Gusali – Part 38

Part 38 Init at Lamig

Ang gabing nagkainuman kami ni Tricia, ang gabi kung saan sa tingin ko’y mas naging malapit na kami sa isa’t-isa, ang mga sandali na sigurado akong nakuha ko na ang loob niya, ay ang gabi na aking itinalaga na karapat-dapat lamang ilista. Oo, hindi ako naka-iskor sa asawa ni Edong. Subalit ang munting pagsasamang iyon at ang mga ilang paninilip ko’y sapat na sa akin noon. Bagama’t bitin na bitin ako noong araw na iyon, mula kay Carina, kay Alex, hanggang magsarado ang buong araw kay Tricia ay nakuntento na rin ako. Sa bawat sandali ay aking sinulit, silip dito silip doon. Mas nakaka-sabik naman talaga ang ganito, mas may thrill.

“oh paano, medyo lasing kana yata Tricia…and medyo gabi na…I think we should call it a night” wika ko sa kanya.

“hihihi! sino lasheng?? hihihi!”
biro pa niya.

“…seriously Bogs, thank you sa company…ang sarap mo pala kasama” patuloy ni Tricia.

“my pleasure…anytime Tricia…ikaw din, ang sarap mo ikama” sambit ko pa.

“ha???!”
gulat niya.

“anong ha?” sagot ko naman kaagad.

“anong sabi mo? paki-ulit??” masungit niyang tugon.

“sabi ko salamat din, at ang sarap mo rin kasama” paliwanag ko ulit.

“ahhh…akala ko…hmp! hihi!…o siya sige na” sagot ni Tricia.

Kung siguro kumagat si Tricia noong mga sandaling iyon ay ito na ang hudyat upang ako’y umatake na. Pero kahit na ito’y dinaan ko sa biro, naroon pa rin talaga ang kaba. Hindi ko kasi talaga matantsa, hindi ko alam kung magagalit ba siya o sumasakay lang sa biro ko talaga. Mahirap kasi e, una, naging kumportable na siya na walang suot na bra sa harapan ko kanina. Pangalawa, siya nga mismo ang nagdikit ng mga suso niya sa braso ko nang kami’y bumaba. Pero tuwing hihiritan ko ng mga hakbang ng hukbong sandatahan, tila bigla naman siyang bumabaligtad at nagiging manang.

Tiyaga lang.

Nang ako’y nasa ibabaw na ng aking kama, laman pa rin ng aking isip si Tricia. Muli kong sinariwa ang mga nakita ko sa kanya kanina. Ang kutis niya ay sing-puti ng kay misis, ang hita niya na nasipat ko dahil sa maiksing shorts ay bilugan naman talaga. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano ang itsura ng katawan ni Tricia kung nakahubad na ito, hindi kalakihan ang suso niya kumpara sa pisik ng kanyang katawan, pero ang kurabada ng kanyang balakang at umbok ng kanyang puwitan ay sadyang nakapapanginig ng aking laman.

Kinabukasan, isang araw na naman ng pakikibaka. Puno ang schedule ko, sa aking pagkaka-alala, magkikita kami ni Alex. Pero, bukod doon, may naka-ambang panganib dahil sa imbitasyon ni Carina. Hindi naman ito “imbitasyon” na literal, sinabihan lang niya akong kuhanin na nag pirmadong kontrata ng nobyo niya. Matapos kong masundo mula sa duty si misis ay doon na muna ako dumiretso sa aking trabaho. Ang gagawin ko sana e dadaan na ako kila Alex upang diligan na siya, pero ako’y pinigilan ng aking isipan sapagka’t baka makita na naman ako nitong si Carina na ‘di kalayuan ang bahay kila Alex.

Sa totoo lang, tila mas naging mas matimbang muli ang paanyaya sa akin ni Carina. Mas nanabik ako sa dalaga, tila ako’y nangulila sa kanya. Hindi ko sinasabing nagsasawa na ako kay Alex, sa pagkakataon lamang na iyon ay tila mas pabor ako sa pakikipagkita kay Carina. Chance ko na ito e, malay ko ba kung pakana lang din ni Carina na iabot kuno ang papeles pero ang pakay pala niya kami ay mapag-isa.

“hi, uhm, kagigising mo lang ba? dadaanan ko na sana yung contract”
wika ko sa telepono kay Carina.

“hi kuya, uhm, o sige, okay lang…puntahan mo na lang dito sa amin?” sagot niya.

Mabilis pa sa kuneho, ako’y muling nagtungo sa tahanan ng dating kabit ko. Habang ako’y nagmamaneho, binuo ko na ang plano ko. Si Carina ang una kong pupuntahan, kung magkakaroon kami ng “laban” mas maganda. Pero kung wala, ayos lang kasi pagkatapos ko doon ay kila Alex naman ang aking tuloy, doon siguradong may mapapala ako.

“nandito na ako sa gate nyo”
sabi ko pa kay Carina nang ako’y makarating na sa lugar nila.

“ah saglit…ang bilis mo naman! hihi!” sagot pa niya.

Ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan nila sa harapan. Sigurado akong walang ibang tao noon sa kanilang bahay dahil ang kalye ay wala namang naka-paradang ibang sasakyan maliban sa akin. Kaagad akong bumaba upang ako’y kanyang makita.

“kuya pasok kana, bukas yang gate”
sigaw pa ni Carina na tila ayaw lumabas pa ng kanilang tarangkahan.

Nagtaka ako, bakit hanggang doon lamang siya sa pinto. Nalinawan ako sa mga kilos niya, kaya pala ayaw niyang lumabas pa’y sobrang nipis lang ng suot niya. Nang ako’y makalapit, doon ko nakita ang detalye. Isang malaking puting t-shirt ang suot ni Carina. Manipis ito kaya’t bakat din ang panty niya at halatang wala ring suot na bra. Naka-halukipkip siya na parang si Tricia kagabi, tinatakpan ang dalawang suso niyang maputi.

“akala ko mamaya ka pa makakarating…hihi! kakagising ko lang kasi ulit, nakatulog ako ulit nung tumawag ka kanina”
paliwanag pa niya.

“ay sorry, hindi mo naman kasi sinabi kaagad”
paumanhin ko naman.

“halika, upo ka muna…igagawa lang kita ng miryenda”
alok pa ng dalaga.

Sasabihin ko sana na “huwag na, aalis na rin ako” pero hindi ko ito nasabi. Pinili ko pa ring magbaka-sakali. Pagbalik ni Carina, dala na niya ang isang tray, may kape ito at isang pakete ng biskwit. Dahil hawak niya ang tray, malaya kong nasilip ang tinatakpan niya kanina. Ang mala-rosas na utong ng dalaga sa aking mga mata’y bumulaga.

“oh kuya, miryenda ka muna…”
alok ni Carina.

“wow, salamat…”
sabi ko pa.

“saglit lang ha, kukunin ko na yung documents” paalam pa niya.

Hindi ko sigurado kung inaakit ba ako nitong dalagang ito. Tila ang inyong lingkod ay dinapuan na ng pagiging torpedo. Parang nabahag na ang aking buntot, konting hirit lang naman sana pero di ko pa magawa sa kanya.

“oh kuya, nandyan na rin yung land title at survey nung lupa”
wikang muli ng magandang dalaga.

Umaga noon, siya ay bagong gising. Siguro naghilamos lang siya saglit bago humarap sa akin. Ang mukha niya ay sariwang-sariwa ang dating, walang make-up, walang lipstick. Natural na natural ang ganda ni Carina. Nanghihinayang talaga ako kung bakit ko pa siya pinakawalan noon. Halos natulala ako tuwing matititigan ko ang kanyang mga labi kapag magsasalita siya. Ini-imagine ko na subo-subo na niya ang titi ko doon, nabubuo na sa aking imahinasyon ang aming pagtatalik.

“hey! hihi! okay ka lang ba? you looked tired?” gulat niya sa akin.

“ah hindi naman…heheh..medyo napuyat lang” palusot ko naman.

“uminom ka kagabi ano?”
paninita niyang tanong.

“konti lang…”
sagot ko naman.

“sino kainuman mo?”
tanong niya.

“ah sila Edong, pinsan ni Angel” sagot ko.

“akala ko si…” pasaring ni Carina.

Sa mga hirit ni Carina alam kong tinutukoy niya ay si Alyssa. Alam kong kasalukuyan na siyang nag-iimbistiga, hindi basta-basta itong si Carina. Kung gugustuhin niya ay matutupad niya. Mahirap ito para sa akin, kailangan kong itagong mabuti ang relasyon namin ni Alex. Ganun din kay Alex, dapat hindi niya malaman na nagkaayos na pala kami nitong si Carina.

“ikaw? parang puyat ka din?” sabat ko naman.

“e syempre galing ako sa duty diba?” mataray niyang tugon.

“sinundo ka ni Cid kagabi?”
medyo may selos ko pang pahaging.

“oo naman…”
mahina niyang sagot.

“natutulog din ba siya dito?”
tanog ko pa.

“paminsan-minsan…hihi!”
malandi niyang sagot.

“ang swerte naman niya…” wika ko pa.

“asuuusss…alam mo kuya, luma na yang style mo na yan…nadale na ako dati nyan..hahaha!” biro kaagad ng dalaga.

“eh ano ba dapat ang bago?” sagot ko.

“wala…hihi! wala lang!”
sagot ni Carina.

Kinuha ko ang kape na inihain niya kanina lang. Paghigop ko’y pasimple ulit akong tumingin sa dibdib niya. Nang mahuli niya ang aking mga mata ay nabigla ako kaya’t natapunan ng medyo mainit pang kape ang aking pantalon doon sa bandang hita.

“ay!” gulat din ni Carina.

“…teka kukuha ako ng tissue”
sabi pa niya.

“…kasi naman…kung saan-saan tumitingin…tsk tsk!” mahinang sabi ni Carina sa akin habang inaabot ang ilang piraso ng pamunas na papel.

“sorry naman.” sagot ko.

Kamot-ulo na lang ako. Sabi na e, alam niya na minamanyak ko siya mula pa kanina.

“huwag kasi kung saan-saan tumitingin…ikaw talaga kuya ha…walang pagbabago…hihi!” biro pa ng dalaga sa akin.

“hindi naman talaga ako nagbago…ako pa rin ito”
seryoso kong tugon.

“ows?” sagot kaagad ng dalaga.

“oo nga…”
tugon ko.

“bakit parang nahihiya ka na? di ka naman ganyan dati diba?” tanong ni Carina sa akin.

“yun na nga e, nagbago kana kasi kaya nahihiya na ako sa iyo”
paliwanag ko.

“teka, saan ka ba nahihiya?”
tanong ulit niya.

“basta, sa lahat…parang hindi ka na approachable…” pahayag ko pa.

Tumabi sa akin si Carina, tinabihan niya ako sa sofa kung saan ako’y nakaupong solo mula pa kanina. Dumikit siya sa akin, dikit na parang naglalambing. Ihinilig ni Carina ang kanyang maamong mukha sa aking braso, at pagkatapos ay hinawakan na rin niya ito.

“oh, ako pa rin ito…di ba? di ba ganito tayo dati?” tanong pa ni Carina.

“eh iba na ngayon diba, may BF kana e” sagot ko pa.

“uhm oo nga…alam ko hindrance yun, alam ko naman na hindi ko pwedeng gawin ito kapag nandyan siya…alam ko hindi kita pwedeng lambingin ng ganito kapag may nakakakitang iba di ba?” paliwanag ni Carina.

“so you mean…?” sabi ko.

“what?” sagot niya.

“…don’t tell me nahihiya ka na naman??” patuloy pa niya.

“oo eh”
pag-amin ko.

“alam mo, ang cute mo pala kapag nahihiya ka hihi!” biro pa ni Carina.

Ibinaba ni Carina ang hawak niyang kahon ng tissue, kinuha ang nakalapag na panali ng buhok saka muling inayos ang sarili. Doon mismo sa harapan ko, doon niya inayos ang kanyang buhok upang lalo pang malantad ang makinis niyang mukha.

“…so ano na yung tanong mo?” malanding tono na ng pananalita ni Carina.

“uhm, wala…”
sagot ko ulit.

“ay…akala ko ba di ka nagbago? di ka ganyan dati diba? gusto mo ba hindi na ako ganito? sabihin mo na kasi…huwag kana mahiya kuya…kaya mo yan” paliwanag muli ni Carina.

Sinubukan kong baguhin ang tema ng usapan, baguhin na hindi naman malayo sa nais kong ipahayag mula pa kanina. Sa ganitong paraan, malalaman na rin niya kung ano talaga ang laman ng aking isipan.

“madalas ba kayo magkita ni Cid?” tanong ko sa kanya.

“oo naman, BF nga e…”
mabilis na sagot niya.

“edi madalas din kayo mag….uhm…”
tanong ko ulit.

“mag ano? mag seks?” prangkang tugon ng dalaga.

Tumango ako, patuloy kong pinanindigan na “torpe” ako noong mga sandaling iyon.

“…kuya Bogs talaga…hihi! so ano gusto mo palabasin?”
seryoso niyang sagot.

Hinawakan ni Carina ang kamay ko, naramdaman niya siguro na nanlalamig ang mga ito. Noon ko lang yata naranasan ang ganoon, hindi ko maalala sa buhay ko kung kelan ako kinabahan ng ganoon.

“ngayon ka pa ba tatahimik? di ba okay na tayo?” wika ni Carina.

“…oo nga…so kung ano yung dati, ganun pa rin ba ngayon?” sagot ko.

Tumango si Carina at saka ngumiti. Lumapit pa siya sa akin at saka yumakap na ng mahigpit. Nagyakapan kami, hinimas ko ang likuran niya habang medyo humihikbi.

“na-miss din kita kuya Bogs…sobrang miss na miss”
bulong sa akin ni Carina.

itutuloy

Leave a Reply