to” bulong pa ni Alex.

Wala akong magawa, kung doon ako sa kaliwa ko titingin siguradong kami ay mababangga. Ibinalik ko ang aking mga mata sa kalsada, sa gilid ng aking mga mata aking nakikita ang makinis niyang katawan at ang itim na bra. Nang lumingon naman ako sa isang side mirror ko ay hindi ko sinasadyang mahagip ang pagtingin sa kanya, humingi kaagad ako ng dispensa.

“ano ka ba, ako nga dapat ang mahiya sa iyo e…ang laki na ng tulong mo sa akin kuya…” wika pa ng dalaga.

“feel at ease kuya, okay lang. no worries..pwede pahingi ulit ng tissue?” patuloy pa niya.

Inabot ko ang tissue sa dalaga, muli siyang nagpunas ng katawan niyang basa. Pinilit kong maging relax, pinilit ko kahit pa ang katabi ko sa loob ng kotse ay naka-bra lamang. Ilang saglit pa’y naisuot na rin ni Alex ang pinahiram kong t-shirt, sa sandaling iyon ang aking titi ay lumambot na rin.

“thank you talaga kuya, buti lagi kang handa” 
sabi pa niya.

“you’re welcome..” 
sagot ko naman.

Kalahating oras pa ang lumipas, malayo pa ang aming patutunguhan. Siguro dahil sa pagod at puyat sa duty ay nakatulog si Alex sa upuan. Tinawagan akong muli ni misis at inalam ang aming kinaroroonan, sinabi ko ang sitwasyon at siya ay nagbilin na lang. Sa aming pag-uusap sa telepono ay nagising si Alex, nang aking ibaba ang telepono ay muli siyang nagsalita.

“nandito pa lang tayo? grabe naman ‘tong traffic na ito kuya…” reaksyon pa niya.

“e wala tayo magagawa, buti nga nakasabay kita kundi e maiinip pa ako dito sa byahe”
 sagot ko naman.

“…uhm, Alex, may nabanggit ka sa akin dati, sabi mo gusto mo akong makausap?” patuloy ko.

Napangiti ang dalaga, siguro naalala niya kung kailan niya iyon nasabi sa akin. Bago kami lumisan noong kaarawan ng tita niya ay nabanggit niya na gusto daw niya akong makausap.

“ah yun? hihi! wala, wala lang…” palusot pa ng dalaga.

“pwede ba yun? anong wala?” pamimilit ko pa.

“o sige na nga, gusto ko lang malaman paano kayo nagkakilala ni ate…saka paano nyo napanatili ang relasyon ninyo” tanong ni Alex.

Ikinwento ko sa kanya ang simula ng aking buhay kasama si Angel. Sapat ang aming oras noon sa haba ng traffic sa lansangan. Namangha siya sa tatag ng aming relasyon gayung kung tutuusin ay mababaw lang ang dahilan ng aming pagkakatagpo ng aking asawa.

“parang fairytale ha..hihi! so paano naman yung marriage life kuya? how did you managed?” patuloy niyang tanong.

“well, una dapat walang magbabago sa inyong dalawa. kung paano kayo nagmamahalan noong mag-syota palang kayo e dapat hindi yun mababawasan..pwedeng madagdagan pero dapat hindi bababa sa dati nyong samahan” paliwanag ko sa dalaga.

“wow…sana kuya makatagpo ako ng tulad mo” 
papuri pa niya.

“…actually yung ex ko e ayos na sana, kaso gusto niya talaga six kaagad…ayoko nun, gusto ko after marriage talaga” sabi pa niya.

Tutal “six” na ang nabanggit niya, minarapat kong huwag nang ilayo pa doon ang aming paksa.

“e bakit kami? weeks lang yata after Angel and I met, yun na, six na agad hehe!” biro ko pa.

“really??” tanong muli niya.

“yes. that’s true iha…modern world na tayo, mali man e basta alam ko napanindigan ko ang obligasyon ko nang makuha ko si Angel.” pahayag ko.

“…and that doesn’t stop there…kahit ngayon, kahit pa may anak na kami e dapat masigla pa din kami pagdating dun…admit it, parte ng relasyon ang six” pahabol ko pa.

Sa tingin ko’y nakukuha ko na ang tiwala ni Alex, sa tingin ko nailuluklok ko na siya sa pwesto kung saan gusto ko siyang makita.

“so ikaw ang first time ni ate?”
 tanong muli niya.

“yup. but I tell you, kahit pa hindi na siya virgin that time, still, siya parin ang gusto kong pakasalan. that’s what you call love. virginity is I think nowadays a ‘bonus’ to the guy, one has to accept the existing condition of the partner. kung di na virgin, fine. kung virgin edi mas okay…” paliwanag kong muli.

“wow, that was inspiring kuya hihi!”
 reaksyon niya.

“..and of course, depende sa performance yan hehe…you know, kahit hindi na birhen yung girl, kung ‘gifted’ naman yung guy e parang ganun din. haha!” pahabol na tirada ko pa.

Doo’y napansin kong nag-iba ng upo si Alex, para bang mayroon siyang inipit. Napatingin ako doon, napatingin din siya sa akin at nahuli akong nakita ko siyang nako-conscious sa pag-upo.

“what?”
 wika ni Alex.

“ha?”
 sabi ko.

“bakit mo ako tinitignan dito?” masungit niyang tugon.

“ah wala, kasi di ka mapakali, baka basa kana” sambit ko pa.

Tinapik ako ni Alex sa aking braso, tila nagalit pa nga siya pero alam kong parang inis lang ito.

“ang sama mo! hmp! basa ka dyan!”
 sagot nito.

“hahaha! sorry! sorry! what I mean is baka basa yang pantalon mo, may shorts din ako dyan baka gusto mong magpalit” depensa ko naman.

“aba! ayoko nga! ikaw kuya ha! tama na sa iyo yung makita mo yung bra ko, this one is off limits noh! hmp!” dahilan niya.

“o e kung hindi basa, bakit ka hindi mapakali?”
 patuloy ko naman.

“ewan ko sayo! hmp!” 
sabi nalang ng dalaga.

Tumahimik ako sandali at nakiramdam. Ipinakita ko talaga sa kanya na pinipigilan ko ang aking tawa dahil sa kanyang ginawa kanina.

“kainis ka! hmp! kuya naman e!”
 bigla niyang wika.

“oh bakit? inaano ba kita?” pagtataka ko naman.

Halatang lalong naasiwa ang dalaga sa kanyang pundya, hindi ko sigurado kung basa nga ba talaga ang pantalon niya o ang kanyang pagkababae ang naglalawa. Sumandali kaming nanahimik, pero dahil hindi ko na mapigilan ang aking sarili ay muli ko siyang biniro.

“so ikaw, sabi mo tumanggi ka sa ex mo dati? so…uhm…”
 bitin kong tanong.

“oo na! virgin pa po ako! and I’m proud of it!” mayabang niyang tugon.

“okay…ikaw na ang virgin hehe” biro ko pa.

Noong oras na iyon ay hindi naman puro libog ang nasa isipan ko, naisip ko din ang “awa” ika nga. Alam kong ako’y naroon na sa hukay ng kanyang katawan, alam kong kaunting pilit na lang ay papayag na siya. Subalit tila ako’y pinipigil ng aking damdamin, para bang nangingibabaw ang pagiging “kaibigan” niya sa akin. Para bang hindi ko siya kayang angkinin, para bang hindi ko kayang punitin ang kanyang pagka-birhen.

itutuloy