Love and Desire – Part 1

Prologue:

Maayos ang samahan ng dalawang pamilyang naninirahan sa bayan ng Baler sa lalawigan ng Aurora. Bagamat bago pa lamang silang magkakakilala ay makikita na ang pagtutulungan at pagdadamayan sa kanila.

Si Giselle 24 yrs old.
Maganda, sixy at mabait.
Si mike 28yrs old ang asawa ni Giselle. Matangkad at gwapo, namamahala ito ng kanyang negosyo sa bayan gaya ng restaurant pagawaan ng Hallow blocks at hardware.

Si Suzette, 26 yrs old maganda, maputi at malambing maganda rin ang katawan nito.
Si Hans, 27yrs old ang leave-in partner ni Suzette, gwapo at matangkad. Isa siyang forester na nagtatraho sa tanggapan ng DENR. Bagong lipat ang mag asawa sa lugar nina  Mike at Giselle.

Sila ang mga bagong magkapit-  bahay. Mapapanatili kaya nila ang kanilang magandang samahan bilang magkapitbahay? Mas titibay ba ang kanilang pag ibig sa kanilang mga asawa o mababago ang ikot ng kanilang mundo?

Chapter 1

Maagang lumabas si Giselle upang magdilig ng mga halaman na nakatanim sa bakuran nila ng mapansin nya ang dalawang bagong lipat na sina Hans at Suzette nakasuot pa ito ng pangtulog, ternong short at spaghetti strap na silk kulay babyblue.

Ang seksi nito sa kanyang suot, litaw ang magandang hubog ng katawan, prominent ang kanyang naka usling pwet, may kalakihan na dibdib at makinis nyang balat na sobra namang nakakaakit talaga.

Napangiti si Giselle sa dalawang mag asawa sabay bati. “hi, kayo pala ang naka bili sa bahay na yan? Ako si Giselle welcome kayo dito sa ating lugar.”

Si Suzette ang sumagot, “hello, salamat, oo, medyo malapit kase ito sa trabaho ng asawa at saka maganda ang lugar, tahimik. Kaya kahit medyo may kamahalan ay kinuha na namin. Ako nga pala si Suzette at eto naman si Hans ang asawa ko”.

Si Hans, parang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa. “hi Giselle”. pautal- utal na sabi ni Hans.

Likas na may pagkapilya itong si Giselle kaya naman halata niya agad ang pagkataranta ni Hans pagkakita nito sa kanya. Napangiti ng lihim si Giselle. Kase naman sa taglay niyang alindog ay di maikakaila na kahit sinong lalake ay mahuhumaling talaga sa ganda niya.

Sanay na siya sa nakukuhang atensyon mula sa mga kalalakihan. Kapag nakikita siya ay mapapalingon talaga sila sa kanya.

Nasa kanya ang katangiang gugustuhin ng mga lalake. Pero hindi ginamit ni Giselle ang katangian niyang ito bagkus ay nakisama siya kay Mike.

Love at first sight ang tumama kay Giselle noong una niyang makita si Mike. And since then, naging sila na. Nabalewala ang lahat ng manliligaw ni Giselle mula ng dumating si Mike lalo na noong magpasya si Mike na magsama na sila ni Giselle.

Si Suzette at si Hans, may ibang kwento. Walang hassle sa kanilang relasyon smooth sailing ika nga. Boto ang kani-  kanilang mga magulang. Kahit noong magpasya ang dalawa na magsama na ay walang sinumang tumutol dahil alam nila na isang araw ay ikakasal din sila.

Sweet ang dalawa at parang walang sinumang pwedeng makahadlang sa kanilang pagmamahalan.

Wagas, masaya at perfect ang kanilang inalagaang relasyon ng mahigit apat na taon. Well, walang perfect, but, ang relasyon nila ang nanaisin ng sinumang magkasintahan o mag asawa dahil sa sobrang ganda nito.

Maraming naiinggit actually kay Suzette, ang swerte daw niya sa bf niyang si Hans. Ganun din kay Hans na sinasabing napakaswerte niya kay Suzette dahil bukod sa maganda na ay uliran pang babae.

“Mamaya ayain ko kayo ng lunch ha. Sana maging magkaibigan tayo. Kase naman diba, tignan niyo tayo lang ang magkalapit dito ang ibang kapitbahay natin ang layo na nila.” Sabi ni Giselle sa dalawa sabay lapit sa may bakod at iniabot ang kanang kamay para kamayan ang mag asawa.

Si Hans halos manginig ng dumampi na sa kanyang kamay ang malambot na palad ni Giselle. Medyo napatagal pa nga ang paghawak niya dito pero disimuladong hinila ni Giselle ang kamay niya para hindi maging awkward ang unang meeting nila ng kapitbahay.

“Pasok muna tayo sa loob Suzette, halika magkape muna tayo”. Pag aaya ni Gizelle.

“Naku salamat na lang. Kailangan pa din namin kasing asikasuhin ang mga gamit namin at ang mga nagbubuhat. Sa susunod nalang, total marami pa namang araw.” Very polite na pagtanggi nito sa alok ng bagong kapitbahay.

“Kung sabagay, siya kailangan ko ng bumalik sa loob dahil siguradong gising na ang asawa ko, kailangan asikasuhin ko muna ang mga pangangailangan niya. Pupunta kase yun sa negosyo niya, mauna na muna ako”. Sabay kaway at talikod sa mag asawa. Sinundan ito ng tingin ni Hans at talagang napapahanga ito sa ganda ng katawan ni Giselle.

One Response

Leave a Reply