Gusali – Part 37

0

Part 37 Age Doesn’t Matter

Ako’y medyo nahimasmasan sa pinagdaanan kong sitwasyon kanina lang, ang espiritu ng alak ay bahagya nang bumaba dahil sa pinaghalong kaba at pananabik ko kay Tricia. Hindi ko inaasahang magkakaroon ako ng ganoong lakas ng loob, siguro nga dala na rin ng alak kanina at ang pakiramdam na akala mo’y “close” na kayo sa isa’t isa. Sabagay, masasabi kong malapit naman na kami bago pa man ang eksenang tungkol sa walang bra, sapagka’t hindi naman siguro ako pipilitin ni Tricia na manatili pa at samahan siya gayung naroon lang ang kanyang asawa at lasing na.

Alam ko na kahit pa naging maginoo ako sa pagpapa-alala sa kanya kanina, sigurado din na ito’y may kasamang kahihiyan sa aking panig. Siguro kahit ang ilan sa ating mga kalalakiha’y hindi basta-basta na makapagsasabing bakat ang utong ng kasama nilang babae na hindi mo pa naman lubusang kakilala.

“so uhm, anong beer ba bibilhin natin?” tanong ko habang kami pa rin ay nasa loob ng elevator.

“ah kahit ano Bogs…” mahina niyang tugon.

Akala ko’y lipas na ang nangyari kanina, pero sa tono ng kanyang pananalita ay tila nagsasabing “namanyak ko siya”. Natakot ako, hindi ko kabisado ang babaeng ito. Ang libog ko’y napalitan ng takot. Pero kung sakali mang ganoon, siguro naman e hindi na siya sasama pa sa akin sa tindahan, o ‘di kaya nama’y pauuwiin na lang niya ako.

“…uhm, how about pulutan? ano bibilhin natin?” tanong ko ulit.

“…alam mo Bogs, your questions are getting non-sense. I mean, you don’t have to ask something just to start a conversation…kinakabahan ka ano?” seryoso niyang tugon.

Napalunok na lang ako sa mga sinabi niyang iyon. Maliwanag na kontrolado na ni Tricia ang sitwasyon. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano o ano ang aking isasagot sa magandang babae na kasama ko. Bago bumukas ang pintuan ng elevator ay bigla siya uling nagsalita, sa pagkakataong ito, inilapit na niya ang kanyang maamong mukha.

“relax Bogs, relax ka lang…” pabulong niyang sinabi sa akin.

Doo’y medyo nawala na rin ang aking kabang dala-dala mula pa kanina sa itaas. Ang tono ngayon ng pananalita ni Tricia ay medyo malumanay at sa tingin ko’y mapang-akit pa. Pinauna ko siyang bumaba, sisipatin ko sana ang puwitan niya subalit hinintay niya ako at sa akin ay sumabay. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ang isa kong braso, yumakap siya doon na tila nagtatago.

“ang dami pa palang tao hihi! nakakahiya Bogs, naka-pangbahay lang ako” bulong ulit ni Tricia sa akin.

Halos hindi ko maintindihan ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Paano ba naman e sa kanyang pagkakayakap sa aking braso upang itago ang kanyang harapa’y hindi sinasadyang sumayad ang mga suso nito. Lahat siguro ng balahibo ko noon sa aking katawa’y tumindig, ang utong niya na nakikita ko lang kanina ngayon ay alam kong sumasayad na sa aking siko. Ang lambot ng suso ni Tricia, natural na natural marahil sa kadahilanang wala nga siyang suot na bra sa loob.

“sabi sa iyo magsuot ka e” wika ko naman.

“hihi! sa Canada kasi hindi ganito, kahit nga maghubad ka e hindi ka papansinin doon…dito may damit pa ako nyan ha, pero kung makatitig sila parang gagahasain na ako hihi!” paliwanag pa ni Tricia.

“e talagang ganyan dito, bihira kasi silang makakita ng maganda” pambobola ko pa.

“…nambola kana naman Bogs ha…” sabi pa niya.

“nagsasabi lang ng totoo…” pahabol ko pa.

Muling ngumiti na si Tricia. Doo’y sigurado na akong hindi na siya naiinis sa aking ginawa kaninang pagsasabi tungkol sa utong niya. Sinamantala ko na lang ang pagiging “knight and shining armor” ko kuno habang kami’y naglalakad papunta sa tindahan upang bumili ng serbesa. Hindi ko lang alam kung sinasadya na ba niya ang pagdunggol ng kanyang suso sa aking braso. Mas lalo kasing dumiin ang pagkakayakap niya.

Hindi na rin kami nagtagal, mabilis kaming namili ng aming mga kailangan. Nakaramdam na din kasi si Tricia, alam niyang lahat ng mga kalalakiha’y nakatingin sa kanyang magandang katawan. Sa aming pagpasok sa lobby ng gusali at sa maging sa loob ng elevator ay muli niyang inapuhap ang aking braso upang magtago.

“oh wala nang tao…” bulong ko pa dito.

“ay sorry…hihi!” sagot ni Tricia.

“…thanks Bogs ha, you’re such a gentleman…” patuloy pa niya.

Muli akong pinahanga ni Tricia nang hindi pa niya inalis ang pagkakayakap niya sa braso ko, sa halip ay inilapit pa niya ang kanyang mukha na parang nakahilig na sa aking balikat. Siguro paraan niya iyon ng pasasalamat sa maliit na bagay na aking nagawa. Kung siguro dalaga lang talaga itong si Tricia e kanina ko pa siya pinupog ng halik at saka lamas sa dibdib niyang kanina pa nagyayaya.

“oh tagay na ulit Bogs hihi!” masaya nitong paanyaya.

Pinagsilbihan ako ni Tricia, ginampanan niya ang pagiging punong-abala para sa isang katangi-tanging bisita. Saglit siyang lumisan at pumasok sa kanilang silid. Akala ko’y magsusuot na siya ng bra o magpapatong ng damit sa kanyang katawan ng siya ay nagtungo sa silid nila. Patuloy akong pinabilib ni Tricia, paglabas niya ay ganoon pa rin ang suot niya, bakat pa rin ang munting utong ng asawa ni Edong.

“sinilip ko lang si Edong…” paumanhin pa niya.

Aminado akong naipit ko ang aking sarili sa pagitan ng libog at kaba, ngayon lang naman talaga ako nagkaroon ng “chance” makihalubilo sa may asawa na walang ibang kasama. Sabi ko nga, kung siya ay single o dalaga pa, ang mga pinapakita niya at pakikitungo ni Tricia ay sapat na upang ako’y umabante na at dalhin na sa susunod na antas ang aking pagnanasa. Samakatuwid, parehas siguro kaming naghihintayan o tinatantsa ang isa’t isa.

“I know may work ka pa bukas, well, minsan lang naman ito diba..so I think worth it naman ang pagpupuyat mo” sabi pa ni Tricia.

Masasabi kong sulit nga, pero bilang isang batikan, ang sulit ay ang lubusang matitikman. Hinayaan ko na lang, sumabay na lang ako sa agos ng kasalanan. Gaya ng aking nakaugalian, hindi kailangang magmadali kung ito’y para sa iyo naman.

“actually I am enjoying din naman Tricia. hindi ko akalain na ‘game’ ka pala” tugon ko sa kanya.

“game? anong game?” tanong niya.

“I mean, game, uhm…okay ka naman palang kasama…akala ko kasi tahimik ka talaga…” paliwanag ko pa.

“ah ganun ba…nasanay na din kasi ako…alam ko napansin mo na tahimik lang ako kapag nandyan si Edong…” wika ni Tricia.

“bakit nga ba?” tanong ko ulit.

“…uhm, well, he is so seloso kasi. mula noong naging kami, hanggang sa ikasal na kami e naging seloso na siya…ayaw niyang nakikipag-usap ako sa mga lalaki, kaya hindi na lang ako nagsasalita palagi” paliwanag muli ng babae kong kasama.

“dapat nga may kumpiyansa na siya e, kasal na nga kayo diba?” tugon ko.

“exactly.” wika niya.

“..teka, baka naman magalit siya dahil sa nag-inuman tayo??” pahabol ko pa.

“ah ito? okay lang ito…ikaw lang naman e…you are his cousin’s hubby…besides, alam ko namang hindi ka gagawa ng masama diba?” sagot ni Tricia.

Aba hindi pa nga ako talagang kilala ni Tricia. Hindi niya kilala kung sino ang kausap niya. Bigyan nya lang ako ng motibo e kakalimutan kong may asawa na siya. Dinaan ko na lang sa biro, bago pa mapunta sa seryoso ang aming kwentuhan.

“of course, why would I do something stupid? …oh sorry nga pala ulit kanina..hehe” biro ko naman.

“hihi! sira ka talaga! hmp! ayan na-asiwa tuloy ako…” tinakpang muli ni Tricia ang dibdib niya.

“haha! …well sabi mo nga, wala naman akong gagawing masama” patuloy ko pa.

“okay okay…huwag mo na lang kasi pansinin…nipples lang naman yan! don’t tell me hindi ka sanay ng ganito? I mean, di ba tuwing gabi e hindi rin naman nagba-bra ang asawa mo? ..kumportable kasi” paliwanag pa ni Tricia.

Muling ibinaba ni Tricia ang kanyang bisig, naroon pa rin ang bakat na utong niya at pinilit ko na lang na hindi ito pansinin. Kaya mula noong sandaling iyon ay doon na ako nakatingin sa maamo niyang mukha tuwing ako’y magsasalita.

“o bakit ganyan ka makatingin?” wika pa niya.

“bakit? e saan ba talaga ako pwedeng tumingin?” tanong ko.

“hahaha! ikaw talaga! nakakalusaw kasi tingin mo” sabi niya.

Sa pangalawang lata ng beer ay napansin kong medyo tumatama na rin ang alak sa akin. Hindi ko sigurado kay Tricia dahil hindi naman siya kasali sa inuman namin ni Edong kanina. Nagpatuloy kami sa aming kwentuhan, marami akong nalaman sa kanya. Kung saan siya pinanganak, kung ano ang tinapos niyang kurso, at kung anu-ano pang usapin na wala naman talagang patutunguhan.

“ha? ang tagal mo na pala graduate? akala ko nito lang? totoo nga?” pagtataka ko nang ilahad niya kung saan siya nagtapos ng kolehiyo at kung kailan ito.

“bakit? akala mo ba ilang taon na ako?” tanong niya.

“seriously, akala ko mga nasa 27-28 ka lang…” sagot ko.

“hihih! ewan ko ba, madami na ring nagkamali…kahit nga itong si Edong, akala niya mas bata pa ako sa kanya dati” pahayag ni Tricia.

Ka-edad ko lang si Edong na pinsan ni Angel, kung mas matanda siya kay Edong, malamang e mas matanda din siya sa akin. Ang kagandahan niya ay talagang nagkubli ng tunay niyang edad. Lalo akong namangha ng aminin na niya ang kanyang tunay na edad. Hindi halata, as in. Kung tutuusin ay mas mukha pa nga siyang bata kay Katherine.

“I’m already 36…” pag-amin ni Tricia.

“hindi ako naniniwala.” tugon ko.

Hindi naman talaga kapani-paniwala. Ang kutis niya ay maputi at makinis, banat na banat sa kanyang seksing kurbada. Ang balakang niya ay nasa tamang lugar at ang mga suso niya ay tayung-tayo pa talaga.

“what do you want, proof? para lang maniwala ka…” hamon pa niya.

“uhm, wala naman hehe…di lang talaga ako makapaniwala…ate na pala kita” pahayag ko pa.

“oh please don’t…don’t call me ate, baka dyan ako tumanda hihi! let’s just pretend na we are on the same bracket…” tugon ni Tricia.

“ah okay ate Tricia! hehe!” biro ko pa.

Sa unang pagkakataon ay sumayad ang malambot niyang palad sa aking katawan, hindi napigilan ni Tricia na ako’y matapik niya dahil sa biro kong binitawan kanina.

“ay sorry! hihi! masakit ba?” paumanhin niya kaagad.

“…uy Bogs ha, don’t be intimidated by my age…I’m still young at heart hihi!” patuloy pa niya.

Kung mas matanda si Tricia sa amin ni Edong, malamang siya pa ang nagturo sa pinsan ni misis sa ibabaw ng kama. Malamang bihasa na itong si Tricia, malamang magaling na talaga siya sa kama. Ito ang naging laman ng isipan ko nang mga sandaling iyon. Nanumbalik sa aking alaala yung landlady ko noon sa Baguio, mas matanda, may asawa, at mas bihasa sa seks. Ang malaking pagkakaiba nga lang e ang itsura nitong si Tricia ay sadyang kamangha-mangha, parang hindi masyadong nagagamit, parang sariwa pa talaga.

itutuloy