ROOM FOR RENT – Part 31

0

Part 31 Misyon

Umuwing luhaan si Kanor, kahit na nilabasan siya mula sa pagkaka-tsupa ni Pola ay naroon pa din ang frustration at ang sakit ng puson. Ito ang naging dahilan ni Kanor upang magkaroon ng mga katanungan sa tunay na katauhan ng dalaga niyang tenant. Hindi na niya nadaanan ang tungkol sa relasyon ni Pola at Mitoy na noong una pa’y mag-pinsan ang pakilala, ang kanyang pakay ay kung ano ba talaga ang pinagkaka-abalahan ng dalaga.

Pinalipas ng binatang landlord ang maghapon, inantabayanan niya ang muling paglisan ni Pola at nagpasyang susundan niya ito kung saan man pupunta. Ilang minuto pa bago lumubog ang araw ay tagumpay niyang nahintay ang paglabas ni Pola mula sa kanilang inuupahang silid, madali siyang kumilos upang magbihis at kuhanin ang susi ng kotse niya. Napahinto siya sa paglabas ng bahay nang makita niya sa tarangkahan ng compound ang isang magarang sasakyan na siguradong naghihintay kay Pola.

“hi sir…” bati ng dalaga.

Sa pagbukas ng pintuan ay nasilayan ni Kanor kung sino ang nagmamaneho ng sasakyang nakaparada sa harapan. Si Aeron ito at kaagad naman niyang naalala kung saan niya iyon unang nakita.

“tang ina, kaya pala iwas na sa akin e binakuran na ng letseng manager niya” bulong ni Kanor sa sarili.

Buo ang loob ni Kanor, kailangan niyang malaman kung saan siya lulugar ukol sa kanyang pag-asa para sa puso at puki ng dalaga. Parang espiya ang binatang landlord, sinundan niya ang sasakyan ni Aeron kung saan lulan din ang dalaga. Pumarada sa di kalayuan mula sa disco bar si Kanor, doon ay matiyaga niyang hinintay ang kung ano mang gagawin ni Aeron.

Matyagang naghintay ang landlord, inisip niya kasing may ibang patutunguhan ang dalawa base sa kanyang nakita kanina. Malakas ang kutob ni Kanor na may kakaibang relasyon ang manager at si Pola. Hindi nagtagal sa kalaliman ng gabi at ilang pakete ng yosi ay muling lumabas si Aeron kasunod ang dalaga. Diretso sila sa kotse ng manager at sinundan ito ni Kanor.

“tang ina, imo-motel na yata ng gago si Pola!” wika ni Kanor habang sinusundan niya ang sasakyan ni Aeron.

Nakarating sa pupuntahan sina Aeron at Pola, doon din mismo sa beerhouse kung saan nagbibigay ligaya ang dalaga sa mga mayayamang parokyano. Muli ay sari-saring haka-haka ang namuo sa isipan ni Kanor.

“pucha! pokpok si Pola??!” bulalas ng binata.

Hindi bago kay Kanor ang lugar na pinasukan ni Pola at Aeron, dati na din siyang nagpupunta roon at alam niya kung ano ang kalakaran sa mga kababaihang nagsisilbi sa VIP rooms ng naturang establisyimento. Nagdalawang isip si Kanor kung papasok ba siya sa beerhouse o hihintayin na lang niya ulit ang paglabas ng dalawa.

“shit. tang ina. akala ko matino si Pola…kaya pala sobrang libog ng puta” wikang muli ni Kanor sa sarili habang pinapalo pa ang manibela.

Mabilis na humarurot si Kanor at maghanap ng ATM upang maglabas ng pera, nagpasya siyang pasukin na ang beerhouse upang saksihan kung ano talaga ang ginagawa ni Pola.

“hi sir…tuloy kayo” bati ng isang mamasang kay Kanor pagpasok niya sa beerhouse.

Sa isang bakanteng mesa ay umupo si Kanor, umorder ng ilang bote ng beer hindi lang para maglibang at magdiwang, kundi para maglabas ng sama ng loob sa mga kaganapan. Nagmasid si Kanor, isa-isang tinitigan ang mga babaeng nagsasayaw ng hubad sa entablado, wala doon si Pola.

“sir gusto mo ka-table? VIP?” alok ng mamasang na lumapit kay Kanor.

“ah, sino ba mga maganda?” tanong ni Kanor.

Dahil sa hindi gaanong naka-gayak si Kanor ay minaliit ito ng mamasang, taliwas sa ibang mga bisita na nakapang-opisina pa ang suot at mukhang mayaman talaga. Dahil dito ay hindi sa kanya nai-alok si “Apple” na malimit mga bihis-mayaman ang kumukuha.

“madami sir…” sagot ng mamasang.

“si Pola nandyan ba?” diretsang tanong ni Kanor.

“huh? uhm wala pong Pola na babae dito sir…” sagot muli ng mamasang.

Nagtaka si Kanor, kitang-kita kasi niyang doon pumasok mismo ang dalagang sinundan niya. Muling nagpalinga-linga ang binata at tiyempo namang nakita niyang naglalakad palabas si Aeron at hindi kasama si Pola. Kaagad tinawag ni Kanor ang mamasang at tinanong kung nasaan ang kasama ng manager na si Aeron.

“madam, yun, si Aeron yun diba? nasaan yung kasama niya?” tanong ni Kanor.

“ah si sir Aeron nga po, si Apple yung kasama niya, yun sir maganda at sariwa kaso naka-VIP na” sagot ng mamasang.

“Apple?? yun ang gusto ko…siya, yung kasama ni Aeron nga” wika ni Kanor.

“eh sorry sir, naka-reserve po kasi yun” sagot muli ng mamasang.

“gaano ba katagal yang VIP? hihintayin ko” tanong ni Kanor.

“sorry sir talaga, isang VIP lang po per night si Apple, protektado po kasi ng manager niya…madami pa naman pong iba na maganda at bata pili nalang po kayo” paliwanag ng mamasang sa binata.

Dahil ayaw ni Kanor ng ibang babae, sinabihan nalang niya ang mamasang na maghihintay pa din siya kay “Apple”. Dahil sa inasal ni Kanor ay nagkaroon ng duda ang mamasang kaya’t ipinarating kaagad ito kay Pola. Protocol na din kasi iyon sa beerhouse na iyon na kung may mga sobrang humaling na guest ay dapat nang iwasan para sa kapakanan ng mga kababaihan nila.

Inabot ng closing ang binata, alas-tres na ng madaling araw at iilan na lamang ang mga parokyano sa loob ng bar.

“sir, magsasarado na po kami…” wika ng waiter.

“ha? *hik* …nashan na shi Apple?? *hik*” sagot ni Kanor na nakarami na ng alak kakahintay sa dalaga.

“naku sir kanina pa po umalis, na-take out po yata nung guest niya” sagot ng waiter.

“ha?? tang ina pinaghintay ako dito taposh wala na??!” sigaw ng binata.

Kaagad lumapit ang isang bouncer at dinampot na si Kanor upang ilabas ng bar. Si Pola pala ay doon dumaan kanina sa backdoor dahil na din sa abiso ng mamasang na may “praning” na naghihintay sa kanya. Walang nagawa si Kanor, umuwi siyang walang napala maliban sa mga natuklasan niya sa dalaga.

“Mitoy! Mitoy! Bukshan mo ‘to! *hik*” sigaw ni Kanor sa labas ng pintuan nila Pola.

“huh? kuya Kanor bakit??” wika ni Mitoy nang magising siya sa ingay ni Kanor.

“nashan shi Pola??! *hik*” tanong ni Kanor.

“hindi ko po alam kuya, hindi siya pumasok kanina sa bar…bakit po ba ano ba problema?” tanong ni Mitoy.

“tang ina, pinaasha ako ng pinsan mo! *hik*” sagot ni Kanor.

Napaisip si Mitoy, nanumbalik sa kanyang alaala na nanliligaw nga pala si Kanor sa kababata niya. Pero ang ipinagtaka niya ay kung bakit nasabi ni Kanor na “pinaasa” siya ng dalaga gayung wala pa naman itong BF.

“hayaan mo kuya, kakausapin ko si Pola pag-dating niya, itulog mo na muna yan” wika ng binata.

Itinanim ni Kanor sa kanyang isipan ang pangako ni Mitoy, dahil sa kalasingan ay minarapat na din niyang matulog na sa kanyang bahay. Naiwan si Mitoy na nagtataka, hindi alam kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa kanyang magandang kababata.

itutuloy