ROOM FOR RENT – Part 60

0

Part 60 Tayo na at Magbati

Sa bawat pagbati at panimulang pangungusap ni Mitoy kay Pola ay hindi mawawala ang salitang “ate”. Noong huli silang nagkasama ni Pola ay isang madilim na tagpo, ang tanging dahilan kung bakit lumisan ang dalaga’y dahil nagdadalang tao na siya sa iba kaya’t doon din ay pinutol na niya ang relasyon sa kababatang si Mitoy. Ngunit bakit nga ba “ate” na ang tawag ni Mitoy kay Pola, oo, marahil alam na din niya ang katotohanan at siguradong tanggap na niya ito ng maluwag.

“tara ate, sa bahay na tayo, ipagluluto ko kayo” paanyaya ni Mitoy matapos ang misa.

“Mits ha, ate ka ng ate naaasiwa ako hihi” pabirong tugon ni Pola.

“uhm, hindi po ba mag-kapatid naman kayo?” singit ni Lally.

“ah mahal, complicated kasi hehe..pero kapatid ko talaga si Pola” sagot ni Mitoy.

Muli silang sumakay sa magarang kotse ni Pola, manghang-mangha pa din ang binata sa biyayang tinamasa ng kanyang kababata na ngayo’y kapatid na niya.

“kelan ka manganganak Lally?” tanong ni Pola.

“dalawang buwan pa po ate” sagot naman nito.

“boy o girl?” patuloy ng dalagang ina.

“girl po..” nakangiting tugon ni Lally.

Sa pagliko patungong kalye kung saan naroon ang tahanan nila’y dumapong muli ang kaba sa puso ni Pola. Muli niyang naisip at itinanong sa sarili, bakit nga ba doon nakatira si Mitoy sa kanilang bahay? Isa lang ang sagot na kanyang naisip.

“oh nandyan na pala sila tatay at mama” wika ni Mitoy.

Tama nga si Pola. Tuluyan nang nagsama ang dalawa nilang magulang. Sa bawat kahol ng aso sa tarangkahan ay nabulabog ang pamamahinga ng mga matandang galing sa byahe. Tiyak na may ibang tao kapag nangyayari iyon, bago pa man nakababa sa kotse si Pola at ang bata ay bumukas na ang pintuan sa harapan ng bahay.

“Mitoy?” tawag ng nanay ni Pola.

Muling bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, napayakap sa kanyang supling. Mabilis na binuksan ni Mitoy ang gate upang papasuking muli ang mamahaling sasakyan ni Pola.

“mama, may bisita po kayo” wika ni Mitoy habang inaalalayan si Lally papasok ng balkonahe ng bahay nila Pola.

Parang isang politiko, isang artista na dapat ay handa muna ang lahat bago lumabas sa publiko. Ito ang lalong nagpakaba sa dalagang ina, ang halos lahat ng mata’y nakatuon sa kanyang pagbukana.

“sino ba yun? ano sinasabi mong bisita? kanino ba yang kotse na yan?” sunod-sunod na tanong ng nanay ni Pola.

Huminto ang langit at lupa, parang sa pelikula ang kanyang pagbaba. Mabagal at walang tunog, pigil ang hininga ni Pola maging ang kanyang ina. Sa paglapag ng kanyang maputi at makinis na paa na may suot na sandals ay napatitig dito si Mitoy, kasunod ang paghawi ng suot na palda at bumungad ang bilugang biyas ni Pola. Makinis, walang bahid ng peklat o anumang galos pa, nagbalik na si Pola.

“Po-Pola…?” maluha-luhang sambit ng kanyang ina.

Muling huminto ang musika ng paligid, naglapit ang dalawa saka binuksan ang dalawang kamay upang magyakap. Tuluyan nang nabura ang mga kasalanan, ang mga pagkakamali’y naglaho na at pinatawad. Luha at pananabik sa isa’t isa ang muling nagbuklod sa mag-ina, wala na ngang hihigit pa sa pagmamahal na dulot ng kanyang mama.

“mama…mama..huhuhu…” wika ng dalaga.

“anak, nagbalik ka…sana napatawad mo na ako, kami…” sagot ng kanyang ina.

Maging si Mitoy ay muntik nang mapaluha sa muling pagkikita ng mag-ina. Hindi siya sanay sa ganung sitwasyon, kaya minarapat na lang niya na basagin na ang kadramahan.

“mama, Pola, tara na po sa loob, baka mamaya magpalakpakan pa itong mga tsismosong kapitbahay natin…” singit ni Mitoy.

“ah mama, teka…” wika ni Pola. Muli siyang bumalik sa kotse, tinawag ang kanyang anak na si Itoy.

“ma, si Itoy po, anak ko…apo nyo po…Itoy bless ka kay lola mo” patuloy ni Pola.

Masayang pumasok sa loob ng bahay ang lahat, madaming nagbago, ang mga ayos ng mga kasangkapa’y iba na mula ng siya ay naglaho. Ganunpama’y naroon pa din ang kanyang mga litrato, naka-frame at ang iba’y nakasabit pa din gaya ng dati. Patunay ito na hindi siya tuluyang nilimot ng kanyang nag-iisang magulang.

“maiwan ko muna kayo, magluluto na ako” wika ni Mitoy.

“no Mits, huwag na, magpapabili na lang ako kay manong…” pagtutol ni Pola.

Bumukas ang silid kung saan huli din nilang idinaos ni Mitoy ang kanilang kantutan, doo’y bumungad ang tatay ni Mitoy na si mang Meloy. Pagod sa byahe at halatang puyat, pupungas-pungas pa ng kanyang makita ang magandang dalaga.

“Pola? iha ikaw na ba yan? aba’y mas maganda ka pa sa mama mo ah” bati nito.

“opo ako nga po ito..at bolero pa din po kayo…hihi” biro naman ni Pola.

Sa gitna ng kwentuha’y unti-unting nang nalinawan ang lahat. Naunawaan na ni Pola kung bakit ang kanilang bahay ay puno na ng ibang naninirahan. Natuluyan nang nagsamang muli ang kanyang mama at ang tatay ni Mitoy, ibinenta na nila mang Meloy ang kanilang tahanan upang magkaroon ng puhunan para sa pinasok na negosyo. Sa kabilang banda’y humingi na din si Pola ng tawad sa pagtalikod niya dati sa kanyang pinanggalingan, maging ang pagkamatay ni Aeron na ama ng kanyang anak ay kanila na ding nalaman.

Nakatapos na din si Mitoy sa kolehiyo, ngunit dahil nagsisimula pa lamang sa trabaho’y hindi pa ganoon kalago ang asenso kumpara kay Pola na nagsimulang may puhunan na.

“saan naman kayo nagkakilala?” tanong pa ni Pola na parang interesado talaga sa asawa ng kanyang kapatid at kababata.

“hihi, sa office po..sa Ortigas” wika ni Lally.

“madami akong alam dyan sa asawa mo hihi, mga kalokohan namin noong bata pa kami hihi!” biro pa ni Pola.

“hoy Pola ha, baka mapa-anak yang mahal ko hehe” sagot naman ni Mitoy.

Wala na ngang luluwag pa sa puso at isip ang maging maayos na ang iyong pamilya. Kung anong sakit na naramdaman noon ay ngayon nama’y lalanggamin sa tamis ng pag-ibig at saya ng mga sandali. Ito na yata ang kabayaran sa mga masalimuot na nakaraan ni Pola, ito na yata ang simula ng kanyang naunsyaming pangarap.

“mama, ipapaayos ko itong bahay, gusto ko dito kami ni Itoy tuwing weekends” wika ni Pola.

“naku Pola, baka naman labis sa iyo yun? nakakahiya naman” sagot ng kanyang ina.

“no mama, wala iyon, iniwan sa akin lahat yan ng asawa ko dati, gusto kong bigyan kita ng magandang buhay” sagot ni Pola.

Hindi na napigilan ng mama ni Pola ang kanyang mga plano para sa kanilang bahay at buhay. Gabi na ng muling umalis ang mag-ina, madami pa sana silang pag-kukwentuhan subalit hindi maaaring lisanin ni Pola ang Maynila. Tulad ng kanyang nasirang asawa, negosyo ito, mahirap iwanan.

“sige po mama, next week ulit uuwi ako…” paalam ni Pola.

“ingat kayo Pola, bye Itoy!” sigaw pa ni Mitoy.

itutuloy