Boarding House – Part 25

0

Part 25 Summer Time

Simula nang makilala ko si Estong ay nadagdagan pa ng kulay ang aking buhay sa lungsod ng Baguio. Itinuring ko siyang aking guro, mapa-eskwelahan (ahead siya sa akin ng isang taon sa parehong kurso), o mapa-babae pa. Hindi sana ako mag e-enrol ng summer class ngunit pinili ko na din na magpalista upang kuhanin ang ilang minor subjects. Maganda ito sa palagay ko dahil mababawasan ang load kong subjects pagdating ng susunod na regular semester. Naging maayos din naman ang takbo ng aking buhay bago pa matapos ang pangalawang sem. Ilang beses ding naulit ang kantutan namin ni manang Monica, hirap man kaming isakatuparan ay nagagawa pa din naman namin ang pagsasalo ng mga maiinit na sandali. Si Anne naman na FUBU ni pareng Estong ay ilang beses ding nagpagamit sa akin, mas malibog daw kasi ako kay Estong kaya’t siya ay nahumaling. Ang aming threesome noon ay isang beses pang naulit pero hanggang dun na lang dahil kahit ako’y naaasiwa kapag may ibang titing nakikita habang katalik ang dalaga.

Muli namang nag-krus ang landas namin ni Jona, kahit halos buong semester ko siyang iniwasan upang mapalayo sa gulo ay hindi talaga nakasulat sa aking libro ng buhay na kami ay tuluyang magkahiwalay. Sa Enrolment room namin ay hindi ko sinasadyang makatabi sa pila ang dalaga, hindi ko naman din kasi siya nakilala dahil sa bagong gupit pa ang dalaga.

“ay sorry…” wika ko ng bahagya kong maidikit ang aking katawan sa kanyang likuran dahil sa tulakan ng ibang nakapila.

“ah ok lang…” sagot niya na may mahinang boses.

Nagkatitigan, subalit bigla akong umiwas ng tingin dahil sa pangyayari. Hindi sa natatakot akong muling mabugbog, ayoko lang talaga ng gulo at isa pa, parang hindi “worth it” na masira ang mukha ko dahil lang sa isang babae na kaya ko namang palitan kung aking nanaisin.

“hi Bogs…kumusta kana?” malumanay na tanong ni Jona.

Nabigla ako, akala ko ay hindi siya ang nagsalita. Siguro ay sapat na ang ilang buwan upang palipasin namin ang nakaraan. Naisip kong parte pa din ng aking buhay si Jona, siya ang unang babae kong nakilala dito sa Baguio. Malugod akong sumagot at may kaunting hiya pa.

“ah ok lang Jona, ikaw?” sagot ko sa kanya.

“eto…ayos lang din..Bogs..ok lang ba Bogs nalang tawag ko sayo? hihi” biro pa niya.

Sa tingin ko’y bumalik na ang dating Jona na aking nakilala, hindi talaga nakatadhanang limutin namin ang isa’t isa. Ikinumpara namin ang aming form kung may subject kaming magkasama, may ilan naman ngunit hindi na iyon big deal para sa akin dahil sa kung tutuusin ay ako‎’y naka move-on na para sa kanya.

“Bogs, miryenda tayo after? treat ko, i know malaki ang kasalanan ko sa iyo…so I insist” wika niya nang kami ay malapit nang matapos sa page-enrol.

Hindi na ako nakatanggi, tinanong ko pa siya na baka makita na naman kami noong BF niya e wag daw akong mag-alala, hiwalay na daw sila. Dalawang bagay ang biglang pumasok sa aking isipan nang aking marinig na single na siya. Una, maganda ito dahil “pagkakataon” ko na ito para ligawan siya. Pangalawa, ang masama dito ay parang magiging “rebound” lang ako dahil nga sa kakahiwalay lang daw nila ng BF niya. Tumuloy kami sa canteen at kumain ng miryenda, dito ay humingi na ng tawad ang dalaga. Hindi naman daw niya kasi akalaing ganun ang magiging reaksyon ng ex niya. Tinanggap    ko naman ang kanyang mga paliwanag at nagkaunawaan naman na kami. Pipilitin naming ibalik sa dati ang aming pagkakaibigan.

“pero bakit sabi mo noon kapatid mo yung sumusundo sa iyo?” tanong ko naman sa kanya.

“uhm, sorry Bogs, uhm…nakakahiya eh…kasi ganito…ayokong malaman mo na may BF ako” sagot niya at nagsimulang mamula ang mga pisngi ni Jona.

Kumunot ang aking noo, nagtaka at pilit kong inintindi ang nais niyang iparating sa akin.

“e bakit naman? bakit ayaw mong malaman kong may BF ka?” tanong ko ulit.

“…kasi..uhm, ano ba ito..hindi mo kasi ma-gets kaagad…bakit ako sasama sa iyo at matutulog sa kama mo mismo?” sagot niya.

Nagsimulang manumbalik sa aking isipan ang aming nakaraan. Ang nakaraan kung saan aking unang nasilayan ang kanyang makinis na pwet na may suot na manipis na panty na may lace. Ang nakaraan na kung saan aking unang nahagkan ang malambot at matamis niyang mga labi. Natulala ako gaya ng dati, likas akong torpe pagdating sa babae.

“huy! ok ka lang?!” gulat sa akin ng dalaga.

“e sabi mo kasi pagod ka saka lasing kaya pinatulog kita dun…” sagot ko naman.

“ay shunga…ano ka ba Bogart hindi mo pa din ma-gets?” pabiro pa niyang sabi.

Wala talaga ako sa aking sarili nang mga sandaling iyon. Hindi ko alam at hindi ko talaga maintindihan ang nais niyang ipahiwatig. Tumayo si Jona, niyaya akong umuwi na at sumunod naman ako.

“Bogart tambay muna tayo sa inyo ok lang?” tanong niya habang naglalakad kami palabas ng gate ng aming paaralan.

“ah eh, Jona sorry pero parang di maganda idea yan. Remember, yung nangyari? galit kasi sa iyo si manang dahil sa nangyari sa akin at ikaw ang sinisisi niya dun” paliwanag ko pa.

Nalungkot si Jona sa aking ibinalita, kita ko sa kanyang mga mata ang nais talagang ako ay makasama. Dahil sa kagustuhan ko din na muli siyang makapiling ay ako na din mismo ang gumawa ng paraan.

“gusto mo libot muna tayo?” suhestyon ko.

“gusto ko na sanang magpahinga e…” sagot naman niya.

Sa kanyang pananalita ay tila gusto niyang maulit ang nangyari noong nakaraang enrolment namin, ang matulog sa aking kama. Gustuhin ko man ay hindi na siguro maaari dahil tiyak na magagalit si manang Monica na siyang nagpapaligaya sa akin.

“…uuwi nalang ako Bogs…pwede mo ba akong ihatid ulit?” wika niya na may paglalambing.

Pumayag naman ako bilang isang maginoo at kaibigan. Hindi na alintana sa akin kung may makakita man muli sa amin na magkasama na parang magsyota. Malakas na din kasi ang loob ko dahil sa kaibigan kong si pareng Estong. Lumabas kami ng aming paaralan at pumara ng taxi na aming sasakyan patungo sa kanilang bahay. Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan, parang nagkakahiyaan pa kasi dahil sa aming mapangit na nakaraan. Humilig sa aking balikat ang dalaga, at muling nagsalita.

“Bogs sorry talaga ha?” wika niya.

Hinimas ko ang pisngi niyang malambot bilang tugon sa kanyang panaghoy. Matapos nito ay inilapat niya ang kanyang isang kamay sa aking hita. Nasa stage pa din ako ng pagkabigla, hindi ko inaasahan kasing magkaka-ayos pa kaming muli ni Jona. Sumakay lang ako sa kanyang trip ngayon at malakas ang kutob kong may mapapala na ako ngayon sa kanya.

“manong magkano po?” tanong niya.

Nagbayad si Jona at ako din ay pinababa. Nagtaka ako, dati kasi ay kokontratahin na niya ang taxi upang aking sakyan pabalik ng gitna ng syudad dahil madalang ang pumapasok na taxi sa kanilang lugar. Sumunod pa rin ako, sunod-sunuran sa mga utos at hiling ng magandang dalaga.

“paano ako uuwi nyan? pinaalis mo yung taxi…” may halong kaba kong wika.

“don’t worry Bogs, ako ang bahala. pasok ka muna sa bahay namin Bogs” wika niyang muli.

Hindi naman kalakihan ang bahay nila Jona pero ang mapabilang ito sa lugar kung saan alam kong mahal ang presyo ng lupa ay hindi ito biro. Tumuloy kami sa loob at sa tingin ko’y walang tao. Sari-sari ang aking nasa isipan, hindi ko alam kung ako’y magtitiwalang muli sa kanya. Kakaiba kasi ang convincing power ni Jona, samahan mo pa ito ng kanyang bagong itsura. Maiksing buhok na hanggang ilalim lang ng tenga, at dahil dito ay kitang kita ko ang kaputian ng paligid ng kanyang leeg.

“Jona, honestly, bakit mo sinabing kapatid mo yung BF mo dati?” muli kong tanong sa kanya.

“hay naku, ang bagal mo talaga Bogart! …upo ka muna dyan.” wika niya.

Naupo ako at nagtungo siya sa kusina, tinawag ang yaya (oo may yaya sila, mayaman nga yata). Pagbalik ay dala nito ang isang baso ng juice at tumabi sa aking kinauupuan. Tumitig sa akin si Jona na may halong tuwa sa kanyang mga mata, hinintay ko ang kanyang sagot at ito naman ay aking ikinaligaya.

“diba sabi ko nga ayokong malaman mo na may BF ako that time? actually nagkakalabuan na talaga kami nun. Bogs…ewan ko ba..ang manhid mo kasi! hihi! Nagtabi na nga tayo pagtulog, ang bagal mo pa!” paliwanag ni Jona.

“…bakit nga??” sagot ko.

Muling namula ang pisngi ng dalaga. Maliit na ngiti at pumungay ang kanyang mga mata.

“…kasi nga gusto kita!” pagalit pa niyang wika.

Nabigla ako, nagliwanag ang aking paningin, tila nabura ang ibang bagay na nasa aming paligid at ang tanging natira ay ang kanyang maamong mukha. Totoo ba ito? totoo ba ang aking narinig? Natauhan na lang ako nang maramdaman ko ang malambot na palad ni Jona sa aking pisngi dahil sa mahinang sampal na kanyang ginawa.

“huy!” wika niya.

“baka naman lie na naman yan ha?” paniniguro ko pa.

“no Bogart, i really like you…” kasabay nito ang paglapit ng kanyang bibig sa aking mukha at naglapat ang aming mga labi.

Marahang halikan, halikang may kahulugan, may nilalaman. Siguro dahil sa pagtingin at pagnanasa ay mas masarap ang aming halikan. Nagtagal ng ilang saglit ang aming palitan ng laway. Hinaplos ko ang kanyang likuran na kanya namang tinugunan ng mahinang ungol. Nagbago ang sitwasyon ng aking igala ang aking isang kamay at dumako ito sa kanyang mga malusog na suso. Bahagya kong nadama ang malambot na suso ni Jona ng bigla niyang palisin at kumalas sa aming halikan.

“hoy! ang bilis mo ha! sabi ko lang na gusto kita e kung makahawak ka…” wika niya na alam kong galit dahil sa tono ng boses ng dalaga.

“…sorry…gusto din naman kita Jona, alam mo yan noong una palang kita nakita” paglalambing ko naman.

“weh…bolero! e bakit may hawak kaagad?” tanong pa niya.

Dahil na din siguro sa “training” ko kay pareng Estong ay natuto akong lumagpas na kaagad sa unang stage para makuha ang isang babae. Kung baga e direct to the point na at wala nang paligoy-ligoy pa. Sinubukan kong i-apply ang aking mga natutunan sa aking kaibigan. Iginalaw kong muli ang aking kamay, muli kong inilapat sa kanyang isang suso at this time ay nabigla na siya.

“diba tayo na?” tanong ko sa kanya. parang nahihiya ay tumango din siya upang sumang-ayon. “sorry nadala lang ako Jona…hawak lang naman e, bawal ba?” patuloy ko pa.

Tuluyan kong nilamas ang suso ni Jona, nagpaubaya na siya at muli kaming naghalikan. Naging mas intense ang aming laplapan, patuloy kong dinama ang kalambutan ng kanyang suso na nagbigay libog sa dalaga. Halos mapahiga si Jona sa kanilang sofa dahil sa aming pagyayakapan. Natigil lamang ang aming ginagawa nang biglang umiksena ang kanilang yaya. Biglang napaigkas ang isa’t isa, nagulat din si Jona at sinabihan ang yaya niya na iwan muna kami at mamaya na siya kausapin. Nagkatinginan kami ni Jona, nagngitian. Hinawakan ko ang kanyang isang kamay at nangako ng ilang mga bagay.

“Jona, salamat, napansin mo din ang pagtingin ko sa iyo. Sana wag mong isipin na ito lang ang habol ko sa iyo. (sabay turo ko sa suso niya) Gagampanan ko ang lahat ng dapat bilang BF mo. Gusto kita dahil sa kagandahan ng loob mo, sa kabaitan mo sa akin dati pa, pero siyempre dahil maganda ka din at type kita” wika ko sa kanya.

Muling namula ang kanyang maputing pisngi. Niyaya niya ako sa kanyang silid at daglian naman akong tumayo at sumunod sa aking nobya. Gaya nga ng sabi niya, mas maayos pa daw ang aking silid kesa sa kanya, tama nga. Hindi naman ito parang gubat, ngunit pansin na may mga nakakalat na mga gamit sa iskwela, at maging mga ilang bra na gamit na. Umupo sa kama niya ang dalaga, pinatabi ako dito at muli akong niyakap.

“I love you Bogs…” bulong niya sa akin.

Muli kaming naghalikan, kasunod nito ang pagtigas ng aking titi. Sa aking paghagod muli sa kanyang likuran ay nagpabuwal siya mula sa pagkakaupo upang tuluyan kaming mahiga sa kanyang kama. Hindi naman ako napatong sa kanyang katawan, may kaunti pa akong hiya noon sa bago kong kasintahan. Nabigla ako nang siya na mismo ang naglapat ng aking kamay sa kanyang mga suso. Sa pangalawang pagkakataon ay ipinalamas niyang muli ang kanyang mga suso. Kahit na may    saplot pa kami ay dama ko ang kalambutan ng kanyang hinaharap. Mga munting ungol ng dalaga ang bumalot sa apat na sulok ng kanyang silid.

Hindi ko namalayan ang oras, halos ilang minuto kaming nagpalitan ng aming laway. Tanging mga ngiti at yakap ang namagitan sa amin kapag kami ay humahabol ng hininga at tumitigil sa halikan.

“paano ko uuwi Jona? gabi na…” paalala ko pa.

“dito kana matulog…tabi tayo mahal ko…” paglalambing pa niya.

Sinabi niyang wala daw ang parents niya dahil nasa Maynila. Dahil dito ay muling pinasok ng libog ang aking lupang katawan, tiyak na ako’y mapapalaban pagsapit ng kinagabihan. Pinahiram ako ng shorts ni Jona, sa tatay niya daw iyon at akin itong isinuot upang maging kumportable daw ang aming pagtulog. Dahil sa bago pa lang kaming magsyota, naroon pa sa akin ang hiya at ganun din naman siya. Parang bago    pa lang kaming magkakilala. Mas maluwag ang kanyang kama kesa sa akin sa aming boarding house, kaya’t may sapat na espasyo para sa aming dalawa. Pero dahil sa magkarelasyon na nga kami ay sa isang bahagi lang kami nagyakap. “mahal ko matutulog na ba tayo?” tanong ng dalaga.

itutuloy