Boarding House – Part 4

0

Part 4 Nabuong mga Haka-haka

“ate, matagal na kayong kasal ni manong Bert?” tanong ko kay manang Monica.

“uhm, almost 7 years na bakit?” sagot niya.

“bakit wala pa kayong anak ate?” patuloy ko. Natahimik si manang Monica sa aking naitanong, tila masakit yata para sa kanya ang usaping iyon.

“wala eh, mahina si manong mo haha!” biglang biro naman niya at muling bumalik ang aura ng kanyang makinis na mukha.

Binitawan ni manang Monica ang hawak niyang lapis at humalukipkip muli matapos humarap sa akin. Tila isang guro na naghihintay ng aking isasagot o maghahatid ng iuutos.

“sige na ituloy mo na Bogart” matapang niyang utos sa akin.

“huh? alin ate?” sagot ko naman.

“yung ginagawa mo kaninang nasilip kita, alam mo na yun” paliwanag pa niya.

Kasabay nito ang pagtayo ni manang Monica sa kanyang kinauupuan niya kanina, buong akala at inaasahan ko ay papanuorin niya akong nagbabate ng harapan. Tila isang “tease” lang yata ang kanyang mga ginawa. Hindi naman ganoon kataas ang aking expectations ng mga sandaling iyon, dahil unang una, landlady ko siya at malayo ang agwat ng aming edad. Natulala ako sa mga narinig ko. Hindi ito panaginip, hindi ito gawa-gawa ng aking imahinasyon. Totoo ito, nasa harap ko ang aming magandang landlady na alam kong tigang o bitin sa dilig mula sa kanyang asawang hindi madalas umuwi. Nang itaas ni manang Monica ang isa niyang kilay ay tila kasabay naman nito ang pagbaba ng aking tuhod at muling paglalaro ng aking kamay sa aking ari sa ilalim ng kumot.

“ate nakakahiya, tama na yung nahuli mo ako pero hindi ko kayang gawin sa harap mo ito” pakiusap ko. “…wag mo nalang sana ipagsabi sa mga ka-boardmate ko ate Nica” hiling ko pa sa kanya.

“pero ayos lang sa’yo na titigan ang suso ko at pwet ko kanina? ganon ba?” masungit niyang sagot.

Napangiti naman ako sa binanggit niya, alam pala niya talaga ang mga ginagawa ko kaninang pagsulyap sa sariwa niyang katawan. Lalong tumigas ang aking alaga at tila bumukol na ito sa aking kumot. Napatingin dito si manang Monica at tila napakagat sa labi niyang mapula.

“sorry ate Nica, nagandahan lang ako sa iyo kaya natitigan kita” palusot kong muli.

“ang libog mong bata ka!” panunukso pa ni ate Nica, may halo itong sungit pero ang alam ko’y parang nagbibiro lang siya.

“ate naman eh…” sagot ko pa.

Hindi na nagsalita ang aking landlady, tumalikod siya at tuluyang lumabas na ng aking silid. Nanghinayang ako sa pangyayari, pero sa isang banda ay parang naibsan din ang aking kaba. Magkahalong libog kasi ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon. Mali siguro ang aking iniisip, hindi siguro ganoon kadaling makamit ang alindog ng aking magandang landlady. Hindi ko na natapos ang aking pagpapaligaya sa aking sarili, nawalan na kasi ito ng tigas ng aking isipin ang mga nangyari. Mas lamang kasi ang kaba ko kesa sa libog kanina. Tiyak na magbabago ang pakikitungo ni manang Monica sa akin dahil sa mga nasilip niya kanina.

“Bogart! kakain na!” isang sigaw ang gumising sa aking paghimbing.

Kasabay nito ang pagbukas ng aking pintuan at pagtapik sa aking hita. Ginising ako ni Erick, dumating na pala sila at nagtatanghalian na sila. Maingay ang lahat, tila masaya sa ginawang paglabas kaninang umaga.

“oh Bogart buti nagising kana? haha! naiwan ka tuloy kanina” biro pa ni Joel.

Dumulog ako sa hapagkainan at inilinga ko ang aking tingin upang hanapin si ate Nica.

“parekoy ok ka lang ba? parang matamlay ka?” tanong sa aking ni Erick.

“ah ok lang pare, nasobrahan yata ako sa tulog e” sagot ko naman.

“nasaan si manang?” tanong ko sa kanila.

“ah naroon sa room niya, may tantrums, maaga na naman sigurong umalis si manong Bert haha!” birong muli ni Joel.

Siguro ay nagpapahinga sa loob si ate Nica, napagod siguro sa pagluluto ng aming tanghalian. Wala namang pagdududa sa aking mga boardmates kung ano ang nangyari kanina sa amin ni manang Monica. Sa kalagitnaan ng aming kainan ay bumukas ang pintuan ni manang Monica. Paglapit nito sa aming lamesa ay piningot niya itong si Joel.

“araaaaayy!” reaksyon ni Joel.

“narinig ko yun ha! ano na naman tsinitsismis mo tungkol sa akin ha?!” masungit na wika ni manang Monica.

“oh diba masungit? alam na!” sulsol naman ni Tony.

“isa ka pa!” wika naman ni manang Monica.

Nagtawanan ang iba pang boardmates ko habang nagkakainan. Muli akong napatitig sa aking landlady, tiniyak kong walang anumang galit sa kanya dahil sa nangyari sa amin kanina, nagtama ang aming mga mata at ngumiti lang siya sa akin. Hindi ko din maiwasang mag-isip ng ibang bagay tungkol kay Joel at Tony, sila ang pinakamatanda dito sa grupo namin. Sila din ang mas madaming nalalaman tungkol sa aming magandang landlady.

“ano Bogart sama ka mamaya, libot tayo sa Session, dami chicks dun!” wika pa ni Joel.

“uhm sige ba” sagot ko naman.

Sa bawat salita ko ay tila napapatingin sa akin si ate Nica habang nakaupo siya sa sala at nanunuod ng TV. Gusto ko sanang magpaiwan na lang upang makasamang muli si manang Monica. Sa mura kong edad ay hindi ko nililimitahan ang maaaring maganap, sigurado akong may puwang na ako sa kalibugan ni manang Monica dahil unti-unti nang naging open kami sa isa’t isa.

“oh Bogart, ikaw pala ang naka-schedule na taga hugas” wika ni Tony.

“ah no problem” sagot ko naman.

Nagtungo sa sala ang iba at sa kwarto naman nila ang iba. Nagligpit ako ng aming pinagkainan, dinala sa lababo upang hugasan. Mga ilang saglit ay isang mabangong halimuyak ang aking naamoy, amoy bagong paligo. Si manang Monica ang lumapit upang ilipat sa lalagyan ang natirang ulam sa kaldero. Nang magdikit ang aming mga braso dahil sa maliit lang naman ang lugar ng kusina ay muli kaming nagkatitigan.

“oh marunong ka bang maghugas?” pabiro niyang tanong.

“baka magkalyo yang kamay mo? hihi!” mahinang dugtong pa niya.

Dito ay sigurado akong nasa isip pa rin niya ang nangyari kanina. Tinulungan ako ni ate Nica na ilagay sa lalagyan ang mga nahugasan ko nang mga plato at baso. Sa pagkakataong ito ay nasilayan ko na ang mga makinis na braso ni manang Monica. Tanghali na kasi kaya’t naka t-shirt na lang siya ng suot. Maputi ang kutis sa braso ni ate Nica, pilit ko pang sinisilip ang kanyang kili-kili kapag inaabot niya ang plato sa mataas na bahagi ng lalagyan nito.

“ang bait naman ni manang sungit oh!” panunukso ni Joel nang makita niya kami sa kusina mula sa sala.

“agtalna ka man!” (tumigil ka nga dyan) wika ni ate Nica.

“ubing pay adyay, hahaha!” (bata pa yan, hahaha!) sagot naman ni Joel.

Hindi ko man naintindihan noon ang mga sinasabi nila (hindi pa ako nakakaintindi ng Ilokano noon) ay tila alam kong inaasar nila si manang Monica dahil siguro sa pagtulong niya sa akin.

“sige na Bogart, ako na tatapos dito” bulong sa akin ni ate Nica.

Sa muli niyang pagbulong ay naamoy ko ang mabangong hininga ni manang Monica. Nagsilbi itong gasolina upang gamitin ko sa isa na namang arangkada sa aking pagligo noong hapong iyon bago kami maglibot ng aking mga ka-boardmates. Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay muli kong pinagnasahan ang maganda naming landlady. Hindi siya kagandahan, hindi siya yung “nakaw-pansin” kapag nakita mo sa labas ng bahay. Subalit kapag siya ay iyong tinitigan, may kakaibang dating si manang Monica para sa akin. Lalo pa’t tuwing magkakatinginan kami ay lagi siyang ngumingiti, kasabay pa nito ang aking iisipin na alam niya at nahuli niya akong nagsasalsal.

“alis na po muna kami manang…” paalam ko kay manang Monica.

“sige wag kayo magpapagabi ha…” malambing na tinig ni manang.

Feeling ko ay kakaiba ang turing sa akin ng aming landlady. Dalawa kaming bagong boarders, ako at si Erick, ngunit ako yata ang favorite ni manang. Umpisa pa lang nang school year, nagsisimula pa lamang ako sa bagong yugto ng aking buhay, madami pang pwedeng mangyari.

Nilisan namin ang aming boarding house at nagtungo sa sakayan ng jeep upang tumungo sa tanyag na kalye dito sa lungsod ng Baguio. Sa aming paglalakbay ay narinig kong seryosong nag-uusap ang dalawang barako, sina Joel at Tony. Hindi ko maintindihan ang kanilang usapan dahil sa Ilokano ang kanilang salita. Pero kahit paano’y may ilang tagalog na salitang nahahalo gaya ng “tigang” at ang pangalan ni manang Monica. Samakatuwid ay si manang nga ang kanilang paksa at tila may plano silang dalawa. Isinantabi ko ang mga iyon at itinuon ko nalang ang aking atensyon sa mga babaeng dumaraan sa aming paglalakad sa kahabaan ng Session road.

itutuloy