Sa Akin ka na lang – Part 12

Story by Shane317

Medyo late akong gumising kinabukasan dahil siguro sa puyat ko ng nagdaang dalawang gabi. Agad akong pumunta sa cottage kung saan nandoon ang mga kasama namin. Hindi ko sila mahagilap kayat naghanap na lang ako ng makakain dahil gutom na ko.

“Napuyat ka yata kagabi? Bigla kang naglaho eh, kasama mo si Vivian?” Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko. Isang magandang dalaga na nakasuot ng maiksing shorts at fit na sando. Litaw na litaw ang kanyang kaseksihan na lalong nagpatingkad ng kanyang pagiging mestiza.

“Hi, good morning ganda.” Ang ganting sagot ko sa kanya na nagpataas ng kanyang kilay at parang napansin kong namula ang kanyang makinis na pisngi. Ewan ko kung sadyang rosy check siya pero tama ba ang aking nabanaag sa kanyang itsura. Parang may pagka-kiyeme sya sa aking palagay.

“Salamat, pero matagal ko ng alam yan. Si Vivian, umuwi na sinundo siya kanina ng boyfriend niya. Saan kayo nagpunta kagabi? Bigla kayong naglaho eh. Nakikita ko kayong nakaupo sa aplaya tapos bigla na lang nawala kayo. Hay, mga lalake talaga naman oo.” Tuloy-tuloy na palatak niya sa akin habang may kung anong ginagawa sa lababo.
Nakita pala niya kami kagabi. Sa totoo lang mas attracted ako dito kay Joan. Hindi parang gusto ko siya, gustung-gusto actually. Ang ganda niya, ang seksi niya kaya lang ayaw siya ni Rhea para sa akin. Shit, bakit ba isinasaalang-alang ko ang gusto ni Rhea. Paano naman ang gusto ko at saka yong gusto naman niya eh daig pa ang porn star kung makakantot. Peke, nagtatago sa Maria Clara image na sa katunayan eh para namang Maria Ozawa.

“Heto magkape ka muna, iinitin ko lang itong ulam. Pasalamat ka at naisip kita kanina kundi hindi ka kakain. Naku sa sobrang harabas ng mga yon kung kumain.” Sabi ulit ni Joan habang inaabot sa akin ang isang tasa ng kape.

“Salamat ha, pero Joan, bakit?” Tanong ko sa kanya ayaw kong mag-assume baka magkamali ako. Masaya ang puso ko sa nararamdaman kong ito ngayon. Pero ayaw ko ngang umasa dahil hindi pa naman kami magkakilala bukod sa aming mga pangalan.

Isa lang ang alam ko sa babaeng ito, maharot. Hindi kaya playgirl ito? Kung si Vivian ay matindi, mas hamak siguro ito. Baka ito na ang ina ng kalandian. Sayang parang mahal ko pa naman yata siya. Bibihira akong magkagusto sa babae actually sa edad kong ito pang-apat pa lang siya sa mga nagustuhan kong babae. Si Josie na classmate ko noon na ni hindi ko man lang nasabi sa kanya at hindi ko rin alam kong nasaang lupalop na ng mundo, si ate Novy may asawa na at nakantot ko siya ng wala pa yatang limang minuto, si Arlene na naging gf ko ng ilang panahon lang na bigla na lang naglaho at heto nga si Joan na kahapon ko lang nakilala, na bagamat gusto ko siya ay naharang agad ni Rhea dahil malandi nga raw ito at nakikita naman kasi sa kilos niya.

Si Vivian naman na gusto niya at nakantot ko kagabi lang ay sinundo na raw ng bf niya na ayon sa pagkakasabi niya sa akin kagabi e wala daw siyang boyfriend, eh, hindi ko naman gusto. Attracted ako sa ganda niya at nakantot ko naman siya. Yon lang, tapos, libog lang, at lumipas na yon pagkagising ko kaninang umaga. Ni hindi ko nga siya hinanap pagkagising ko kung hindi lang pinaalala ni Joan.

“Anong bakit?” tanong sa akin ni Joan habang nakita kong nagsasandok siya ng kanin.

“Bakit mo ito ginagawa sa akin? I mean, kahapon lang tayo nagkakilala, pero ang bait mo sa akin.” Balik tanong ko sa kanya habang inaabot niya sa akin ang kanin at nanguha ng dalawang pinggan sa lalagyan.

“Crush kita.” Walang kagatol-gatol na sabi niya sa akin habang nagsasandok naman siya ngayon ng ulam. “At nagugutom din ako, hindi pa ako nag-almusal, gusto kitang kasabay kumain. Hindi ka kasi nakisabay sa akin kahapon dahil may iba kang sinabayan.”
Wow, prangka, maharot at maganda. Nakakainis itong babaeng ito, parang ang dali lang niyang sabihin ang mga bagay na ganun sa lalake samantalang ako kailangan pang praktisin bago ko masabi ang nararamdaman ko sa isang babae, kesehodang mahal na mahal ko pa.

Naupo na lang ako habang pinapanood ko siyang kumilos. Maliksi, at parang alam niya ang kanyang ginagawa bagamat makinis siya at parang pang mayaman ang  kutis niya alam kong sanay gumawa ang babaeng ito.

“Hindi mo ba ako gusto dahil malandi ako? Ayaw mo ba akong subukan? Malay mo compatible tayo. Ano, hindi ba ako maganda sa paningin mo?” Sunud-sunod na tanong niya sa akin habang naglalagay ng kanin sa pinggang hawak ko. At talagang pinagsilbihan pa niya ako. Nililigawan ba niya ako?

“Nililigawan mo ba ako?” Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang nasa isip ko lang kanina.

“Hindi, prangka lang ako, mas gusto kong ikaw ang manligaw sa akin. Promise hindi kita pahihirapan.” Sagot niya sa tanong kong hindi naman dapat itanong sa isang dalaga.

Parang tambol tuloy ang dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Bakit ba nai-intimidate ako pagdating sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ko mahagilap ang dila ko at pakiramdam ko namumula ang pisngi ko sa pangyayari.

Naging masaya naman ang aming agahan at nalaman ko kung taga saan siya. Tuguegarao City, Cagayan. Pero nasa Santiago City ang trabaho niya. Bookkeeper siya sa Wellington isang malaking tindahan ng mga Construction Products na nagsu-supply  ng mga materyales sa mga karatig bayan at pati na rin sa probinsya ng Kalinga at Cagayan. Sa pagkakaalam ko sila din ang supplyer namin.

Ganun daw siya kumilos, maharot, pero sa totoo lang daw eh wala naman siyang boyfriend at naghahanap pa daw siya.

“Karamihan kasi sa mga nakikilala ko eh puro mapagsamantala sila. Ikaw nga lang ang parang hindi interesado sa akin kahapon eh.” Sabi niya sa akin habang naglalagay muli ng kanin sa plato ko.
“Hindi naman sa ganun kaya lang, nakita mo naman ang ginawa ng bestfriend ko kahapon di ba. And speaking of the devil, here she comes.”Sagot ko sa kanya ng makita kong papalapit sa cottage si Rhea.

“Hi, to both of you. Anong meron at parang seryoso kayong dalawa dito.” Bati niya sa amin bago humalik sa pisngi ko.

“Kanin at ulam. Pinagsilbihan ako ni Joan at sinamahan dahil ang bestfriend kong nanghila sa akin sa picnic na ito ay nag-eenjoy sa paglangoy at pinabayaan ako.” Sagot ko sa kanya habang nakatingin ako kay Joan na pangiti-ngiti lang.

Napakatamis niyang ngumiti at parang matutunaw yata ako sa mga titig niyang tumatagos sa aking puso at bumubulong ng ibigin mo siya.

“Asus, bakit kaba kasi tinanghali ng gising, eh ang sarap maligo sa dagat. Bilisan niyo na jan at join tayo doon. Iinom lang ako at babalik na ako doon.” Sabi niya sa akin habang kumekendeng na naglakad palayo sa amin. Naka one piece bathing suit siya na nagpalitaw ng kanyang kaseksihan.

Seksi talaga si Rhea, marami na rin siyang naging boyfriend kaya lang e walang tumatagal. Ewan ko ba akala yata nila eh kami. Pero ni hindi sumagi sa isip ko ang mga bagay na iyon at ng tanungin ko naman si Rhea ang sagot niya sa akin, ‘yakksss kadiri ka’.

“Tara na, ligo tayo ang lansa ng amoy mo, hihihi.” Bulong sa akin ni Joan habang hatak sa akin at naglakad kaming magkahawak kamay patungo sa dalampasigan.

Masarap pala  ang pakiramdam ng ganito, parang huli kong naramdaman ito noon kay Arlene. Feeling ko tuloy kami na ni Joan.

“Hindi ka na ba magbibihis? I mean yan na ba ang panligo mo?” tanong ko sa kanya dahil nakikita kong naka-bathing suit silang lahat pero siya ay naka maikling short at sando lang.

Leave a Reply