Gusali – Part 35

0

Part 35 Palusot

“hi kuya! hihi! thank you talaga ha!” masayang bati nitong si Alex nang balikan ko siya sa ospital.

“it’s okay Alex, ikaw pa…e malakas ka sa akin!” sagot ko naman.

Gusto ko na sanang umuwi kaagad noon, tila mas naging mas matimbang ang paanyaya ni Edong na inuman kasama malamang ang asawa niyang si Tricia. Ngunit hindi ko naman matanggihan itong si Alex, kung tutuusin nga e mas pabor pa itong pagkikita namin. Mula kaninang hapon ay bitin na bitin ako kay Carina, tiyak na makaka-iskor ako dito kay Alex.

“nag-dinner kana kuya? drive-thru tayo?” alok pa ng dalaga.

“uhm, o sige…mukhang gutom na gutom kana ah?” tanong ko pa.

“oo eh, dapat kanina pa ako nakauwi, yung isa kasing bago naming staff e na-late kaya di ako naka-alis kaagad” paliwanag niya.

“sinong bago?” tanong ko naman.

“ah bagong nurse, si Kim…” sagot ni Alex.

Dumaan kami sa pinaka-malapit na fastfood kung saan may drive-thru. Hindi na natiis pa ni Alex ang gutom kaya’t doon pa lang sa sasakyan ay kumain na siya.

“oh kuya subo ka…” malambing na alok sa akin ng dalaga habang ako’y nagmamaneho pa.

“thanks Alex..” tugon ko naman.

Parang ang tagal naming hindi nagkita, pero sa totoo lang ay noong nakaraang Huwebes lang ang huling dilig ko sa kanya. Nakaramdam ako ng kaunting “guilt”, ganito ba talaga ang mga babae? Alam ko sa aking sarili na muli na kaming “nagkabalikan” ni Carina, pero sa aking pagkaka-alala, naipangako ko yata kay Alex na bukod kay misis ay siya lang ang aking naikakama. Lalo na noong gabing iyon kung saan ang sakit ng aking puson ay galing kay Carina, na ang plano ko pa’y iputok ito sa pamamagitan ni Alyssa.

“nag-iba yata schedule ng duty mo?” tanong ko pa sa kanya.

“ah ngayong week lang naman kuya, don’t worry, hindi apektado yung ‘schedule’ natin hihi!” malanding sagot pa niya.

Nang marating na namin ang bahay nila’y niyaya pa niya akong bumaba na muna, tumanggi ako dahil ang alam ko’y naroon na ang kanyang tita. Hindi tulad dati na umaga ang kanyang uwi at walang ibang tao sa kanila kaya’t malaya kaming nakakapag-niig. Hinalikan ko na lang si Alex doon din mismo sa loob ng aking kotse. Pinaunlakan naman niya ang hiling ko at lumaban din siya ng halikan sa akin.

“gusto mo ba kuya?” tanong pa ni Alex.

“alin?” sagot ko.

“gusto mo bang mag-seks muna tayo bago ka umuwi?” alok sa akin ng dalaga.

May batas kaming inilaan para sa aming patagong relasyong sekswal. Ito ay ang pagtatalik namin ng lingguhan, tuwing Huwebes kung saan wala siyang pasok madalas. Bukod doon, kung itinakda ng pagkakataon ay sinasamantala na rin namin. Ang gabing iyon ay isa na roon, pero sa likod ng aking isipan ay ang alok ni Edong. Pero sa kabila nito, wala naman sigurong mawawala kung magpapahuli ako ng ilang oras mailabas ko lang ang lagkit na namumuo sa aking puson.

“eh saan?” sagot ko sa dalaga.

“uhm, dito? dito sa car mo?” suhestyon pa ni Alex.

“medyo maaga pa e, ang dami pang dumadaan oh” sabi ko.

“eh ayaw mo namang pumasok muna sa bahay e…tara na kasi” pagpupumilit ng dalaga.

Kung si Alex ay tulad sana ng estado ni Carina noon, na legal kong kantutin at alam ni misis, wala sanang magiging problema kahit pa iuwi ko siya sa condo namin. Pero iba si Alex e, mas pinili ko na lang na ilihim ang aming pagsasama. Mabuti na rin ito, na hindi niya nalaman ang naging relasyon namin ni misis kay Carina o maging sa hipag kong si Katherine.

“di ba nariyan si tita mo?” tanong ko.

“oo nga pala…hihi! nasanay akong wala siya pag umuuwi ako ng umaga” sagot ni Alex.

“eh paano yan?” tanong ko.

“gusto ko rin sana e…” sabay hawak na niya sa titi ko.

Hinalikan ko ulit si Alex, at sa pagkakataong ito’y sinabayan ko na rin ng hawak sa kanyang dibdib. Nilamas ko ang dalawang suso ni Alex habang patuloy kaming naghahalikan doon sa loob mismo ng aking sasakyan. Gusto ko na talagang tirahin siya noon, doon din mismo subalit mahirap na baka magka-iskandalo pa.

“bukas na lang kuya? off ko naman e” muli niyang alok sa akin.

“ikaw? sige okay lang din, pwede naman akong tumakas saglit sa trabaho ko” sagot ko.

“o sige kuya Bogs, bukas mo na lang ako anuhin hihi! sorry ha? alam mo naman ang sitwasyon diba? basta bukas, sige, I’ll make sure na mas masasarapan ka! hihi!” malanding wika ni Alyssa.

Hinayaan ko na lang na lumagpas ang pagkakataon. Alam nyo yung pakiramdam na dapat e huwag nang ituloy, parang ganun ang naramdaman ko noon. Hindi sa ayaw kong makantot si Alex, hindi ko siya tinatanggihan mula noon. Ang sa akin lang ay wala talagang malinaw na pagkakataon kaya’t mas maigi ang palipasin na lang ang libog.

“o sige na kuya, pero pa-kiss muna ulit hihi!” wika pa niya.

Hindi ko alam kung anong nakain ni Alex noong gabing iyon, akala ko’y hahalik lang siya bago tuluyang magpaalam. Pero bago pa man siya bumaba, ilang saglit matapos ang huling halik ay binuksan pa niya ang ilang butones ng kanyang unipormeng puti. Ako’y nabigla nang ipakita pa niya ang kanyang mga suso sa akin.

“eto, eto bukas matitikman mo…hihi!” panunukso pa ni Alex.

Iniwan niya akong nakanganga sa loob ng aking kotse nang siya ay bumaba na. Pilya din pala itong babaeng ito. Napangiti na lang ako, kahit bitin na bitin na talaga ko e tiniis ko na lang at sigurado namang bukas ay aapaw ang aking saya sa kanyang presensya.

Mabilis akong nakauwi, sa elevator ay muling tumunog ang aking cellphone. Akala ko ito’y si Edong at nagmamadali, pero sa pagtingin ko ako’y muling nagulat nang si Carina pala ang tumatawag sa akin.

“hello? Carina??” sagot ko kaagad.

“hi kuya…” bati niya sa akin.

“o napatawag ka?” sagot ko pa.

“ah e, inform lang kita, napirmahan na ni Cid yung contract…kunin mo na lang sa akin bukas ha?” sagot naman ng dalaga.

“ah o sige…mga anong oras?” tanong ko.

“uhm, tawagan na lang kita ulit…di ko sure kung anong oras e…hihi!” sagot ni Carina.

Paano kaya ito, mukhang mabubulilyaso pa ang plano namin ni Alex. Pero teka, kung ibibigay naman sa akin ni Carina magkakaroon naman kami ulit ng chance na mapag-isa. Naguluhan na ako. Ito naman kasing babaeng ito e wala sa lugar kung gumawa ng plano.

“o sige…ikaw bahala” sagot ko na lang.

“okay…uhm kuya, inihatid mo ba si Alex kanina?” tanong ni Carina.

“ha?” kinabahan ako sa tanong niya.

Paanong nalaman nitong si Carina na magkasama kami kanina lang ni Alex gayung nasa trabaho pa siya?

“uhm oo, paano mo nalaman?” tanong ko naman.

“ah nakita ko kasi car mo…” sagot niya.

“eh diba nasa duty ka?” tanong ko ulit.

“kakabalik ko lang din e, may binalikan lang ako sa bahay” paliwanag niya.

“…talagang close na kayo ah? tell me kuya Bogs, is there something between you?” kanyang pag-uusisa.

“what do you mean??” sagot ko pa.

“wala, wala…sige na…bukas na lang ha?” paalam na niya.

Hindi ko malaman kung paanong nangyari ang ganito, may sa-pusa yatang talaga ang dalagang ito. Sa pagkakaalam ko e wala naman akong nadaanang sasakyan niya kanina sa tapat ng bahay nila. Mabuti pa yata e magpalit na ako ng kotse, yung simple lang at walang malaking palatandaan.

Dalangin ko lang noon e sana huwag idaan sa intriga ni Carina ang paghahatid ko kay Alex. Alam naman ni misis na inihahatid ko at madalas din naming kasabay si Alex. Pero kapag nagkataon, kung hahaluan ng tsismis ang isyu, malamang magkaroon na ng paghihinala si misis sa pagiging close din namin nitong si Alex.

“Bogs? nasaan kana?” tanong ni Edong.

“dito na, magpapalit lang ako ng damit…lilipat na din ako diyan” sabi ko pa sa pinsan ni misis.

Nang lumipat na ako sa kabilang unit, kaagad hinanap ng aking mata ang asawa ni Edong na si Tricia. Alam kong mahihirapan akong makausap muli siya, pero kung sasalo siya sa aming inuman ni Edong at akin siyang makikita ay sapat na. Lamang-mata lang ika nga. Pero kung anong saya ko kanina, kung anong pananabik ay bigla na lamang nabura. Si Edong ang nagbukas ng pintuan, si Edong lang ang aking makaka-inuman. Malamang naroon na si Tricia sa kanilang silid at natutulog na. Nanghinayang ako noon, mas mabuti pa sana na nag-motel na muna kami ni Alex kung alam ko lang na si Edong lang pala ang aking daratnan.

itutuloy