Dolls and Braces – Part 1

Ako nga pala si Pablo Picasso Francisco pero Papi ang tawag sakin ng lahat ng kakilala ko. Paborito daw kasi ng aking ina ung artist na si Pablo Picasso kaya isinunod ung pangalan ko sa kanya.

34 years old na ako ngayon at may mataas na katungkulan sa isang security agency. Hiwalay na rin ako sa aking asawa pero sa mga susunod na kabanata ko na ito ikwekwento. Anyway, ang ikwekwento ko sa inyo ay ang mga pangyayari sa aking buhay nuong ako ay college pa.

Taong 2000 ay pumapasok ako sa isang kilalang unibersidad sa Maynila at kumukuha ng kursong Computer Engineering. Puro pag aaral lang ang aking ginagawa kung kaya naman maraming dumidikit sa akin na varsity at fraternity. Hindi naman sa pag mamayabang pero matalino ako. Kaya naman naging dean’s lister ako at paborito ako ng mga guro.

Sinamantala naman ito ng mga kaklase. Sabi ko nga ay panay ang dikit sa akin ng mga varsity at fraternity na walang hilig mag aral. Sa akin sila nangongopya at nagpapagawa ng project. Syempre ay payag naman ako dahil binabayaran naman nila ako at walang gumagalaw sakin dahil protektado nila ako.

Kaya naman 1st year pa lamang ako ay medyo ilag na sakin ang mga tao dahil nga kadikit ko ang mga “cool kids”. Ganun pa man ay hindi ako sumasama sa mga gimik nila at kalokohan.

Nakatira ako sa isang paupahan na duplex. Paupahan talaga ito ng tita ko pero ng pumunta siya sa Amerika ay sa akin na niya pinagamit ang bahay habang ang katabi ay pinauupahan niya sa isang mag ina. Hindi ko rin naman masyadong kakilala ang mga ito dahil nga sa loner ako at tutok nga ako sa pag aaral.

Pagpasok ko ng 2nd year ay umayos na buhay college ko. Sakto kasi na papasok na din ng college ang girlfriend ko at pinsan niya. Syempre ay nag offer agad ako na sa amin na lang sila tumuloy.

Pumayag naman ang mga magulang ng girlfriend ko dahil na rin sa magkakilala naman ang pamilya namin at dalawa naman ang kwarto ng bahay. Ang usapan ay sa isang kwarto ako at magkasama naman sa isang kwarto ang girlfriend ko at pinsan niya.

Pero syempre ay hindi natupad ang usapan na ito. Isang lingo pa lamang ng pasukan ay lumipat na sa aking kwarto ang girlfriend ko. Kami na ang magkasama sa kwarto at solo na ang pinsan niya sa isa pang kwarto.

Malaki ang naging pagbabago sa akin simula ng dumating ang aking girlfriend. Madalas na kami lumabas ng aking girlfriend at nakikisalimuha na ako sa ibang tao. Mas naging close na rin ako sa mga varsity at fraternity dahil paminsan minsan ay sumasama na ako sa mga gimik nila. Pero hindi ko naman napabayaan ang aking pag aaral.

Bago nga pala tayo magkalimutan. Loraine ang pangalan ng girlfriend ko. Maganda siya at may brace. Hindi ko ba alam pero weakness ko talga ng mga panahon na iyon ay ang mga babaeng may brace. Kaya naman hindi ko na pinakawalan si Loraine at talaga namang kulang na lang ay lumuha ako ng dugo para mapasagot siya.

Ang pinsan naman niya ay si Margaret. Maganda din si Margaret at marami ang naloloko dito dahil na rin sa muka itong manika. Pero may pagka malandi si Margaret dahil wala pang isang buwan sa maynila ay may boyfriend na itong madalas makitulog sa bahay.

Wala naman ako magawa kung hindi kunsintehin si Margaret. Natatakot din kasi ako na kapag isinumbong ko siya ay baka sabihin niya rin sa amin na sa kwarto ko na natutulog si Loraine. Kaya naman ang nangyari ay wala na lang kaming pakielaman.

Pinagsabihan ko lang si Margaret na kausapin ang boyfriend niyang si Mark. May pagkamayabang kasi ito at kung umasta ay parang sa kanya ang bahay samantalang nakikitulog lang naman siya. Naiinis din ako dahil minsan ay lumalabas pa ito ng kwarto na nakaboxers lang samantalang alam niya na may iba pang tao sa bahay.

Loraine: “ Papi, wag mo na lang kasi pansinin.”

Ako: “Nakakainis eh. Parang nananadya na eh.”

Loraine: “Halika na nga lang sa kwarto para gumanda ang mood mo.”

Para akong bata na kapag nagtatampo ay aalukin lang ng kendi at ayos na. Ang pagkakaiba lang ay hindi kendi ang inaalok sa akin ni Loraine kung hindi ang masarap niyang katawan.

Sino pa ba naman ako para tumangi. Isang taon din naman ako nagtiis na hindi siya makita kaya naman simula ng lumipat na siya sa aking kwarto ay gabi gabi na kami kung magtalik.

Huling araw ng prelims namin ay inaya ako ni Vince na sumama sa kanya para magcelebrate. Miyembro si Vince ng basketball varsity team at kaklase ko rin siya sa lahat ng subjects.

Vince: “pre. Tara labas tayo.”

Ako: “Naku pre. Wag na. Wala kasi akong budget eh. Heheheh.”

Vince: “Wag mo na intindihin ang budget pre. Sagot na kita. Ikaw naman ang dahilan kaya papasa ako sa prelims eh. Hahahahaha.”

Natawa na lang ako at wala na akong nagawa kung hindi sumama kay Vince. Nagtxt din naman muna ako kay Loraine na baka gabihin ako. Ayos lang naman ito kay Loraine na abala pa rin sa pag aaral para sa kanyang exam.

Mas nauna kasing nagexam ang engineering kaya naman una kaming natapos. Samantala ay naextend naman ng isang araw ang schedule ng exam ni Loraine dahil na rin sa mas madami siyang kinukuha na subject sa nursing.

Nagulat ako dahil hindi kami sa gimikan pumunta ni Vince. Kung babae lang ako ay malamang na pagiisipan ko na ng masama ang motibo ni Vince. Sa isang exclusive subdivision kasi kami sa makati pumasok

Ako: “San to pre?”

Vince: “ Wag ka mag alala pre. Kilala mo naman si Jun diba?”

Si Jun ay miyembro ng isang kilalang fraternity sa aming paaralan. Bukod sa pagiging fratman ay miyembro din ito ng basketball team kaya kakilala ito ni Vince. Nakilala ko naman si Jun dahil madalas ito magpagawa ng project sakin at matagal na akong kinukulit nito na sumali sa fraternity nila.

Ako: “oo pre. Anu meron sa kanila?”

Vince: “magpapainom un pre. Relax ka lang enjoy dun. Hahaha”

Hindi na ako kumibo dahil wala na rin naman ako magagawa kung hindi sumama. Kung bababa naman kasi ako ay wala naman ako masasakyan dahil exclusive subdivision nga ito at bihira lang ang tricycle dahil puro may sasakyan ang nakatira dito.

Ilang sandali pa ay tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Hindi ko mapigilan ang mapanganga dahil nuong mga panahon na iyon ay sa tv pa lang ako nakakakita ng mansion.

Pagpasok namin ay hindi naman ako masyado nailang dahil konti lang naman pala ang tao at halos kakilala ko ang lahat ng ito. Bukod kay Vince at Jun ay may tatlo pang miyembro ng varsity at dalawang fratman. Sa makatuwid ay walo lang kami.

Nagsetup kami sa loob ng kwarto ni Jun na mas malaki pa ata sa bahay namin. May sariling ref at sala set si Jun sa loob ng kanyang kwarto. Pumaikot kami sa isang maliit na lamesa at nagsimula na kaming uminom.

Jun: “Enjoy ka ba pre?”

Ako: “Oo pre. Enjoy naman. Salamat sa painom. Hahaha”

Jun: “Wala pa yan pre. Mas mag eenjoy ka pag dating ng pulutan natin.”

Nagtaka naman ako kung anu pa ang pulutan na inaantay namin samantala ang dami ng pagkain sa lamesa.

Vince: “Ako na magpapaliwanag para hindi ka na mashock mamaya. May dadating na babae. Hahaha.”

Ako: “Ha?!”

Para akong tanga dahil gulat na gulat ako at nagtawanan lang ang mga kasama ko sa kwarto.

Vince: “Wag ka mag alala. Malamang kakilala at nakikita mo sa school to pre. Di ka magsisisi na sumama ka. Hahahaha.”

Hindi ko napansin na nawala na pala si Jun. Nang bumukas ang pinto ng kwarto ay pumasok na ulit si Jun kasama ang isang babae. Napalunok ako ng makita kung sino ang kasama nito.

 

Leave a Reply