Gusali – Part 36

0

Part 36 Use Your Imagination

Noong una akala ko’y magiging masaya ang aking gabi, akala ko sa pagpapaunlak ko sa paanyaya ni Edong ay magkakaroon ako ng ligaya. Akala ko kasi ay sasali sa aming inuman si Tricia na kanyang asawa, o di kaya’y kahit naroon lamang sa tabi ng kanyang asawa upang masilayan ko siya. Mali ako, naghangad ako ng hindi dapat, umasa ako ng sobra na ang imahinasyon ko lang ang nakakaalam.

Hindi ko naman pinahalata sa pinsan ng aking asawa na wala akong gana. Hindi ko ipinakita sa kanya na ako’y may hinahanap na iba, partikular na ang seksi niyang asawa. Sinakyan ko na lang ang hilig niya, pinatulan ko na lang, tutal malakas din naman ang loob ko sa inuman.

“sa tingin mo makakapagsimula na ba tayo sa construction this month?” tanong pa sa akin ni Edong.

“ah depende yan, pero pipilitin kong mapabilis, marami din naman akong kuneksyon sa city hall para sa permit” pagmamayabang ko pa.

Kahit man lang sa usapang tungkol sa propesyon ko ay masapawan ko si Edong. Naalala ko noong nililigawan ko pa lang si Angel, laging tambay doon si Edong sa bahay nila. Lagi niya akong pinagyayabangan, kesyo malapit na daw siya nooong umalis patungong Canada, mga pasaring ba na kala mo siya ang may ipagmamalaki pero kung tutuusin ay hindi naman siya ang nagpuhunan kundi ang kanyang mga magulang. Wala akong tiwala noon sa kanya, puro hangin lang sabi nga. Pero ngayon, kaya nga narito ako’t nakikipag-inuman sa kanya, ay dahil naging bilib na ako sa kanya sa larangan ng pagpili ng asawa. Tsamba.

“akala ko di mo se-seryosohin si insan dati eh..hehe…di ko akalain nabola mo pinsan kong suplada…” biro pa ni Edong.

Gusto ko na sanang barahin ang mga tirada niya, sasabihin ko na sanang siya nga ang naka-tsamba sa asawa niya.

“nakuha ko lang siguro sa tiyaga…” pasimple ko na lang na sagot.

“alam mo, swerte ka…kung nahuli ka lang ng ilang araw e iba na ang naka-dagit kay insan” patuloy pa niya.

Sa ilang basong Jack Daniels na aming nainom ay nahalata kong medyo tinatamaan na ang pinsan ng aking asawa. Sa tono ng kanyang mga salita at ilang pambubuska’y medyo nakaka-lalake na. Kung di lang dahil siguro kay Tricia e kanina ko pa pinatulan itong si Edong. Bukod siguro sa bilib ko sa asawa niyang si Tricia, maliban doo’y puro pangit na ang tingin at paghanga ko sa pagkatao niya. Asal kalye si Edong tuwing nakakainom.

“irereto ko na yan dapat sa bespren ko, nasa Canada din yun…” pagyayabang pa ni Edong.

Sa lakas ng boses siguro nito’y nagising si Tricia, narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto nila. Nang aking lingunin, nakita kong nakasilip ang isang diwata. Sa kaunting liwanag mula sa kanilang silid ay aking nakita si Tricia, ganoon pa rin ang suot niya tulad kanina, sando at maiksing shorts na halos kita na ang maputing singit niya. Pero nang aking sipatin pa, nakita ko siyang nakangiti sa akin, hindi siguro niya alam na hindi ako doon nakatitig sa kanyang mapupulang labi bagkus ay doon sa maliit na umbok sa gitna ng dalawa niyang bundok sa dibdib, walang suot na bra si Tricia.

Hindi ko naiwasang magtagal sa pagtitig, ako’y talaga namang nabighani. Sa ilang saglit ay nalimutan ko ang mga pinagsasasabi ni Edong na lasing. Napansin niya ito, kagyat ay tumingin din sa direksyon ng aking paningin.

“honey? gising ka pa?” medyo masungit na tanong ni Edong.

Nakita kong tumango lamang si Tricia, hindi naman siya mukhang takot, kundi mukhang naiinis pa nga dahil sa ingay ng asawa niyang si Edong.

“maingay ba kami?? hehe! sorry honey…halika, gusto mo uminom?” alok ni Edong.

Aba tingnan mo nga naman, akala ko e malalasing ako ng walang saysay. Hanggang sa huling tuka e may magaganap pa pala. Malugod na sumunod si Tricia sa kanyang asawa, kaagad din siyang lumabas ng silid nila. Nagtaka ako, hindi na nagawa pa, o talagang sinadya niya, na magsuot ng bra. Siguro ganito sa bansang nakalakihan niya, natural lang na ang katawa’y ibalandra.

“pasensya kana honey ha, medyo nagkakatuwaan lang kami nitong asawa ng pinsan ko…hehe” wikang muli ni Edong.

Naging mas asiwa ako, ako mismo ang nahiya na titigan si Tricia. Bukod sa maamo niyang mukha na kagigising lang, e hangga’t maari ayokong mahuli ako ni Edong na nakatitig sa bakat na utong ng kanyang asawang maganda. Ganunpaman, nilakasan ko na rin ang loob ko. Bakit nga ba ako mahihiya, e si Edong nga asal kalye kung makitungo sa akin. Ako na mismo ang nag-abot ng tagay para sa asawa niyang si Tricia.

“oh Tricia, ikaw na…madami ba? babawasan ko kung gusto mo” tanong ko tungkol sa tagay niya.

“okay lang, sakto lang yan” mahinhin niyang sagot.

Hindi ko na sinayang ang pagkakataon, ako na ang bumangka at baka maunahan na naman ako nitong si Edong.

“Edong, di mo pa naiku-kwento kung saan o paano kayo nagkakilala ni misis mo ah?” diretsa kong tanong.

“ah ganun ba, hehe…well, sa Canada din…noong una ko pa lang nakita itong si Tricia e hindi ko na nilubayan…hehe!” pagyayabang pa ni Edong.

“…nagkita kami sa isang party, party nung kaibigan ko…yung irereto ko sana sa asawa mo hahaha!” may halo pang biro nito.

“ay nanligaw ba si Joshua kay Angel?” sabat ni Tricia.

“hindi. paliligawan ko nga sana, kaso nakasingit na itong si Bogs hehe!” wika ni Edong.

Hindi ko talaga matalo sa kwentuhan itong lalakeng ito. Hinayaan ko nalang at muling ibinigay sa kanya ang sagwan. Basta ako, kuntento na ako sa presensya nitong si Tricia. Hangga’t may pagkakataon ay patingin-tingin na lang ako sa makinis niyang hita at minsan nama’y sa nakabakat niyang utong mula pa kanina.

“teka, iihi lang ako Bogs..honey asikasuhin mo muna yang bisita natin” utos pa ni Edong.

Nang maisarado ni Edong ang pintuan ng banyo, kaagad humingi ng paumanhin ang asawa nito.

“uy Bogs, pasensya kana ha…ganyan talaga yang si Edong kapag nalalasing, medyo malakas ang boses at medyo walang preno sa kakasalita…” wika ni Tricia.

“naku, I don’t mind at all…bakit lasing na ba siya nang lagay na yan?” tanong ko pa.

“oo e…pustahan tayo hindi na babalik yan dito, aantukin na yan sa sobrang hilo” patuloy ni Tricia.

Wala pa yatang kalahati ang nauubos namin sa halos isang litrong bote ng alak. Natawa na lang ako sa sarili ko, hindi pala tatagal sa tomaan ang lalakeng ito. Ilang sandali pa’y bumukas na ang pinto. Natanaw kong pangisi-ngisi na si Edong. Namumula ang mukha at basa ang bunganga, halatang nagsuka pa yata ito.

“Bogs! *hik*…sensya na ha…medyo tinamaan ako…ilang araw na kasi akong nainom…heheh! *hik*” pahayag nito.

“ah o sige, itulog mo na yan at tutuloy na rin ako…” sagot ko naman.

Hindi na sumagot pa itong si Edong, diretso pasok ito sa kanilang silid. Muli kaming nagkatinginan ni Tricia, doo’y naniwala na ako sa hamon niya kanina.

“sabi sa iyo eh! hihi!” wika pa ni Tricia.

“uhm, o paano? tutuloy na rin ako…” paalam ko.

“ganun? mayroon pa oh, madami pa ito…ubusin na natin…” mahinang sabi ni Tricia sa akin.

Kaagad umakyat sa aking ulo ang aking nerbiyos, tama ba ang narinig ko, na ang babae na mismo ang nagyayaya sa akin upang ubusin ang alak na nakahain. Hindi ako kaagad sumang-ayon, medyo nagpakipot din muna ako.

“sigurado ka? baka hanapin ka ni Edong?” tanong ko pa.

“bakit? nawawala ba ako? hihi!” biro pa ni Tricia.

“uhm, okay lang ba sa kanya? baka magalit si Edong?” tanong at paniniguro ko pa.

“bakit naman? nag-iinuman lang naman tayo diba?” sagot ni Tricia.

“…don’t worry, hindi na magigising yan…mantikang matulog yan hihi!” patuloy pa niya.

Doo’y nasiguro kong ligtas na ako sa kapahamakan. Kahit pa may pasok pa ako kinabukasa’y ayos lang, bihira ang ganitong pagkakataon, bihirang mangyari ito at dapat hindi na pinapalagpas ang sitwasyong ganito.

“o sige…pero uubusin natin talaga ito? kaya mo ba?” tanong ko pa.

“aba? are you challenging me? hihi!” pagyayabang pa ni Tricia.

“haha hindi naman, hindi lang ako sanay na may kainumang babae…well Angel drinks also pero madaling malasing…” sagot ko naman.

“uhm, alam ko naman kung lasing na ako e…sasabihin ko naman kapag hindi ko na kaya” pahayag ni Tricia.

“ah yun naman pala e…” wika kong muli.

“…alam mo, wag mo na pinapansin yung mga biro ni Edong, madalas may makaaway yan sa Canada hehe!…saka bagay naman kayo ni Angel ah? ang cute nga ng anak nyo e!” paliwanag pa niya.

“aba syempre! maganda si misis at ako naman e…” pagyayabang ko.

“pogi?” sabat ni Tricia.

Nginitian ko na lang siya. Gumanti rin naman siya ng isa pang matamis na ngiti. Inabot ko ang baso galing sa kanya at tinagayan ko itong muli. Ngayon malaya na ako sa kanyang katawan ay makakatitig, hindi naman bastusang paninilip kundi patingin-tingin lang na silip. Magkaharap kami ng pwesto noon, kapag bubuka ang dalawa niyang hita ay medyo nasisilayan ko ang puting panty niya. Pero mas madalas kong makita ay ang bakat pa rin niyang utong.

“bakit kayo hindi pa kayo mag-anak ni Edong?” tanong ko sa kanya.

“uhm, e nagta-try naman kami, hindi lang maka-tsamba…” sagot ni Tricia.

“ahh…sigurado maganda o gwapo rin magiging anak nyo…pogi si Edong, ikaw naman e…” hirit ko pa.

“…ano? ano ako?” tanong kaagad ni Tricia.

“uhm, ano pa ba, edi maganda” sagot ko.

“haha! alam ko na kung bakit nasilo mo si Angel! bolero ka pala! hihihi!” wika ni Tricia.

Naging makabuluhan ang gabing iyon, gusto ko pa sanang manatili at mapahaba pa ang kwentuhan namin ngunit ang alak ay paubos na. Batid ko rin na tila nagkaroon na si Tricia ng bagong kaibigan sa aking katayuan, siguro dala na rin ng alak, pero ang ngiti niya ay lalo pang gumanda.

“oh ubos na…” sabi ko sa kanya.

“ay oo nga ano…gusto mo pa ba?” tanong niya.

“ikaw? kaya mo pa ba?” tanong ko pa sa kanya na tila naghahamon pa.

“uhm, wala na yatang alak dyan e…bili tayo?” suhestyon ni Tricia.

“o sige, beer na lang, pang-banlaw” sabi ko naman.

“tara?” sabay tayo niya.

Naalala ko, wala nga pala siyang suot na bra. Ayokong mabastos naman siya sa tindahan sa ibaba, pero paano ko ba sasabihin na bakat ang kanyang utong o maging ang maiksing shorts niya ay takaw-mata sa mga manyakis na iba.

“uhm, Tricia…maybe you should put some more dress on?” sabi ko sa kanya.

Napilitan akong sabihin sa kanya na baka nalimutan niyang wala siyang suot na bra. Hindi ko alam kung ito ba’y iisipin niyang pagiging maginoo ko at maaruga o sa halip nama’y pag-iisipan ako ng iba.

“alin ba?” tanong niya.

“sorry ha, pero bakat kasi e…” paumanhin ko pa.

Napayuko si Tricia, ngayon ay napansin na niyang bakat nga palang talaga ang munting utong niya. Hindi naman nagalit ang asawa ni Edong, parang siya din ay nahiya dahil sa suot niya. Kaagad niyang hinalukipkip ang kanyang dalawang braso upang takpan muna ito.

“ako na lang kaya ang bibili? dito ka nalang muna…” suhestyon ko naman.

“uhm, gusto ko sanang sumama e, gusto kong mamili ng kakainin nating pulutan pa…tatakpan ko na lang…hihi!” biro pa niya sa akin.

“ikaw? o sige tara na…” sagot ko na lang.

“kanina pa ba bumakat? hihi! nakakahiya naman…” mahina pa niyang tanong nang kami’y sumakay na sa elevator.

“honestly? yes…sorry ha? hindi ko kasi masabi kaagad kanina baka magalit si Edong” wika ko pa.

“ah ganun ba…so kanina mo pa pala ito tinititigan?” medyo malanding tinig na ni Tricia.

“ay hindi…hindi ah…nagkataon lang…” palusot ko pa.

“hmmmm…” mahinang tinig muli niya sabay taas din ng isang kilay.

itutuloy