ROOM FOR RENT – Part 64

0

Part 64 Salu-salo

“mama na-miss ko itong luto mo…ang sarap!” papuri ni Pola nang matapos ang masaganang hapunan nila.

Hindi na nagawang bumili pang muli ni Pola ng pagkain sa labas, ang talento ng kanyang ina na bumuhay sa kanila noon ang ginamit upang maghanda ng masarap na hapunan.

“mama, nag-usap na pala kami ni Mitoy, kakausapin na daw niya yung kakilala niya para ayusin itong bahay…gusto ko din padagdagan ng room para kapag naririto kami e may tutuluyan” wika ni Pola.

“naku anak salamat…” mangiyak-ngiyak pang sagot ng kanyang ina.

“gusto ko din po sanang kumuha ng isa pang pwesto, kung gusto nyo lang naman po, para magkaroon kayo ng sariling kainan” patuloy ni Pola.

“ay anak huwag na, sapat na sa amin ni Meloy ang kinikita namin, sa apo ko nalang ilaan ang pera mo…” sagot ng nanay ni Pola.

Hindi na pinilit ng dalagang ina ang desisyon ng kanyang magulang, basta’t masagana at alam naman niyang masaya na din ang kanyang ina ay tama na. Maagang natapos ang hapunan, si Pola na din mismo ang nagyaya para sa unang gabi nilang muling magkakasama.

“manong, pabili naman ng maiinom, doon sa kanto may tindahan doon…” ani Pola.

“inom? alak?” tanong ni Mitoy.

“oo bakit? hindi kana ba umiinom?” balik ni Pola.

“uhm, hindi na gaano…pag may okasyon na lang..” wika ni Mitoy.

“eh hindi ba okasyon ito? reunion diba? hihi!” singit naman ni Lally.

Inayos ni Mitoy ang balkonahe ng bahay, sa labas kung saan preskong hangin ng probinsya ang kanilang kasama. Hindi sila pwede sa loob dahil doon nga natutulog ang kanilang magulang.

“oh mauuna na kami matulog mga anak, medyo pagod eh, bukas nalang ako babawi lalo na kay apo…” wika ng nanay ni Pola.

Ilang minuto pa’y dumating na ang tsuper ni Pola, hawak ang isang supot na may lamang Fundador at ilang sitserya naman sa kabila.

“manong join us…” alok pa ni Pola.

“ah hindi na po madam, ok lang po ako…” sagot naman nito.

“no manong, halika dito, dito ka lang” utos ni Pola.

Kamot-ulong pumwesto si manong drayber sa umpukan, hindi niya naman inaabuso ang pagiging mabait ng amo.

“sige po ako nalang tanggero ninyo” suhestyon pa ng tsuper.

Noong una’y tahimik, karamiha’y hinihimas pa ang tiyan sa sobrang busog. Nagpaalam si Pola sandali upang magpalit ng damit, damit na kumportable siya at pwedeng diretso na sa kama sakaling malasing. Sa isang banda naman ay parang nawalan na ng tsansa si Mitoy.

“pano ba ‘to, tsk! madami tao, paano ako makakadiskarte” wika ni Mitoy sa sarili.

Nagbalik si Pola sa labas, halos bumagsak sa sahig ang mga panga ng kalalakihan. Si manong drayber ay hindi alam ang gagawin dahil first time niyang makita ang amo na ganoon ang suot. Si Mitoy naman ay hindi mapakali dahil naroon sa kanyang tabi ang kanyang buntis na asawa. Ang suot ni Pola ay manipis at maikling shorts, kapareha ang sleeveless na pang-itaas kung saan mahahalatang walang suot na bra ngunit hindi naman bakat ang utong.

“oh start na nang makarami! hihi!” sigaw pa ni Pola.

“sir…sir Mitoy, tagay na ho” sabi ni manong.

“ah ako na ba?” gulat ni Mitoy.

Muntik nang mahuli ni Lally ang asawa na nakatitig sa mga hita ni Pola, buti na lamang ay tinawag ang atensyon niya ni Pola at kunyaring may itinanong tungkol sa kanyang pagbubuntis. Pero alam ni Pola ang dalawang barako niyang kasama ay nakatitig sa kanyang katawang maganda, sakto ito at ayon sa plano.

Si yaya ay kalaro ang bata, si Mitoy at manong ang magkausap at ang dalawang babae nama’y patuloy din ang kwentuhan. Humaba ang gabi, bumalong ang tuwa at saya sa pagitan nila. Aliw na aliw si Lally sa relasyon ng kanyang asawa at ni Pola, lalo na nang kanilang ungkatin ang mga nakaraan nila sa Maynila. Hindi na nabanggit pa ang mapait na lihim, puro mga masasayang tagpo at ni hindi sumagi ang pagkakantutan nila o anumang tungkol sa malalaswang relasyon.

Alak. Alam natin kung ano ang epekto nito sa sangkatauhan, pwedeng masaya, madrama sa gitna ng magbabarkada. May away at gulo minsan, lasingan at sapakan. Ngunit saan pa ba tutungo ang usapan kung ang iyong kaharap ay dati mo nang natikman?

“buti hindi ka nahirapan Lally kay Mitoy? hihihi!” biro ni Pola na tila may tama na.

“ate??!” sigaw ni Mitoy.

“hahaha! ok lang, noong una e masakit naman talaga..hihi!” pagsabay naman ni Lally sa kwentong lasingan. Hindi umiinom si Lally dahil siya ay nagdadalang tao, alam niya ang nangyayari at nasa tamang antas siya ng ulirat upang magalit sana sa mga tirada ni Pola. Alam niya ang tinutumbok ni Pola, ang titi ng kanyang asawa na alam naman niyang nakita na din ng hipag niya dahil sa mga ikinwento patungkol sa kanilang buhay dati pa. Laki sa Maynila, sanay sa mga biruang malalaswa. Sa kabila nito ay tinitigasan na pala si Mitoy sa mga paksa ng dalawang diwata.

“what?? virgin ka nang makuha ka ni Mits?? haha! jackpot pala si utol e!” sabi pa ni Pola.

Hiyang-hiya si Mitoy, dalangin niya’y huwag lang sanang mapunta sa relasyon nila dati ang usapan. Walang ibang may alam noon na nasa kanilang bahay maliban sa nanay ni Pola na ngayon ay tulog na. Walang magawa ay sinakyan na lang din ni Mitoy ang mga biro ni Pola. Sa isang banda naman ay si manong drayber na abala sa pagtatagay, sanay na siya sa among babae, lalo na kapag sila’y nasa beerhouse at madaming pokpok na babae ang kausap.

“madam, ubos na po…bibili pa ba ako?” tanong ni manong.

“ah o sige” wika ni Pola.

“naku tama na, lasing na yata ako…” singit naman ni Mitoy.

“ano ka ba Mits, sige na last bottle nalang…manong sige bumili kana muna” utos ni Pola.

“oo nga naman mahal, pagbigyan mo na ate mo…teka at kukuha ako ng pulutan sa loob” sambit naman ni Lally.

Muli, naiwan ang dalawang magkababata. Si yaya ay niyaya na ang bata upang matulog na. Sa pangalawang pagkakatao’y nariritong muli si Pola sa harapan ni Mitoy, solo niya, sixy ang suot at talaga namang nakakalibog. Bago pa man nakilala ni Mitoy si Lally ay lagi na niyang iniisip ang imahe ni Pola noong huli nilang pagtatalik.

“masikip pa din kaya si Pola? sigurado akong masarap pa din siya…shit…” sambit muli ni Mitoy sa sarili.

Hindi naman nagpakita ng lubos na pang-aakit si Pola, sadya lang talagang kaakit-akit ang dalagang ina at isa pa’y kung talagang manyak ang titingin sa katawan niya ay makikita ang kahit anong itago niya. Alam ni Mitoy na bukas nang muli ang pintuan para sa kalibugan, batid ito at nakalahad ayon sa kanilang mga kwentuhan at biruan.

“Pola…este ate Pola..” mahinang wika ni Mitoy.

“ow? yes Mits?” pa-sweet at medyo malanding tugon ni Pola.

“uhm, wala hehe…na miss kita” matapang na sabi ni Mitoy.

“hihi..mukha nga…” panghuhuli ni Pola sa kababata.

“huh?” tanging reaksyon ni Mitoy.

Kinuha ni Pola ang bote ng Fundador, isinalin sa tagayan ang nalalabing laman nito. Habang isinasalin ay muli siyang nagsalita, taas ang isang kilay at nilakasan na ang loob upang ilabas ang tunay na nararamdaman sa kapatid.

“mukha ngang namimiss mo talaga ako…panay ang titig mo e..gusto mo ba magpalit na ko ng damit?” prankang tugon ng dalagang ina.

“ano?? ako? ikaw talaga ate!” di mawaring palusot ni Mitoy.

Napangiti si Pola, sa kabila ng pisnging namumula dahil sa alak ay naroon pa din ang likas na alindog ng dalagang ina.

“oo ikaw nga…sino pa ba ang malibog at manyakis dito? hihi!” pambubuko ni Pola.

“anu ka? haha! may asawa na ko ate Pola…” palusot ni Mitoy.

“so? e bakit halos mahubaran na ako sa mga titig mo?” sabi ni Pola.

“eh wala. masama ba? ngayon lang kita natitigan ulit e, sorry naman…” sagot ng kanyang kababata.

Itinagay ni Pola ang hawak na shotglass, inabot ang pulutan sa mesa na may kababaan. Sa kanyang pagyuko ay muli sumilay ang kanyang dalawang bundok sa loob ng sleeveless na damit. Eksakto ay tumingala siya kaagad at nakitang nakatitig sa kanyang cleavage si Mitoy.

“oh?” malambing na wika ni Pola.

“oh ano? hehe…ikaw ang nag-paen ha!” sagot kaagad ni Mitoy.

Parang mga bata, simpleng bagay ay binibigyang kahulugan. Nagtawanan nalang ang dalawa sa sitwasyong kanilang kinahinatnan. Ang tanging nakapagpigil kay Mitoy ay ang kanyang wagas na pagmamahal para sa kanyang asawa. Subalit iba pa din si Pola, iba kumpara sa kanyang asawa.

“oh guys wala pa si manong? eto pulutan nyo mahal…” wika ni Lally nang muli siyang nagbalik galing kusina.

“alam mo Lally, swerte ka kay Mitoy, mabait yan, hindi ka pababayaan…” sambit ni Pola.

“oo nga ate, swerte talaga” sagot ni Lally.

Ilang minuto pa’y dumating na din si manong, dala ang isa pang bote ng alak. Noon din ay nagpaalam na si Lally dahil hindi ito sanay na magpuyat gayung buntis din siya.

“mahal mauuna na ako…ate Pola, pasensya na ha, bukas nalang natin ulit ituloy kwentuhan natin” paalam ni Lally.

Naiwan si manong, Mitoy at Pola sa harap ng mesa. Hindi na naubos pa ang bagong bukas na bote ng alak, kalahati pa lang ay nagpakita na ng senyales ng pagkalasing ang bawat isa.

“Mits, saan pala matutulog si manong?” tanong ni Pola.

“ah doon sa sofa, sa sala” sagot ni Mitoy.

“ah hindi na po madam, sa kotse nalang po ako” dahilan naman ni manong.

“sure ka? hayaan mo at pag napaayos na itong bahay e meron ka nang kwarto hihi” biro pa ni Pola.

Tinapos ang gabi, matapos ang pagliligpit ng tsuper ay nauna na din siyang humimbing.

“tara?” wika ni Mitoy.

“saan?” malanding sagot ni Pola.

“saan? edi sa room..halika na at matulog na tayo” sagot ni Mitoy.

Sa pagtayo ay muntik nang mabuwal si Pola, dala ng kalasingan at buti na lamang ay hindi pa nakakalayo si Mitoy. Nasalo niya si Pola, paharap at ang kanyang braso ay sumalo doon mismo sa bandang dibdib ni Pola.

“ay! hihi! sorry lasing lang..hihi!” biro ni Pola.

“shit…ang lambot…” wika ni Mitoy sa sarili niya.

Kaagad kumalas sa pagkakahawak si Mitoy, minarapat niyang maging maginoo dahil tila nakunsyensya siya kanina nang marinig ang sinabi ni Lally tungkol sa kanilang relasyong sing-tibay ng bato.

“Mitoy, alalayan mo ko…” hiling ni Pola.

“halika…” sagot naman ni Mitoy.

Hindi akalain ni Mitoy na aakbay sa kanya si Pola, ang alam niya ay aakayin lamang niya ang dalagang ina. Dahil dito’y muling kumiskis ang isang suso ni Pola sa balikat ni Mitoy.

“Mits sa banyo…sa banyo…nasusuka ako…” sabi ni Pola.

Nasuka si Pola, doon ay hinimas pa niya ang likod ng dalagang ina habang inilalabas ang alak mula sa bunganga. Muling nagtalo ang libog at pagiging tapat ni Mitoy sa kanyang isipan, inisip niyang kapatid niya ito at hindi na katalo. Subalit sa bawat hagod niya sa likod ni Pola ay unti-unti na namang namuo ang init sa kanyang puson.

Mula sa kawalan matapos maghilamos si Pola ay bigla niyang niyakap si Mitoy. Nabigla ang kanyang kababata, hinaplos naman niya ang dalagang ina. Amoy alak at ang likas na bango ni Pola, nakakalibog na halimuyak, hindi naiwasang tumigas ang titi ni Mitoy at dumunggol sa puson ng kayakap.

“shhhh…behave…na miss lang kita…huwag mo itutok yan Mits..hihi!” biro pa ni Pola.

itutuloy