Gusali – Part 40

Part 40 Tamporista

“text kita ha?” malambing ko pang bilin kay Carina.

“ha? wag kuya, sabi ko naman sa’yo diba?” sagot ng dalaga.

Oo nga pala, kahit pa sabihin nating “nagkabalikan” na kami ni Carina, kahit pa muli na niya akong pinapasok sa katawan niya, hindi na nga pala tulad noong dati. Kailangang baguhin ko na ang aking pakikitungo sa kanya tulad na rin ng kanyang habilin. Swerte pa rin ako kung tutuusin, dahil kahit pa may nobyo na si Carina, payag pa rin siyang makipag-talik sa akin.

“eh paano kapag nami-miss na kita ulit?”
tanong ko pa na parang bata.

“naalala mo pa ba noong una tayong nag-ano? dati hindi naman tayo ‘legal’ diba? dati walang nakakaalam diba? ganun, ganun ang gawin natin ulit kuya…but don’t assume na ayaw na kita, alam mo naman ‘adik’ pa rin ako sa iyo baby Bogs! hihi!” paliwanag at paniniguro pa ni Carina sa akin.

Kung maaari lang sana ay gusto ko pang magtagal noon. Dati naman kasi tuwing wala siyang pasok, madalas magkasama kami ni Carina. Madalas noo’y ako ang kanyang kasama kahit saang bagay tuwing kami ay hindi abala. Ngunit ngayon, sabi nga rin sa isang kanta, kay bilis maglaho ng kahapon. Wala rin naman akong karapatang pigilan siya, ilang minuto na lang at darating na ang kanyang nobyong si Cid.

“oh sige tutuloy na ako Carina, salamat ha?” paalam ko pa.

“salamat din kuya ko, mag-iingat ka ha?”
tugon naman ng magandang dalaga.

“pahalik nga ulit…hehe!” biro ko pa.

“tse! sige na kuya, maliligo pa ako’t baka maamoy pa ni Cid itong tamod mo sa bibig ko! hihi!” biro pa ng dalaga.

Naalala nyo pa ba yung unang crush nyo? Tapos pinansin kayo nito at kalauna’y naging kayo, yung pakiramdam na parang lumalakad kayo sa ulap at tila walang problemang matatamo. Ganun, ganun ang pakiramdam ko noon matapos ang mainit na tagpo namin ni Carina. Samakatuwid ang mundo ko’y panandaliang umikot sa kanya noong mga oras na iyon, hindi ko namalayan, hindi ko naalala na may naghihintay nga din pala sa akin. Si Alex.

“6 missed calls” ito ang nakalimbag noon sa aking telepono ng silipin ko ito.

“shit. si Alex nga pala!” sigaw ng aking isipan.

Sinubukan kong tawagan din kaagad ang dalaga na aking napaasa sa wala. Ang isang oras sana kasing pananatili ko kila Carina’y hindi lang naging dalawa kung halos tatlong oras kaming nagkasama. Wala akong dapat sisihin kundi ang aking sarili, hindi ko naman pwedeng sabihin kay Alex na ako’y naroon sa bahay nila Carina na sa pagkakaalam niya ay kaaway ko pa. Hindi sumasagot si Alex, kalauna’y pinatay na niya ang telepono niya. Patay.

Sa totoo lang, wala naman talagang “karapatan” si Alex. Una, galing na rin mismo sa kanya, na ang relasyon namin ay seks lamang. Walang commitment ika nga. Pero bilang katuwang sa kantutan, ang oras din namin sa isa’t isa ay importante sa aming dalawa. Ang hirap palang manipulahin ng ganito, dibale sana noon na ako’y walang itinatago.

Binalak kong puntahan nalang si Alex sa bahay nila, hindi naman ito kalayuan sa aking pinanggalingan kanina na tahanan nila Carina. Pero naging mas alerto na ang isip ko noon, kung ako’y hihinto doon sa bahay nila Alex, posibleng makita ni Carina ulit ang oto ko na nakaparada doon. Ayoko nang palakihin pa ang naging lamat ng relasyon namin kaya’t pinili ko na lang na ipagpaliban ang pakikipag-kita ko sa isa pang kabit ko.

“tumawag ka ba kanina kuya Bogs?” mensaheng aking natanggap galing kay Alyssa.

Matapos akong umuwi at ihatid muli si misis sa kanyang pang-gabing trabaho ay nagkaroon muli kami ng komunikasyon nitong si Alex. Ilang gabi na lang ang duty ni misis na pang-gabi, sa loob-loob ko’y dapat ko na din sigurong samantalahin ang aking mga gawain na hindi nalalaman ng aking misis. Nang aking mabasa ang naturang mensahe ni Alex, kaagad ko siyang tinawagan na lang upang mas mabilis ang aming maging usapan. Inaasahan ko kasi na papayag si Alex na makipagkita noon kahit saglit lamang.

“hi, Alex?” bungad ko sa kanya.

“oh kuya, kumusta?” mahinahong sagot sa akin ng dalaga.

“uy, pasensya kana kanina ha, hindi ko magawang makatakas sa meeting namin e…”
palusot ko kaagad patungkol sa aming naunsyaming pagkikita at pagtatalik pa sana.

“ah okay lang…sanayan lang naman yan…”
medyo may patama pa niyang sagot sa akin.

“sorry talaga Alex, gusto mo ngayon, kita tayo ngayon?” suhestyon ko pa.

“eh gabi na kuya, may duty na ulit ako bukas…saka medyo pagod din ako” dahilan pa ng dalaga.

Dati kahit kagagaling lang ni Alex sa duty, kahit hindi pa nga siya kumakain at nakapagpapalit ng damit ay wala nang dahilan pa upang kami ay hindi magtalik. Lalo na noong mga unang beses namin, kahit pa overtime siya sa duty, madalas pa nga e siya pa ang nagyayaya na kantutin ko siya kaagad dahil sabik na sabik na daw siya. Pero sa timpla ng pananalita niya noong tinawagan ko siya, halatang may tampo ang kanyang tinig.

“ay ganun ba..uhm, susunduin na lang kita bukas pagka-hatid ko kay ate Angel mo…para sabay tayo uuwi ha?” patuloy kong pambobola sa dalaga.

“uhm, tingnan ko kuya…baka mag-overtime kami bukas e, unde-staff kasi kami ngayon…alam ni ate yan” palusot niyang muli.

“okay lang, hihintayin kita” pagpupumilit ko pa.

“huwag na kuya, okay lang ako…” sabi pa ni Alex.

“…please Alex?” patuloy ko.

“ay kuya, may tanong ako sa iyo…may kilala ka bang Ernesto?” biglang liko ng kanyang litanya.

“huh? sinong Ernesto? bakit mo naitanong?” pagtataka ko naman.

Wala akong kaide-ideya kung sino ang tinutukoy niya. Pamilyar na pangalan pero wala akong natatandaan na kunektado sa akin at kay Alex na ganung pangalan.

“Ernesto, arkitekto din daw siya e…” patuloy ni Alex.

What the? Ernesto, o mas tanyag sa pangalang Estong. Namputsa naman oo, hindi talaga papapigil ang kumpare kong malibog. Hindi ko masabi kaagad kay Alex na iwasan na niya kaagad ang kumpare kong maharot.

“ah si Estong?? oh bakit?? paano mo siya nakilala??” tanong ko kaagad sa kanya.

“uhm kanina sa FB, in-add niya ako…nakita ko friend mo…edi in-accept ko na…ayun nakipag-chat, nagpakilala…okay naman siyang kausap, nalibang din naman ako hihi!” paliwanag pa ni Alex.

Hindi ko maituturing na bihasa itong si Estong sa ganitong estilo na gamit ang teknolohiya. Sa katunayan nga, hindi naman siya aktibo sa facebook lalo na noong naikasal na siya. Malamang dahil siguro sa gusto talaga niyang makilala ang kabit kong napag-usapan namin dati, nagawa niyang busisiin ang mga listahan ng kaibigan ko, hindi siya nabigo at natagpuan na nga niya si Alex ko.

“so ano naman pinag-usapan nyo?” tanong ko ulit.

“wala naman, he’s nice and I think a gentleman…” kinikilig pang sagot ni Alex.

“may asawa na yun noh” babala ko sa kanya.

“yeah, sinabi nga niya…” sagot ni Alex.

“talaga? ano pa? ano pa mga sinabi niya??”
pagtatanong ko ulit sa kanya.

Tuluyan akong bumitiw sa aking pagiging mahinahon, gusto kong malaman kasi kaagad kung ano ang mga pinagsasabi ng aking lumang kaibigan. Sa parehas na pagkakataon, nais ko ring bigyan ng babala ang dalaga kong kinakasama sa kama. Pero ano nga ba ang karapatan ko bilang tagapag-bigay lamang ng ligaya at maliban dito’y wala nang iba pang namamagitan sa aming dalawa?

“teka, bakit ba parang interesado ka sa kanya?”
sagot muli ni Alyssa.

“uhm wala, wala naman…nagtataka lang ako kasi bakit siya nakipag-chat sa iyo…”
paliwanag ko pa.

“bakit masama ba?” sagot kaagad ni Alex.

“eh may asawa na nga yun diba?” sabi ko pa na medyo nang-gigigil na.

“ikaw may asawa ka din naman diba??” masungit niyang tugon.

Tama nga naman. May punto nga naman ang dalaga kong kabit. Mahusay talaga itong si Alex. Mukha yatang kaakibat ng pagiging dagdag niya sa babae ko ay ang pagiging maldita rin nito. Hindi ko naman siya masisi, malinaw na ang may kasalanan ay ako at hindi siya. Kung naging magkasama sana kami kanina, hindi magkakaroon ng pagkakataong maka-chat ni Estong ang dalaga.

“ay sorry naman…” paumanhin ko na lang.

“oh sige na kuya Bogs, inaantok na ako e…” paalam na ni Alex.

Naisip ko noong mga sandaling iyon na hindi magiging banayad ang haharapin kong buhay mula noon. May mga away, bati, tampo, sarap, hirap. Marami. Halo-halo. Ayos nga kami ni Carina, pero may kundisyon pa. At sigurado rin akong hindi niya matatanggap kung malaman niya na may relasyon nga kami ni Alex at hindi ito alam ni misis. Ganun din kay Alex, alam kong may lamat na, nasanay ko kasi siya na kahit minsan ay hindi ako bumabali ng usapan. Kahit minsan ay hindi ko siya pinaghintay, at isa pa, hindi rin niya pwedeng malaman na maayos na kaming muli ni Carina. Ang galing ‘di ba?

Hindi ko na ipinagpatuloy ang pagmamakaawa kay Alex, maigi na rin siguro ito, mas matagal, mas masarap kapag nagkaharap muli. Yun nga lang, may risk na baka sa pangungulila niya sa akin ay sa iba niya maibaling ang libog na para sana sa akin. Ah bahala na, wala namang mawawala sa akin, pagyayabang ko pa sa aking sarili.

itutuloy

Leave a Reply