Gusali – Part 34

0

Part 34 Si Pinsan at ang Titing Tulisan

Ilang araw ko ring dinala sa aking isipan ang naiwang isyu sa amin ni misis. Hindi naman nasapawan ang pagiging “mabuti” na naming muli ni Carina subalit ang mga “trip” ni misis ay sadyang mas matimbang pa kapag ako’y napapaisip. Hindi ko maiwasang magduda, kung ang pagtatalik nila ni Regina na aking nahuli ay naisagawa niya, hindi malayong mangyari ang kinatatakutan kong pagduduop nila ni Benjo.

Hindi ito maiiwasan, lalo pa’t noong isang araw lang ay nakita ko ang binata na nakatambay sa coffee shop sa ibaba ng aming gusali. Hindi ko sinabi kay misis ang nakita kong iyon sapagka’t maaaring madagdagan pa ang pananabik niya sa kanyang isipan.

“babe uuwi ka ba ng maaga?” tanong sa akin ni misis isang hapon nang ako’y nasa trabaho pa.

“bakit babe? ano meron?” tanong ko.

Sa likod ng isip ko’y namuong muli ang pagdududa sa aking asawa. Pangit ito, hindi ito patas dahil ni minsa’y hindi niya ako pinagdudahan. Pero kung gagawa man ng kakaiba ang aking asawa, bakit kailangang tanungin pa niya ako kung maaga ba akong uuwi, masyado yatang halata yung ganun.

“ah wala naman babe, sila insan Edong kasi nandito na, gusto ko lang i-orient mo sila sa unit sa kabila” paliwanag ni misis.

Ganun naman pala.

“ah ganun ba, e idadaan ko pa kasi itong kontrata nila Cid at Carina, tumawag nga kanina nalimutan kong dalin dati pa…hindi naman siguro sila aalis mamayang gabi diba?” sagot ko.

“uhm oo hindi sila aalis babe, e ihahatid mo pa ako sa duty ko diba?” wika ni misis.

“o sige sige, dadalhin ko na ngayon ito kila Carina” sagot ko sa aking asawa.

Buti nalang at wala masyadong mga “bossing” noon kaya’t pwede akong umiskapo sa opisina nang wala sa tamang oras. Kaagad kong tinawagan si Carina upang ipaalam na ako’y magtutungo na sa kanila upang ihatid ang mga papeles. Magkahalo ang pananabik ko noon, una ay makikita ko na ulit ang baby kong si Carina at ang isa pa’y masisilayan ko na ulit ang taglay ng ganda ni Tricia.

“uhm o sige, pero wala si Cid kuya e…” tugon ni Carina nang tawagan ko siya.

“ayos lang yun, basta maihatid ko itong kontrata…” sabi ko naman. Pero sa totoo lang, gusto ko lang talaga siyang makita at magkaroon ng ilang sandaling makasama ng siya lang.

Nang marating ko ang bahay nila Carina, nanumbalik ang aking alaala. Parang noong isang araw lang nang dalawin ko siya at napagkamalan pa nga akong “manliligaw” ng tiyahin niya. Ang sarap ng pakiramdam ko noon, para kaming magsing-irog. Yun nga lang, doon din sa bahay nila nagmula ang pag-hihiwalay namin. Doon ko din kasi nakita si Estong, ganung wala naman talagang naganap sa pagitan nila, nasaktan din ako sa pagsisinungaling dati ni Carina.

“pasok ka muna kuya” maligayang paanyaya sa akin ng dalaga.

“salamat” tugon ko naman.

Eksakto, walang tao noon, wala ang tita niya kaya’t hindi na ako nahirapang umisip pa ng dahilan kung bakit ako naroon. Hindi ko naman na kasi pwedeng ipalusot na nanliligaw ako gayung may tunay na nobyo na si Carina. Ang pagkakasabi ni Carina ay may pasok din siya, tila kaliligo lang ng dalaga dahil sa nakita kong basa ang buhok niya. Gusto ko pa sana siyang ihatid tulad ng dati, pero gustuhin ko ma’y hindi maaari sapagka’t ihahatid ko pa ang aking misis.

“saglit lang kuya ha, magbibihis lang ako” paalam pa niya.

“sige lang…” sagot ko naman.

Gusto ko na siyang sunggaban noon, sino ba naman ang hindi muling maaakit sa dalagang bagong paligo. Marahil sanay na rin sa akin si Carina kahit pa kami’y naghiwalay na, hindi na niya alintanang maglakad ng naka-bra at cycling shorts lamang. Ganito madalas ang suot niya dati pa, ganito ang panloob niyang suot bago ang uniporme na pang-nurse. Sinipat ko, tinitigan kong mabuti ang kartada ng katawan niya. Kalibog-libog naman talaga, hapit na hapit ang suot niyang cycling shorts sa hubog ng kanyang balakang, maging ang suot niyang bra’y saktong-sakto sa malusog niyang mga suso.

“eto nga pala yung contract…paki-bigay na lang sa BF mo” sabi ko sa dalaga nang lumabas na siyang muli galing sa pagbibihis.

“ah okay kuya…” sambit pa ng dalaga habang nagbu-butones ng uniporme niya, oo doon mismo sa aking harapan.

Tumayo ako, nilapitan ko si Carina. Hindi na ako nagpigil pa, alam kong inaakit na niya ako dahil sa kanyang mga kilos at mga ipinapakita. Paglapit ko’y bigla siyang natigilan sa ginagawa, mga dalawa o tatlong butones pa ang hindi naisasara. Maging siya ay nagulat sa aking pagtitig sa kanyang maputing cleavage na sumisilip mula sa nakabukas pang butones ng kanyang blusa.

“yes kuya?” tanong ni Carina.

“Carina…pwede na ba kitang halikan ulit?” matapang kong tanong sa kanya.

“hihi! bakit na-miss mo na ba ako?” malandi niyang tugon.

Lumapit si Carina sa akin, mas malapit kesa kanina. Doon din ay hinalikan ko si Carina, muli kong hinagkan ang matamis niyang mga labi. Kaagad akong tinigasan, kaagad kong naamoy ang bagong-paligo niyang katawan. Hindi naman ako pinigilan pa ni Carina, senyales na totoong maayos na ang lahat sa pagitan naming dalawa. Matagal kaming naghalikan, sinamantala ko ang maikling pagkakataong ibinigay sa akin ng tadhana.

“kuya…uhm, may pasok pa ako e…” wika ni Carina.

“saglit lang Carina, please? na-miss lang talaga kita” pahayag ko pa.

“I know, I missed you too kuya Bogs…but, you know, may BF na ako…he will be here any minute from now…” paliwanag pa niya.

“so hindi na kita pwedeng…uhm, alam mo na?” tanong ko pa.

Bago pa masagot ng dalaga ang aking katanungan ay may narinig na akong busina sa labas lang ng bahay nila. Sinabi niyang si Cid na iyon malamang, wala akong magawa, kailangang sundin ko ang kanyang kahilingan.

“pwede pa rin naman kuya, nahalikan mo na nga ako diba?” seryosong wika niya.

“so you mean, uhm, pwede pa rin kitang matikman?” diretsa ko nang tanong.

“…uhm, pag-iisipan ko…hihi!” sagot ni Carina sabay halik sa aking pisngi bago nagyayang lumabas na.

Matapos ang tagpong ito’y kinuha na niya ang kanyang bag at ang dokumentong inabot ko sa kanya kanina. Tama, tama kayo, ito na yata ang unang beses na ako’y tinanggihan ng dalaga. Hindi ko sigurado kung sa piling ba ni Cid ay kuntento na siya, hindi naman kasi niya tuluyang isinarado ang pintuan ng kanyang kalangitan para sa akin. Oo nga’t ayos na kami, magkaibigan na kaming muli, pero malamang hanggang doon na lang din.

Samakatuwid ako’y umuwing sawi, bitin, masakit ang puson. Inalo ko na lang ang aking sarili sa pagsasabing may ibang pagkakataon pa naman at siguradon hindi naman ako bibitining muli ng dalagang minahal ko. Pagdating sa aming condo, muling nanumbalik ang ngiti sa aking mukha. Siyempre kailangang kaaya-aya ang aking aura tuwing haharap ako sa asawa ni Edong na si Tricia.

“babe buti dumating kana, kanina ka pa hinihintay nila Edong sa kabila, puntahan mo na at maliligo na ako…ihahatid mo pa ako” bungad ni Angel pagdating ko.

“ah ganun ba, o sige pupuntahan ko na” sagot ko naman kaagad.

Mabilis akong lumipat sa kabila, tila sa aking isip ay may nag-iimbita talaga. Pinindot ko ang doorbell, dalawang beses. Sa isip ko’y baka abala pa ang mag-asawa sa pagliligpit ng mga gamit nilang inilipat kanina. Hindi rin siyempre nawala ang tamang duda, malamang nagkakang-kangan sila. Siguro habang inaantabayanan nila ako’y kanina pa din sila nagpapaka-sasa sa katawan ng isa’t isa. Muli kong ibinalik sa aking isip ang imahe ni Tricia, ilang linggo ko rin siyang hindi nakita. Naisip ko pa, magaling kaya itong mahinhing babae sa kama?

“ay Bogs, halika pasok ka” bungad sa akin ni Tricia pagbukas ng kanilang pintuan.

Hindi ako nagkamali, tuluyang nabusog ang aking isip at mata sa aking nakita. Si Tricia na nagbukas ng pintuan ay tila mag-isa, ang suot niya ay pang-bahay, sandong puti kapareha ang bakat na itim na bra. Tunay na nangibabaw ang kaputian ng kutis niya, lalo pa akong nasilaw nang makita ko ang kinis ng kanyang mga hita.

“hi, pasensya na medyo may inasikaso lang ako…si Edong?” sagot ko naman kaagad sa kanya.

“ah nariyan sa banyo, naliligo lang…halika upo ka muna” muli niyang paanyaya.

Siguro tama rin ang aking hinala, malamang katatapos lamang nilang magtalik. Sayang, hindi ko naabutan, sayang sana e naistorbo ko sila sa kanilang pagkakantutan. Pinagmasdan kong muli ang asawa ni Edong, talaga namang punong-puno na ang aking puson mula pa kanina sa pagkabitin ko kay Carina. Lalo itong nadagdagan sa presensya nitong si Tricia.

Naupo ako sa may sofa, doon sa sofa mismo na kamakailan lamang ay naganap ang nakakalibog na eksena ni misis at ng swerteng binata na si Benjo. Sa loob-loob ko’y sana muling madagdagan ang history ng upuang ito tungkol sa makamundong gawain. Narinig ko ang sagitsit ng dutsa mula sa banyo, marahil kakasimula pa lang maligo ng pinsan ni misis na si Edong. Ano pa nga ba ang aasahan ko, kundi ang nakakabinging katahimikan ni Tricia. Panay ang ngiti ni Tricia tuwing magkakatinginan kami, hindi ko na natiis kaya’t ako na din mismo ang unang nagsalita.

“how do you find our place? okay ba sa inyo yung ganito?” tanong ko.

“oh yes, I like it! hihi! kaso mami-miss ko yung ihaw-ihaw doon sa amin dati” tugon ni Tricia.

“ah yun ba, meron din malapit dito, kung gusto mo puntahan natin minsan” sagot ko naman.

“wow talaga?! sige sige, thank you Bogart! ang bait bait mo pala!” masayang sabi pa niya.

“oh by the way, kumain kana ba? nagluto ako kanina…” alok pa niya.

“ah no thanks, ihahatid ko pa kasi si Angel sa duty niya…saka nag-snack naman na ako kanina bago umalis sa office…next time nalang” paliwanag ko naman.

“ay sayang naman, masarap pa naman ang luto ko” patuloy nito.

“sige sa susunod, aabangan ko yang masarap mong luto” sabi ko.

“promise yan ha?” malambing na niyang tinig.

“oo” sagot ko kaagad sa kanya.

Doo’y mas umangat na ang aking kumpiyansa, bihira sa mga babae ang nag-aalok ng luto nila. Alam ko na sa aking isipa’y iba ang kahulugan, pero ganunpaman, isa lang ang ibig-sabihin nito, na ang asawa ni Edong ay nagiging malapit na sa akin. Gusto ko pa sanang “bolahin” si Tricia, gusto ko pa sanang subukin kung talaga bang malapit na kami sa isa’t isa, subalit nang marinig naming dalawa ang pagbukas ng pintuan sa banyo ay sabay pa kaming natahimik at nagkatinginan pa.

“oh Bogs, kanina ka pa?” bati ni Edong.

“ah hindi naman, kararating lang din” sagot ko.

“saglit ha, magbibihis lang ako” paalam pa niya.

Gusto ko sanang tanungin ulit si Tricia pagtalikod ni Edong, gusto ko na sanang alamin kung bakit ba siya natatahimik at hindi nakikipag-usap sa tuwing naroroon na ang kanyang kabiyak. Pero pinili kong gawin na lang itong isang misteryo, dahil alam kong ‘di maglalaon ay mabubuking ko rin ito. Pampa-dagdag excitement kung baga, mas madaming lihim, mas malibog sa kama.

Matapos ang ilang minuto, sa muling paglabas ni Edong ay sinimulan ko nang ipaliwanag sa kanila ang ilang mga batas sa pamahalaan ng aming condo. Maging ang ilang bagay sa loob ng unit na titirahan nila’y ipinaliwanag ko na rin. Sinagot ko rin ang ilan nilang mga katanungan, tungkol sa upa sa paradahan sa ilalim at kung anu-ano pang bagay-bagay.

“oh paano, tutuloy na ako, ihahatid ko pa si Angel e” paalam ko.

“ah ganun ba, sige sige…kung gusto mo balik ka dito mamaya pagkahatid mo, house warming ba, may naitabi akong alak dyan e…okay ba yun Bogs?” paanyaya naman ni Edong.

“sige ba, sige aalis na ako…” paalam ko ulit.

Mukhang magiging masaya ang gabi ko.

“o bakit dito ka nagdaan?” tanong sa akin ni misis habang kami’y naglalakbay papunta sa kanilang ospital na pinapasukan.

“bakit? hindi ba sasabay si Alex?” pagtataka ko.

Madalas kasi ay halos parehas ang schedule nila ni misis, nagkataon sigurong day-off si Alex o naiba na ang duty.

“ah hindi babe, kanina siya duty…siguro pauwi na yun…tara diretso na tayo” paliwanag ni misis.

Matapos kong maihatid si misis, tumulak na ako kaagad pauwi. Naalala ko kasi ang imbitasyon ni Edong kanina, mag-iinuman daw kami at may basbas din naman ito ng aking asawa. Sayang nga daw at may duty siya, pero sinabihan ko na lang si misis na mag-set ng iba pang araw para kasali na din siya. Di pa man ako nakakalayo, tumunog ang aking telepono. Si misis ang tumawag, nagsabing bumalik ako’t isabay na daw si Alex dahil nakasalubong niya ito kanina lang.

Magkahalong saya at pagkadismaya ang naramdaman ko. Tila tinimbang ko kung paano, siguradong magtatagal ako sa piling ni Alex, pero inaasahan naman ako sa condo nila Edong at Tricia. Ah bahala na, kung saan ako mabaling e doon ako kakabig.