PANG-AKIT NG PROBINSYA – Part 6

“Hmmmmm…. Kahit Ano… Sigei…” sabay talikod uli nya.

Tinuloy ko naman uli ang pagpunta sa may igiban ng tubig.

Wiiiwiiiiwwwiiiiwiiwiiiwwwwww” Pasipol-sipol uli ako.

Ang pakiramdam ko gumaan uli. Igib-Igib! Igib-Igib!! Wow Lakas na uli ng mga braso ko. Nang
mapuno ko ang mga balde, si Jasmine andoon na sa may gilid ng bahay nila. Nakapamewang
pa habang may hinalu-halo na sya roon na palayok na nakasalang na sa lutuang kahoy lang ang
gamit sa pagluluto.

Hmmmm… Ambango!! Nagutom ata uli ako… Anong oras na ba? Basta… pupunuin ko na agad
ang banga nang matapos na. Nakatingin pa si Jasmin sakin habang nagtitikim sa sandok ng
niluluto nya.

Nginitian ko sya, sabay ikot ng mata nya paiwas sakin. Di ko talaga ma-gets tong babaeng to!

“HOY!! Anong ginagawa mo rito?” narinig ko ang isang boses na pamilyar sakin. Ang boses yun
ng lalaking kinaasaran ko rito sa barrio! Si Richard!

Napatingin lang ako sa kanya, di ko agad nasagot. E bakit nga pala ako sasagot. Tuloy lang ako
sa pagbuhat ng dalawang malaking baldeng puno ng tubig.

“Ako na yan… Ako na yan” pilit humaharang ang kumag sa daraanan ko.

“Pwede ba tumabi ka nga dyan pre, mabigat kaya to” pakiusap ko nalang muna.

“Ako na nga yan kulet mo ah” mukhang nagagalit na si loko.

Binitawan ko ang dalawang mabibigat na balde. Hindi naman ako papayag dun. Nagkatapat
kaming dalawa. Mas matangkad lang sya nang unti sakin. Hindi ako pala-away, pero hindi ko
uurungan tong mayabang na to.

“Ikaw Ricardo!! Tigilan nyo yan! PAg-uuntugin ko kayong dalawa eh” sigaw ni Jasming hawak-
hawak pa ang sandok nya na panghalo.

“Pero Jasmine naman, bakit etong lalaking itong pinapatulong mo, Ako matagal nang
nagpiprisinta ah…” nanlambot na naman si Mokong sa harapan ni Jasmine.

“E bakit ba… Sya gusto ko utusan e, At ikaw… Sige na… Akyat mo na yan sa bahay” nguso
sakin ni Jasmine.

SAsabihin ko sana Yes Mam. PEro tiningnan ko nalang nang may pagmamayabang si Kumag.
NGayon proud na ako, tiga-igib ng tubig! Kinampihan yata ako ni Jasmine!

Si Mokong naman halatang lalong nagngit-ngit na sa sobrang inis sa akin. Kitang-kita sa mukha
nya. Hehehe Diyan ka na! PArang narinig ko pang nag-aapila sya kay Jasmine, pero
sinisimangutan lang sya lalo. Buti nga sayo! Doon ka sa barangay umapila! Hehehe!

Nang natigilan ako sa pagsasaya. Iniaakyat ko na uli ang mabigat na isang malaking baldeng
puno ng tubig sa kahoy na hagdanan. Maka-tanggal braso na naman to. Dahan-dahan lang!
Pasasaan ba’t mapupuno ko rin ang malaking banga. PAgkatapos kung ilagay ang isang
baldeng tubig, bumaba uli ako para kunin yung isa pa.

Nakita ko si Ricardong Yabang, naka-krus ang dalawang braso. Hahaha parang nagmamaktol na
bata dun sa may isang tabi. Batang hindi napagbigyan ng inang humihingi na pambili ng kendi.

Pero nang buhatin ko na uli yung pangalawang balde. Napapangiti si Mokong. Pinakita ko
naman sa kanyang kunwari kayang-kaya ko. Kala mo ha!

“Huy matapon yan Manila Boy! Ayusin mo yan!” sigaw niya.

Ulol! Sigaw ko nalang sa isip ko. Inggit ka lang. Tawa uli ako sa loob ko nang marinig ko si
Jasmine…

“HOY RICARDO! Isa pang marinig ko yang nagsisigaw ka dyan ha!” sigaw ni Jasmine.

“Jasmine naman… di naman eh” kamot ulo na naman si Ricardo ba to… Richarding.

Nyahahaha! Buti nga sayong kulupong ka!! Nang mapatid naman ako sa hagdanan, muntik ko
nang mabitawan ang dinadala ko. Talsikan tuloy ang ilang tubig. Haay buti nalang! Kung hindi
matatapon sana ang pinaghirapan kong igibin.

© 2016 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

====================================================

Tanghalian…

Dumating na si Aling Rina! Nakabihis na naman lalong tumitingkad ang karikitan pag-nag
aayos.

“Haaay! Luto na ba ang tanghalian anak? Andito ka pala uli Romeo Iho! At Karding!?”
bati ni Aling Rina pagpasok sa bahay nila.

Nakaupo kami ngayon sa sala nila Jasmine, kaming dalawa ni Ricardo… Richard… ba to nang
pumasok si Aling Rina. Magkaharap pa at di nagpapansinan. Bakit nga ba andito pa tong
mokong na to. Hooy uwi ka na! Doon ka kumain sa inyo isip ko habang tinitingnan ko rin sya
ng masama.

“Aling Rina! Richard nalang po…Hehe… Napadalaw lang po!” magalang na sagot-bati
ni Kulupong sa nanay ni Jasmine.

Aba marunong di naman pala gumalang tong lalaking to. Lalo na at pag si Jasmine at Aling Rina
ang kaharap.

“Nay! Opo nakahanda na po tara na po’t kakain na!” sigaw ni Jasmine sa di kalayuan.

Napakabango nang amoy ng niluto ni Jasmine. Kumalam tuloy ang sikmura ko. Tatayo na sana
ako nang, halos magkasabay kami ni Ricardong nag-akmang tatayo.

“Oh Bakit hindi ka pa umuwi sa inyo, di ba tapos ka na mag-igib?” mahinang bulong sakin ni
Mokong.

Aba’t!! Sasabihin ko sana… Yun ang akala mo! Ako kaya ang pinagluto ni Jasmine!! Nang…

“Hoy! Kayong Dalawa!! Ano Kayo?!” pagtawag ng malakas ni Jasmine.

Sabay tuloy kaming napatayo ni Ricardong Akyat na to.

“Ambango naman nitong luto! Galing mo talaga mag-luto Jasmine!” sabi ni Mokong PAg-upo.
HAlatang nakikipag-unahan sa akin si Kolokoy.

“Hmp! Kumain ka nalang diyan,” si Jasmine habang pinagsasandok ang Inay nya.

Tiningnan ko si Ricardong Richard… hehe buti nga sayo! Kala mo madadaan mo si Jasmine sa
mga pagganyan –ganyan ha!

Teka… sino nga ba to sa buhay ni Jasmine at Aling Rina? Bakit parang nag-aastang close etong
lalaking to kina Jasmine. Napa-kunot noo tuloy ako at tiningnan ko nang masama si Lalaki.

Ganun din naman sya, naka-simangot at masama ang tingin sa akin.

Nang makita kong kinuha ni Jasmine ang plato ko,

Hehehe yan sayo mokong!! Kala mo ha!! Pinaglalagyan kaya ako ni Jasmine nang Kanin at
ulam.

Romeo 1-0!!

Nanlaki ang mata ni Kumag sa inggit at Selos! Siguro iniisip nya bakit siya?! Bakit hindi ako
pinaglagyan ni Jasmine!

Ansarap nang bango ng amoy nang ginataang kalabasa at sitaw ni Jasmine… Gutom na gutom
na ako… nang manlaki rin ang mata ko… Sitaw??!! Sitaw!!??

Punong-puno na nang sitaw ang nilagay ni Jasmine sa plato ko! Mas Marami pa ata sa kanin
ko!! NAtigilan ako saglit paglapag ni Jasmine ng plato ko sa harapan ko. Oo kalabasa kumakain
ako, pero sitaw?!! No!! NADA!! Never!! Hindi naman ako vegetarian! Di ako mahilig sa gulay.

Tumingin ako kay Jasmine na parang maamong tupa, pero pinandilatan lang nya ako na
parang ibig sabihing kainin mo yan!!

“Opo…” sagot ko nalang sa sarili ko bulong nang isip ko.

“Ayun yung galunggong… kuha ka nalang” mahinahon pa namang sabi ni Jasmine.

Nanginginig pa ang mga kamay ko. PArang hindi ko ata kaya ubusin yung kadaming sitaw.

“Jasmine…” narinig ko si Mokong nagsalita.

Hawak-hawak nya ang plato nya. Aba! Gusto ring magpalagay ni Ricardo Kardong Yabang!! Ako
naman ang nagngit-ngit sa galit. Wag Jasmine!! Wag!!! Wag mong lagyan ang Mokong na yan!!

“Haays… Akina” abot ni Jasmine sa plato ni KArdong Kumag.

Ginantihan naman ako ni Ricardo nang ngiting nakakaloko. Ako naman ngayon ang Inis.

Romeo 1- 1 Richard ang score.

“Salamat Jasmine! Bait talaga nang kababata ko!” nang matapos lagyan ng kanin at ulam ni
Jasmine ang plato ni Kumag.

“Hmp! Kumain ka nalang dyan…” si Jasmine nang kumukuha na nang sarili niyang pagkain.

“Hehehehe” tawa ni Mokong.

AT nagsimula na rin kaming kumain. Lahat kami naka-kamay lang. Hindi pa rin ako masyadong
bihasa sa pagkamay. PAtawa-tawa si Ricardo sa paraan ko mag-kamay. Aba’y!! Gusto ko nang
sipain sa ilalim ng lamesa ang ungas na to eh!

Pikit mata kong inisa-isa ang pagkain ng Sitaw. Buti nalang masarap talaga magluto si Jasmine.
Masarap ang sabaw ng ginataan. Malapot! Hinahalo ko nalang din sa kalabasa at galunggong
ang sitaw para hindi ko ito masyado malasahan!

“Ubusin mo yan Manila Bhoy! O Ayusin mo yang pagkain mo oh, nagkakalat ka eh… Aling
Rina…” mayabang na sumbong ni Richard.

Abay Talagang ginagalit ako nitong lalaking to ah!! Ginalingan ko nalang magkamay.

Tumatawa lang naman si ALing Rina saming dalawa. Habang kumakain kami, ganun ang
eksena. Nag-iiringan kaming dalawa. Nauna nang natapos si Aling Rina na patawa-tawa.

Hangga’t sa… “Napupuno na ko sainyong dalawa ha! O sige… Kayo maghugas nyan!” parang
nag-walkout si Jasmine sa Hapag-kainan.

Sabay tindig ang napakagandang dalagang sinsinta naming dalawa? Halata naman kasing may
gusto ito si Kumag kay Jasmine. Galit ang kapwa magnanakaw sa kapwa magnanakaw na
eksena ba ito? Ako?? Ano bang ginagawa ko rito? Di ba para makasama rin si Jasmine?

“Jasmine! Teka…” tawag ko.

“Oi! Jasmine! Hindi ako…” si Ricardo naman.

NAtulala nalang kaming dalawang naiwan sa hapag-kainan. NAgka-titigan nang masama.

“Tsk! Kasalanan mo to eh…” naunang sabi ni Mokong.

“Hah?! Ako pa may kasalanan?”

“E Sino pa?”

“Ikaw”

“Pssssccchhhhttt… Tama na yan kayong dalawa…” narinig namin parehas si ALing Rina
nakatingin samin.

Sakto lang ang tono ng boses nya, pero ang tingin nya parang may dumaloy na malamig na
simoy sa katawan ko.

Mas lalo naman si Kolokoy Richard… tumahimik at halatang nanginginig pa. Nagsimula na
syang magligpit nang kinainan namin. Niligpit ko naman yung mga naaabot ko. PAgkatapos
mag-ligpit nauna na si Mokong doon sa lababo. Dinala ko rin ko yung mga nailigpit ko.

“Hugasan mo yang sayo Brad, akong bahala dito sakin.” sabi nya sakin.

Ano daw?! Brad?! Di tayo brod no! SAbi ko sa isip ko.

Saglit lang naman at natapos na rin sya. Tingin pa sya ng masama sakin pagdaan nya. Ako
naman ang hugas-hugas ng pinggan. Mejo nasasanay na rin ako ah! Proud ko pang sabi sa sarili
ko. Lagi kasi akong pinaghuhugas ng pinggan ni Jasmine Suplada basta andito ako sa kanila.

Nang matapos pahid sa punasan. Hinanap ko si Jasmine, pero wala sya sa sala. NAlungkot
naman ako. Galit pa siguro yun.

Si Aling Rina nasa sala. Andoon din si Mokong kau-kausap ang maganda ring inay ni Jasmine.
Ayaw ko namang makasama si Mokong, kaya…

“Aling Rina… uuwi na muna po ako…” nasabi ko na.

“Oh… ambilis mo naman ata umuwi ngayon… Di mo ba hihintayin si Jasmine?” si ALing Rina.

“Hindi na po muna siguro… pwede po bang magpaalam sa kanya” sabi ko.

“Oo naman iho, oo magagalit yun pag hindi ka nagpaalam” si Aling Rina uli.

“Naku… Wag na… mas gusto nuon umalis ka na…” singit ni Ricardong Mokong.

Di ko nalang pinansin si Kulupong at kumatok sa kwarto ni Jasming naka-pinid ang pinto.

“Jasmine… Mauna na muna ako…” mahinang bulong ko sa pinto. Sana narinig nya.

Bago umalis, saglit na pinakinggan ko kung may isasagot si Jasmine pero wala. Mejo
malungkot tuloy ako habang paalis. Gusto ko sana masilayan kahit unti ang mukha ni Jasmine.
NAkita ko pa si Ricardo, parang nang-aasar ang mukha.

“Sige po Aling Rina…” paalam ko pa.

“O sige iho… ingat ka” sagot ni Aling Rina.

PAgkababa ko nang bahay nila Jasmine, parang mabigat ang pakiramdam ko habang pauwi.
PAglabas ko nang bakuran nila Jasmine…

“Wag ka na babalik rito ha…” pagtingin ko si Richard!

“Hah?” hinarap ko sya nang lumapit sya sakin.

===============================================================

© 2016 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

“Ano ka bingi? Sabi ko wag ka na babalik rito…” ulit nang mayabang.

“Bakit? Sino ka ba? Bahay mo ba to?” nagpipinting na isip ko.

“Hinde… ayaw ko lang makita ang pagmumukha mo rito, nakaka-asiwa ka” mayabang at
maangas ang itsura nya.

Napa-higpit na ang mga kamao ko. Pero sinusubukan ko parin pigilan ang sarili ko.

“Bakit sino ka ba? Boyfriend ka ba ni Jasmine?” malakas na ang boses na sabi ko. Wala na eh.
Nag-iinit na ang ulo ko.

“Hi… hinde… AH BASTA!! Wag ka na tanung-tanong!! Kung hindi…” sabi nang mayabang.

“Kung hindi ano?”

“Masasaktan ka lang brad! Sinasabi ko sayo”

“Ah talaga? E di tingnan natin,”

“E TAngina ka palang! YAbang mo rin e no!” humarap pa si Mokong kunwari sa kanan nya
sabay unday nang unang suntok sakin!

Nailagan ko si Mokong! Ulol! Kala mo ha!! Alam ko na yan! Pero sumuntok pala uli siya, yung
kaliwa naman nya. Sapol ako sa mukha! Wala akong naramdamang sakit. Di ko lang alam kung
bakit. Siguro dahil sa galit.

Gusto ko agad makaganti! Isuntok ko naman ang kaliwa ko. NAkailag siya! Tangina kang!!
Kanan ko naman! Sapol sya bibig!!

“JASMINE!! Anak!! Bilis” Parang naririnig ko ang mga paghiyaw ni Aling Rina.

Palitan kami ng suntok ni Gago. Oo nga hindi ako kalakasan, pero hindi rin naman ako Lampa.
Hindi ako papayag na matalo nang Kumag na to!

Pak!! Spak!! Pak!! POK!! PIK!! SPAAKK!!

Feeling ko ata namamaga na ang mukha ko. Pero wala pa rin akong maramdamang sakit.
Nakita ko rin ang mukha nang Gago, may mga dugo na rin sya sa may bibig nya at sa may tabi
ng mata. Yan!! YAN!! Buti nga sayung!!!

“HOYYY!!!” isang malakas na sigaw! Si Jasmine ata yun pero hindi ako makaharap kasi
sumusuntok pa rin si Ricardo. Di pwedeng di ako makaganti sa Mokong na to!

Basta kada suntok nya… nasusuntok ko rin si Gago! Nang…

NAkita ko nalang nasa gitna namin si Jasmine… Naramdaman ko ang kamay nya sa may
dibdib ko…

TAPOS…

Wotangina!! NAsa ere ba ako Lumilipad?? OO nga ata… saglit din akong feeling ko lumilipad
ako… hanggan sa masakit na tumama ang puwitan ko sa lupa… dumausdos pa ako sa tuyong
lupa pagbagsak ko!!

ARAAYYY” sigaw ko di ko na alam.

Pagtingin ko, malayo na ako kay Ricardo. Ilang metro ata ako tumilapon ah!! ANong
nangyari??!! Tumalsik ata ako nang pagkalayu-layo!! Sinong may gawa nito? Alangan naman si
Jasmine?? Hindi naman pwedeng si Richard. PEro nakita ko mukhang tumalsik din sya sa
malayo.

“So…sorry Jasmine…” napayuko nalang ako. Nakakahiya!

Nariririnig kong parang takut na takot na humihingi rin ng patawad si Ricardo. NGayon na
sumasakit ang mukha ko at ang katawan ko. TAnginang Gago kasi Yung!!

“TALAGANG GINAGALIT NYO AKONG DALAWA E NO?!! Dito pa talaga kayo nag-away!!!” Si
Jasmine anlakas ng boses. Ang mukha galit na galit.

“Gusto nyo ba ako maka-Away nyo ha??! Gusto NYO!!?!” pasigaw pa rin sya.

Ang magandang mukha niya galit na galit. Ang mga daliri nya sa kamay pinaputok na nya na
parang naghahanda!! Wala na akong ihaharap na mukha kay Jasmine. Yung Gago kasing yun
eh!! Haay….

Nang may maramdaman akong humila sa may tenga ko pataas. Napatindig tuloy ako nang
wala sa oras…

“Halika nga rito… halika… pasaway ka ha… gusto mo nalang palagi may sakit ka sa katawan!”
Si Jasmine!!

Hinila nya ako sa may tenga ko habang naglalakad. Para tuloy akong batang, hila-hila nang ina
nya para parusahan. Naka-yuko ako ng husto, kasi mas matangkad ako kay Jasmine. PAgdaan
namin kay Mokong… Isang kamay din hinila ni Jasmine ang tenga ni Ricardo.

“AH!! ARAAY!! TEKA!! TEKA!! JASMINE!!” pagmamakaawa nya.

Dalawa na tuloy kaming hila-hila ni Jasmine! Anlakas nya. Pakiramdam ko mapipigtas na ata
ang tenga ko. Ambilis pa naman nya maglakad. Tumingin-tingin nalang ako sa paligid.
NAgdasal na sana wala nakakakita! Nakakahiya kaya ang itsura namin ngayon ni Gagong
Mokong!

Pabalagbag na itinilapon kami ni Jasmine sa mga upuang kahoy sa may likod ng bahay nila.
Yung may mesang gawa sa kahoy.

“Umupo kayo diyan!! Wag kayong aalis dyan ha!! PAg nakita ko kayo!” Galit pa rin si Jasmine
saming dalawa. Ang mukha nya, nakakunot pa rin ang noo.

Napatingin ako sa mukha nang lalaking kina-iinisan ko. NAkatingin din sya sakin. Kapwa Inis
kami sa isa’t isa. Pero natatawa ako sa hitsura nyang may sugat-sugat! Hahaha buti nga sayo…

NAkita ko rin sa mukha nya na natatawa sya sakin pagkakita sa mukha ko. Feeling ko nga may
namamaga na sa iba’t-ibang parte ng mukha ko.

Bumalik si Jasmine na naka-simangot pa rin. May dala-dala nang parang isang box na itim.

“HMMM!!! Kakainis kayong dalawa ha! Imbes na nagpapahinga na ako ngayon!”

Unang lumapit si Jasmine sakin. May pinahid-pahid sa mukha ko. Napatingin ako kay Mokong,
Mamatay ka sa inggit! Buti nga sayo ako inuna ni Jasmine. PArang gusto ko pa syang dilaan.
Para lang akong bata Ah.

“Aray! Aray! Jasmine!” napa-lakas ang boses ko.

Masakit na talaga!! Lalong sumakit! Andiin pa naman ng mga pag-pahindot-punas nya. May
kasama kasing galit siguro at inis.Ilan saglit ring dinutdut ni Jasmine ang mukha ko. Tapos may
tinapal sa may gilid ng kanang mata ko at sa may kaliwang bibig ko. Ay teka meron pa ata sa
may ibabaw ng kaliwang mata ko.

“Hmp!” narinig ko pang sabi nya bago pumunta kay Mokong.

“Agay!! Jasmine naman!! DAHAN-DAHAN!” hiyaw ni Kulupong!

Hehehe buti nga sayo!! Mas Maselan ka pa sakin, ULOL!!! Sige pa Jasmine! Diinan mo lalo
dyan sa mokong na yan!

Pagkatapos nang ilang minuto lang naman, nakita kong may tapal-tapal na rin sa mukha si
Gago. Sa ilalim ng kaliwang mata nya. Sa kanang pisngi… sa may ilalim ng labi… Nakakatawa
ang itsura nya…

“Diyan lang kayo… wag na wag ko kayong makikitang nag-aaway!!” pagbabanta ni Jasmine
samin.

“Jasmine… Sya kaya…” turo pa sakin ni Mokong.

“Sigeeh… sige laang… subukan nyo lang ako… makikita nyo hinahanap nyong dalawa…”

“Ulk”, napalunok ako ng laway.

PAti si Rikardo… hindi na natuloy ang sasabihin.

Sa itsura ni Jasmine na yun… Iniimagine ko palang kung anong maari nyang gawin, hindi mo
na susubukan e. Kakakilabot…

Buhat-buhat nya uli yun itim na box, Siguro medical kit yun. Tuimingin pa sya sakin saglit.
Yung gilid lang ng mata nya. Pero alam ko, yung tinging yun parang sinasabing… Diyan ka
lang!! Direcho sa mga mata ko!

Natigilang kaming dalawang lalaki sa kinauupuan namin. Parang kaming magkapatid na
katatapos lang makatikim ng sinturon ng tatay nila.

“Hi!!” narinig naming dalawa.

Napatingin ako sa boses babaeng tumawag sakin…

“Nyaay!!” Si… Si Rachel!! Anong ginagawa nitong babaeng tong dito?! Suot-suot e hanging
tshirt at dating gawi, short na maiksi!! Sobrang nakaka-libog at nakaka-halina ang korte ng
katawan nitong babaing to.

“Uh! Wala ka man lang ba sasabihin sakin, matapos nang lahat humm…” si Rachel, tumabi na
naman sya sakin.

“Ba…bakit andito ka??” yun lang nai-usal ko itanong eh.

“Mag-iinom… ayain ko sana si Aling Rina eh“, malamyos na may pagka-malandi ang boses
nito.

Kakilala pala to nila Aling Rina?? E di kilala rin nya si Jasmine?

“OH… Anong nangyari sayo… bakit may mga sugat ka?” si Rachel uli, hinawak-hawak pa nya
ang mga tama ko ng suntok sa mukha.

“Aw!” usal ko, wag mo nang dutdutin at masakit bulong ko sa sarili ko.

“UY!! Rachel… Andito rin ako,” singit ni Mokong.

“Andyan ka pala…” napansin na rin Rachel si Rikardo.

Sabay baling uli ng tingin pabalik sa akin. “Kawawa ka naman… Sino may gawa sayo nito?”

Hindi naman ako naka-sagot pero kay Mokong ako nakatingin.

“Ay sya? “ sabay sumimangot ito kay Rikardo.

“HOY IKAW!! BARUMBADO KA TALAGA!!! Kararating lang Romeo dito ah!! Sa susunod ako na
makakalaban mo pag may nangyari uli kay Pogi!!” pagsusungit nito kay Mokong Richard.

Aba magka-kilala din pala itong dalawang ito?

“May sugat din ako oh… Hindi mo ba nakikita” turo ni Richard sa mga sugat din nya kay Rachel.

“At ANONG ginagawa mo RITO!!?” si Jasmine!!

NAKU!! Baka makitang naka-dikit sakin si Rachel!! Lumayo ako pasimple ng unti kay Rachel.

“At BAKET?? Di naman ikaw dinadalaw ko no!! Si Aling Rina!! May dala akong…” sabay ini-
angat ni Rachel ang kamay nya.

May bitbit pala syang isang malaking garapon o bote ba to?! PArang isang puno ng Tuba o
Lambanog??

“HMP!! Wala si Nanay…” pagsusungit ni Jasmine. Halatang hindi magkasundo ang dalawa.

“Ahahaha… E sino yun…” turo ni Rachel.

Si Aling Rina!! Papunta na rin samin.

“Lalasingin mo na naman si Nanay ko…” si Jasmine, nagmalumanay na ang boses.

“Hihih… Hindi naman… magsasaya lang! Di ba Pogi?” sabay dumikit na naman sakin si Rachel.

“AH… AH…” nasamid ata ako. Di agad ako nakasagot uli.

Pagtingin ko kay Jasmine… Ansama ng Titig nya sakin!!! Manliliit ata ako sa sobrang tulis at
sungit ng mga mata nya ah!

“Uy… teka… umusod ka nga unti roon… masikip…” saway-bulong ko kay Rachel.

At ang lokang babaing to… idinantay pa ang isang legs sa isang hita ko… Nakita yun ni
Jasmine… PATAY!! PArang nakita kong may Usok na lumalabas sa namumula nang mukha ni
Jasmine… Parang isang bulkang malapit na sumabog ang itsura nito!!

“Hihihih, Wag ka na malikot para di tayo mahulog Pogie” si Rachel makulit uli.

“Hasmin dito ka nalang upo…tabi tayo…” singit ni Mokong.

Sumama tuloy ang tingin ko sa Rikardo na to. Dumidiskarte pa!! Tinuturo pa yung space doon
sa may upuan nyang bangko na gawa sa kahoy.

“MUKHA MO ITABI MO!!!” super-sungit na pasigaw na sagot ni Jasmine.

Burn si Mokong!!! Buti nga sayo!! Nyahahaha!! SA itsura ni Richard mas matindi pa sa
tinamaan ng bala.

Bumalik na naman ang tingin ni Jasmine kay Rachel.

“At Ikaw naman… Ka-Tanghaling Tapat nag-aaya mag-inom!!” si Jasmine na parang hindi
malaman ang gagawin sa nakikitang padikit-dikit sakin ng katawan ni RAchel.

Parang gusto nya itong Itulak pero nagpipigil na ewan.

“Inggit ka lang!!… Sumama ka nalang uminom kasi para mas marami tayo!! Di ba Aling Rina?
Hihihi” pang-aasar ni Rachel sabay tingin sa kakarating lang na nanay ni Jasmine.

“Ano ba yang dala mo ngayon Rachel?” si Aling Rina na naka-duster pambahay nalang din.

Kay Hot tingnan! Ang mga kurbadang pamatay! PArang Ate lang din ito ng anak nyang si
Jasmine at kay Rachel pagpinag-tabi.

“Eto po Aling Rina!!” pagmamalaki ni Rachel sa dala nyang malaking lalagyan ng Inuming Alak!

“Haha… Jasmine Anak… may binili akong bangus at tilapya sa palengke… doon sa may lutuan
natin” mahinang sabi ng ina kay Jasmine.

“O-opo… Inay” parang gustong magdabog ang itsura ni Jasmine pero hindi lang maggawa
dahil andiyan na ang Ina.

Nang maglakad na si Jasmine papunta sa may gilid ng bahay nila…

“Teka Hasmin!! Tulungan na kita…” si Ricardo tumayo, sumunod kay Jasmine…

Aba’y Talagang!!! Tatayo rin sana ako… pero hinawakan ako ni Rachel sa isang braso ko.

“Ano ka ba, dito ka lang Pogie! Hayaan mo na si Richard doon…” si Rachel pahigpit pa lalo ang
kapit sakin.

“Rachel… muntik mo nang… si Romeo nung isang Gabi ah!” si ALing Rina naman.

“AY… nabigla lang po ako duon ALing Rina… Eto kasing si Pogi e, kakagigil!! Maari ko ba
namang saktan tong… Mmmm…” si Rachel hinimas-himas ang sa may leeg at baba ko.

Di ko naman maintindihan kong anong pinag-uusapan ni Aling Rina at Rachel. Nag-ngingit pa
kasi ako sa galit sa Richard na yun. Teka bakit nga ba ako nagagalit? NAgseselos ba ko??

“Huy! Pogi! Ano na… Inom ka ha… tapos… tapos… akong bahala sayo” sabay dikit sakin ni
Rachel nang gilid ng malambot nyang suso.

NAmula ata ang mukha ko ah. Ano ba tong babaing to, sobra kung maka-lingkis.

“Mmmmm Rachel ha… baka mamaya mawala ka na naman sa sarili mo ha…” narinig kong si
Aling Rina.

“Wag ka pong mag-alala Aling Rina! Promise talaga! Hindi na po mauulit yun!” si Rachel Kulit.

“Nay…” si Jasmine andito na uli. Kasama si Mokong Richard. Dala-dala ni Mokong ang
maraming, nakabalot na ata sa aluminom foil na mga isda na nakalagay sa isang malaking
PLato.

Naka-ngiti si Kulupong… Sabi ko sa isip ko… Sipsep! Nagpapalakas ka naman!! Pangisi-ngisi
pa si Rikardo.

Nakita ko may kinuhang mga gamit si Jasmine galing sa malappit lang. Nang binuo… aba
ihawan na!

“Mag-ano ka ng Apoy…” mahinang utos ni Jasmine sa Rikardo.

“Ok… Hasmin! Di mo na kelangan sabihin… akong bahala rito! Hehe” taas-noo pa si Mokong.

Ulol! Palapad ka lang ng Papel! Mayabang ka!! Galit na galit ang isip ko! Teka bakit ba ako galit
na galit. PAg ako ang inuutusan ni Jasmine, naiinis ako. Gulo ko ah! Tapos ngayon… Ah Basta!!
Naiinis ako pag kay Mokong aasa si Jasmine…!!

Nakita ko nalang papalapit na pala si Jasmine sa akin. SAglit lang nasa may tabi ko na sya
nakatayo…

“Bakit…” si Rachel… masama naman ang tingin kay Jasmine.

“At Ikaw… Tulungan mo si Ricardo…” hila sa t-shirt ko ni Jasmine.

“Ok…” naisagot ko nalang. Pagtayo ko umupo bigla si Jasmine sa tabi ni Rachel.

“Naman eh… Bakit si Romeo pa…” pagmamaktol ni Rachel.

“Dun! Dun!” turo pa ni Jasmine sa kung saan nag-papaypay ng uling si Kulupong.

Tsk!! AYaw ko ngang kasama yung mokong na yun, pero nang makita ko ang naka-busangol na
nguso ni Jasmine… Ah Eh… Tiklop ang pagmamatigas ko… Kung meron man… Haay…

Kaya sumunod nalang ako at baka kung ano pa mangyari sakin.

“Duon ka na, kaya ko na to” sabi sakin ni Ricardo pagdating ko sa tabi nya.

“E tulungan daw kita…” plastik kong sabi kahit ayaw ko.

“Tsk… sige… kunin mo yung mga isda doon sa lamesa, ilagay mo rito”, turo ni kulupong sa
nagsisimula nang magbagang mga uling.

Ganun nga ginawa ko, kinuha ko yung malaking platong may nakalagay nang mga nakabalot na
isda. Inilagay ko isa-isa sa ihawan. Inihinto ko ang paglalagay sa tatlo at yun lang ang kasya.
Sobrang haba kasi ng bangus at mataba naman ang mga tilapya.

“O sige… maya-maya baliktarin mo ha, hehehe” sabi Ricardo sabay umalis.

Aba’y Lokong to ah!! Iniwan na ko! Naki-hangka na doon sa mga babae. Nagsimula nang
magtagay si Rachel. Nakita kong paikot ang tagay… si Rachel, ALing Rina at Richard lang ang
nainom. Si Jasmine, kahit anong pilit ni Rachel… ayaw…

Habang nagpapaypay, panakaw-nakaw ako ng tingin kay Jasmine. Lalo na Doon sa kayganda
nyang mukha, napapangiti na naman ako mag-isa. Ano ba tong nararamdaman ko para sa
babaeng to.

Na-iin… na ba ako??

Nang mahuli nya akong naka-tingin sa kanya. Balik agad ako sa pagpaypay. Kunwari nakatingin
sa paligid…

“HUuy… Yung iniihaw mo dyan… dalhin mo na yung isa rito… Tagal!” sigaw ni Mokong.

Aba’y talagang ginagalit ako ng gagong to ah! Kakabaliktad ko lang… Bato ko sayo to mamaya
eh! Makita mong hinahanap mong!!

“Oh… ikaw na…” narinig ko si Rachel.

Iniaabot ang basong pantagay kay Jasmine.

“Ayuko…” maiksing sagot ni Jasmine.

“KJ mu!” si Rachel, sabay sya na ang uminom ng para kay Jasmine sana,

Di pala sya nainom? Naisip ko. Napatingin uli ako sa mga isda… Teka… Luto na kaya to?
Napatingin ako sa iniihaw ko. Teka… Paano ba malalaman kung luto na? Kinuha ko yung
tinidor sa plato. Tinusok-tusok yung isda… Luto na kaya to?

“Ano luto na?” nakita ko nalang nasa tabi ko si Mokong.

Di ko sya sinagot at gusto ko nang salaksakin ng tinidor si Mokong. Sinipat-sipat ang mga
nakasalang na ihawing isda.

“Eto pwede na…” kinuha ni Mokong ang dalawang isda… yung mga tilapya ata yun.

“O lagay ka pa, ayusin mo pag-ihaw ha” tapik nya sakin sa balikat sabay alis ni Ricardo.

Sasagutin ko na talaga sya, nang makita ko si Jasmine sa tabi ko… Nilagyan nya ng dalawang
naka-bilot nang isda yung nabakanteng espasyo sa ihawan…

NAwala na uli yung galit ko… napapangiti na naman mga labi ko… Nakita ko kung paano
nyang paypayan ang mga uling… Ay nakalimutan ko… kaya pala nawawala na yung baga ng
apoy…

“Ayun… kuha ka uling doon…” turo ni Jasmine sa may isang basket sa di kalayuan.

Lakad lang unti… nakita ko yung mga uling na kakaiba, parang bao ng niyog… teka asan yung
pangkuha… tingin-tingin ako sa paligid… Wala… Ginawa ko kinamay ko ah! Pinuno ko ng uling
yung lalagyan ko.

Dali-dali iniabot ko yung uling kay Jasmine…

“Uh! Anong nangyari sayo…” nang makita ni Jasmine yung kamay ko. Agad may nadampot
syang piraso ng damit, basahan ata yun…

Hinawakan nya ang isang kamay ko at pinunasan. NAgulat ako sa ginawa ni Jasmine… NAgulat
na masayang-masaya ang damdamin! Maluha-luha ata ako habang pinupunasan ni Jasmin ang
mga kamay kong naitiman dahil sa uling.

“Bakit mo kinamay…” sabi sakin ni Jasmine.

“Ehh… walang pang-kuha,” paliwanag ko.

“Eto kasi oh… haay” turo ni Jasmine sa parang mahabang Fork na nasa tabi lang ng ihawan.

“POGIE!! Tama na Yan! Hayaan mo na si Jasmine dyan! Halika na Rito! Tagal mo naman eh!”
sigaw ni Rachel. Hawak-hawak ang isang basong puno na ng alak.

Ngumiti lang naman ako sabay balik tingin ko kay Jasmine. Ayoko nga… Mas ok na ko dito…
Kasama ko si Jasmine…

“Di ka ba pupunta ruon… Iniinay ka ata nila oh…” mahinang usal ni Jasmine. NAkatingin sya
sakin na may napaka-among mata nya.

Ang kayganda nyang mukha, ang maamong ekpresiyon nya ngayon… na ngayon ko
lang ata nakita simula nang makilala ko sya…

PArang feeling ko mahuhulog ata ako sa mga matang yun ah… Hindi ko mai-alis ang mga mata
ko pagkaka-titig sa mga Jasmine… Gusto kong damahin ang kakinisan ng pisngi nya… Ang
buhok nyang kay itim at kaylambot…. Gusto kong hawiin sa mga tenga nya… Ang labi nya…
Gusto kong… gustong kong…

Istorbo Etong hawak kong lalagyan ng uling at fork… gusto kong itapon eh!!…

Eto na ba yung moment??!! Eto na yun eh!!

Kilos Romeo! Magsalita ka!! Anong sasabihin ko?? Magsalita ka!! Isip!! Isip ng sasabihin!!!
Bilis Romeo! Bilis!! Kahit ano…

“Aaa… ahhh…” na-tyope na naman ako… Kala ko graduate nako sa stage na to…

“Uy! Tawag ka ng girlfriend mo doon… ako na dyan…” si Ricardo!!

Sabay agaw sakin ng lalagyan ng uling, pumagitna samin ni Jasmine si Mokong!

Tanginang!! Kahit kelangan talaga tong lalaking to eh. Dapat naging Singit nalang to eh. Sobra
laging bad timing Sumingit. Gusto kong subuan ng Uling yung pagmumukha eh.

“Pogiee… naman ehhh… halika nga rito…” Si Rachel naman, hila-hila na agad ang braso ko.

“Te…Teka…” habang hila-hila ako ni Rachel sa kamay ko, hindi pa rin maalis ang tingin ko kay
Jasmine.

“Yan… umupo ka diyan… Oh!!” pinaupo uli ako ni Rachel sa may tabi nya sabay abot ng isang
basong puno ng alak ba to, tuba o lambanog…

Sinubukan kong inumin, unti muna, matapang ah… pero unti-unti nag-adjust naman ang
panlasa ko. Tapos parang sumasarap… PAg-said ko ng huling patak… Ahhhh!!! Namula ata sa
init ang mukha ko!

“Kaya gustong-gusto kita eh!” sabay kurot ni Rachel sa may pisngi ko parang bata lang.

“Aww…teka…” napangiwi ako, nakurot pa ata ni Rachel yung tinamaan ng suntok ni Rikardo
kanina.

“Ikaw talagang bata ka, wag mo naman panggigilan masyado si Romeo iha…” saway kaunti ni
Aling Rina kay Rachel.

“Hihihi… Pogi kasi…” isang kamay lang nagtatagay. Ang isang kamay naka-pulupot sa kanang
braso ko.

Nababanguhan naman ako sa pulutan… nakabukas na ang inihaw na tilapiya… Hmmm sarap…
itsura palang… mamasa-masa pa! Ako ata nag-ihaw nyan! Kukuha na sana ako ng isang tinidor
gamit ng isa ko pang kamay…

“Ay ano gusto mo, pulutan? Ako na… “ si Rachel uli! PinagTulpok ako ng isang kuha ng Tinidor
sa Tilapya.

“Umm… eto na oh” itinapat ni babae sa may mga labi ko.

Huli na!! Nang mapansin ko ang matalim na tingin sakin ni Jasmine! Naisubo ko na yung
masarap pa mandin na Tilapiya!! Nginuya-nguya ko tsarap! Pero yung mukha ni Jasmine,
inirapan ako parang narinig ko pa sa isip ko sabi nya… “HMp!!”

PAtay na!! NabAwas na naman ako points kay Jasmine Haaaaayyy… Eto kasing… pilit ko ini-
uuga yung braso ko pero hindi maalis sa higpit ng angkla ni Rachel.

“SAbihin mo lang sakin kung ano gusto… Ako na kukuha ha Pogie…”

“Ok…” naisagot ko nalang. Jasmine hindi ko kasalanan to.

“Um eto na po ang pulutan nyo senor at senora” si Jasmine, parang may pagdadabog na
inilagay ang tapos nang maihaw na bangus naman.

“Thank you Jasmine! Baet mo talaga!!” puri naman ni Rachel, hindi ko alam kung ano sila sa
isa’t isa pero halatang naiinis si Jasmine kay Rachel hindi ko lang alam kung anong dahilan.

Tumalikod uli si Jasmine paalis, pero gusto ko pa sana sya makausap… haaayyyy

“Oh Shot mo na Pogie!” abot naman uli ni Rachel nang isang pang baso na puno ng inuming
nakakalasing.

PAgkarinig nuon, humarap uli si Jasmine sa amin. Nakapamewang na! Dalawang Kamay pa!

“Umiinom ka!?!” sabi nya sa amin… o sakin…

“Huh?! Ah Eh!” taena wala ako kawala, hawak-hawak ko pa yung baso habang ang labi ko nasa
mga gilid ng baso Putangina ka Romeo…

NAsa kalahati na ang naiinom ko!! Huling-huli na kumbaga. Ano pa isasagot ko?!

“Ahh…Oo?!!…” naku, parang mali o hindi ata ang sagot ko.

Kitang-kita sa magandang mukha ni Jasmine ang naiipong mamula-mulang kulay pula. Kulang
nalang yung usok talaga eh.

Bigla siyang umupo sa upuang kahoy na libre sa kaharap lang namin ni Rachel.

“Lagyan mo ko…” mahinang sabi nito kay Rachel.

“Anak…sigurado ka…” tanong ni Aling Rina.

“Ayun! Uminom ang Prinsesa!! Hihih Eto” si Rachel patawa-tawa, pinuno ang baso at abot kay
Jasmine.

Kinuha naman yun agad ni Jasmine… sabay inom… sunod-sunod ang lagok! NAgulat ako…
pero wala sa itsura ni Jasmine ang umiinom.

PEro Wow! Ako nga dahan-dahan inumin yun…… pagka-tapos nyang ubusin ang isang puno
na baso… parang may naiwang pag-blush sa magandang mukha nya. Lalo syang gumanda sa
paningin ko… Na-Inlababo ata ako bigla ah! Amputah… Parang nag-blush din tuloy ako
habang nakatitig kay Jasmine…

“Eto naa…” si Richard! Singit na naman etong….

Nilagay ang isa pang isdang inihaw sa plato sa lamesa. Umuusok pa!

Ambango ng Amoy ng mga inihaw. Umiinom ng alak… Kahit mag-aalas kwatro… malamig ang
simoy nghangin… Sa Ilalim ng silong na gawa sa pinatuyong dayami ba to o anahaw… Haay
SArap! Buhay Probinsya!!

Ok na sana… nang biglang tumabi si Mokong kay Jasmine… parang narinig ko ang sarili kong
napa-GRrrrrr… Yung ngiti naman ni Ricardo kala mo naka-Jackpot. Bakit ba ko nagagalit?
Selos?? Nagseselos na ba ako? Di ko rin maintindihan ang sarili ko.

NAtigilan ako sa pag-mumuni-muni nang…

“Ummm…Pogie oh…” tawag ni Rachel.

May isang tulpok na naman ng bangus naman sa tinidor… nakatapat na sa bunganga ko…
Ayaw ko… Gusto ko nang inihaw na bangus… pero naiilang akong sinusubuan ni Rachel.

At nangyari na nga ang kinatatakutan ko… parang nakita ko ang matulis ngatingin ni Jasmine
sa amin sa gilid ng mga mata ko!

“Hindii… Ako nalang Rachel…” kukunin ko na sana yung tinidor.

“Eto naman, nahiya pa… parang walang nangyari satin nung isang araw lang ah… hihihi”
paalala ni Rachel sa kin.

Medyo namula tuloy ako sa hiya… sinubo ko nalang nang matapos na… Tsarap ng bangus na
tinubog sa unting toyo na may kalamansi ah!

Nagpatuloy ang pag-inom namin… lumipas ang isa… dalawa… tatlong oras… mag-aalas-siyete
na ata nang gabi. Parang tinatamaan na ako ah… Nanlalabo na ang paningin ko… Di naman ako
madaling malasing. Pero itong iniinom namin may kakaibang sipa. Ambilis pa ng dating ng
tagay. Yung tatlong babae tiningnan ko… nagkekwentuhan… Bakit parang ok pa sila?

E si Mokong kaya… Tiningnan ko… Haha… Mukhang lasing na rin… Tawa ng tawa si kumag.
Teka mag-text pala ako sa bahay na baka gabihin ako ng uwi…

PAglabas ko ng Celfone ko… nahihirapan na ako makita yung screen. Mabagal tuloy ang pag-
buo ko ng message…

Lumipas pa isang oras uli… aba… bakit nagtatawanan na kami ni Kumag. Kulang nalang mag-
akbayan kami Putah.

“Hahaha…. Tarantado! Tingnan mo mukha mo Haha” si Ricardo tuwang-tuwa sa galak

Di ko rin naman alam, pero ako rin parang ansaya-saya ko na! “ Huy Gagu laki nga ng block-eye
mo oh!” Turo ko.

Kinapa-kapa naman ni Gagu yung sa ilalim ng mata nya…

“Ah oo nga no… Bwaahahah… e Tarantado ka kasi… sinapak mo!” makulit na si Gago.

E nakakatawa na naman talaga ang itsura ni Gago… napatawa na rin ako…

Kinapa ko naman ang mga tapal ko sa mukha siguro dalawang piraso yun…

“Eto oh… Kasalanan mo tong Gago ka eh… Wahahaha” kung makatawa naman ako wagas
Amputah.

PArang nakita ko nalang, kami na lang ang pinapanuod ng tatlong babae. Ay putah
Nakakahiya… pero hindi ko pa rin mapigilan tumawa.

Si Jasmine, pinapanuod na pala ako, mukhang asiwa na ang mukha habang nagpapakatanga
ako. PAti si Rachel din… at si Aling Rina…

Nang maramdaman ko nahulog na ata ako sa bangko… Paghiga ko sa lupa… haaay…. sarrap
matulog…. malamig!!

Pamulat-mulat pa ako ng mata… nakikita ko ang mukha ni Jasmine… parang ginigising nya
ako. Yung mukha nya may bakas ng pag-aalala. Totoo ba to? Buti pa sa panaginip nag-aalala
sakin Si Jasmine…

PAgpikit ko uli ng mata ko… tuloy-tuloy tulog na.

© 2016 cloud9791. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.

=========================================

Bahay nila Jasmine pa rin, sa may likurang Silong…

Nakita nalang ni Jasming, nakatulog na pala si Romeo. Napangiti ang magandang dalaga.
Nakakatawa kasi ang itsura nito habang naka-upo tulog. May mga benda-benda pa sa mukha.

Tiningnan naman nya ang katabi nya… si Richard… Ang kababata… at matagal na ring, di nya
alam kung nanliligaw o ano dahil takot lang nito sa kanya.

Tulog na rin. Naka-yuko, naka-tukod naman ito sa lamesa. Ang mukha naka-hilig sa mga braso.

Kahit anong lakas uminom nang dalawang binata. Di sila mananalo sa tatlong babae. NAsa
pangatlong malaking garapon na sila nang Alak probinsya. Paubos palang yung pangalawa nila
kanina, mamanok-manok na ang dalawang binata.

Nakakatawa tingnan ang dalawang lalaki na pilit nakikipagsabayan sa kanilang tatlo. Pero
hindi nila alam… Hinding-hindi sila mananalo sa kanilang tatlong babae… dahil ang tulad
niya… at tulad ni Rachel na…. Aswang…

Oo… kahit hanggan ngayon kinikilabutan pa rin syang sabihin at aminin yun. Matagal silang
malasing… o nalalasing man pero unti lang…

Natigilan sa pag-iisip si Jasmine nang makitang inaamoy-amoy na ni Rachel si Romeo sa may
bandang leeg nito.

“Hmmmm… ang bango-bango talaga nito ni Pogie… anhirap magpigil… “ sabi ni Rachel
habang inaamoy-amoy ang binata.

Si Rachel… katulad nya… isa ring aswang… isang lahing tinatawag na Galeia. Sa pagitan ng
mga sugat… sa pag-amoy-amoy… sa pagdila sa balat ng isang… kayang paunti-unting higupin
at tunawin ang aura ng buhay ng isang tao. Kapag naubos ang aura ng buhay ng isang tao…
doon na sya maaring mamatay.

“Psscchtt… Ano yan ginagawa mo?” mahinang tawag ni Jasmine.

Humarap si Rachel sa kanya…

“Unti lang HasMeena… di ko naman tutuluyan si Pogie… type ko kaya sya… sobra,” sabay
ibinalik ang pag-amoy-amoy sa may bandang may leeg ni Romeo.

Humaba na ang dila ni Rachel… akmang didilaan na ang sa balat sa may leeg ng binata…

“Rachel… wag mo ko intayin…” may kakaibang tono na sa boses ni Jasmine.

NAtigilan si Rachel. Tiningnan ang kapitbahay na dalagang si Jasmine. Seryoso na ang
magandang mukha nito. Hininto ang anumang balak nya sa lasing na binata.

“Hihi… Ikaw naman binibiro lang kita e… tinitingnan ko lang kaya ang magiging reaksyon mo”
nakangiting si Rachel. Pero sa tumulo ang unting pawis sa may noo nya.

Hindi nya kaylanman pinangarap kalabanin si Jasmine. Lalo pa’t ang lahi ng kaibigan ay isang
Kalinara.

Ang tinuturing na isa pinaka-malalakas na lahi at kinatatakutan ng iba pang mga lahi ng
Aswang…

“Jasmine… Anak… si Rachel yan…” sabi ni ALing Rina sa anak.

“Opo NaNay…” si Jasmine.

Nakahinga na nang maluwag si Rachel nang bumalik na sa normal ang itsura nang kaibigang
babae. Takot lang nya… Kung tuluyang magalit ang kaibigan. Sa mga Kalinara… isa si Jasmine
sa mga pinaka-malalakas.

“Opo aLing Rina… Yan talaga si Hasmeena minsan…” pasumbong naman ni Rachel kay ALing
Rina.

Ang Ina naman ni Jasmine na si ALing Rina ay isa sa mga pinakarerespeto at pinaka-tatakutang
Mambalam sa kanilang lugar. Siguro hindi lang sa kanilang lugar… maging sa buong probinsya
o maging sa buong Pilipinas.

Iilang tao lang ang may kakayanang mang-kulam at mambarang ng sabay. Karaniwan pa ang
isang mangkukulam o mambabarang… pag may gustong kulamin o barangin ay keylangan may
hawak muna na parte ng katawan o paboritong gamit ng taong bibiktimahin. Pero iba si ALing
Rina… kahit walang anumang gamit o parte ng katawan ng taong gustong apektuhan… Sa
Tingin… pagtitig lang o turo… kaya nitong apektuhan ang isang taong mahina-hina ang Aura
ng buhay.

Nang… sabay-sabay nilang narinig ang malakas na… THUD!!!

“Aayyy!! PogiE!! Anong ginagawa mo dyan!” laking gulat ni Rachel.

Si Romeo!! Naka-higa na sa lupa. Mukhang sarap na sarap pa sa pagkakahiga doon.
Pupuntahan na sana ni Rachel si Romeo.

Pero nagulat nalang sya at naunahan pa sya ni Jasmine. Nakita kya kung paanong masuyong
hinaplos ni Jasmine ang ulo ni Romeong tumama sa lupa. Tinitingnan siguro kung may bukol.
Kitang-kita pa nya ang pag-aalala sa mukha nito…

================================================

“Yan na ba ang alay sa nalalapit na piyesta Rina?” ang tanong nang isang malalim na boses.

Si Mang Abdon!! Ang Pinuno at Pinakamalakas naman sa mga Bangkilanon!! Mas matangkad
at mas malaki pa parehas kina Romeo at Richard. Ang malalaki at matipunong katawan. Ang
makapal at mahabang buhok. PAti sa may katawan ay mabalbon din ito. WAlang suot na pang-
itaas. Naka-maong pants lang at naka-paa.

May kasama itong ilang kalalakihan at kababaihan. Naramdaman ni Rachel na mga
bangkilanon din ang mga ito. Kaiba sa kanilang lahi ni Jasmine. Ang mga Bangkilanon ay
kilalang mga mas malupit at agresibo ng lahi ng aswang. May mga lagpas sampu ang ilang ng
mga ito. Ang iba kilala sa mukha ni Jasmine.

“Hinde, Abdon… hindi sila taga-labas. Dito na nakatira ang pamilya nila sa barrio…“ tumayo at
sinagot sila ng ina ni Jasming si Aling Rina.

“Ahhhh… pero gutom ang mga tauhan ko Rinah… maari bang ibalato mo nalang yang lalaki
samin?” naka-ngisi ang pinuno ng mga Bangkilanon. Ang ilang ngipin papatulis.

Ipagpapatuloy…

Leave a Reply