Ang Boarder – Part 5

Nang makakain sila ay nag-offer si Fiona na ito na ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila. Koboy raw ito, huwag siyang mag-alala. Kahit anong pilit niya na siya na lang ay hindi ito pumayag. Masarap na nga raw ang kaldereta tapos siya pa ang maghuhugas ng mga pinagkainan, masyado raw namang unfair.
Pumasok na lang siya sa kanyang room at binuksan ang kanyang iMac. Tiningnan niya ang mga updates sa kanilang trabaho. May website sila kung saan makikita niya ang progress ng kanilang team. May group chat din sila sa FB. So far ay walang messages. Nakahinga si Jason nang maluwag. Tinatamad kasi siyang mag-isip.
Magaan na ang kanyang trabaho ngayon. Pwedeng online niya tingnan ang kanilang mga activities, pero pag crucial ay kailangan ang presence niya sa office. Pero kahit ganoon ang setup, araw-araw ay nagda-drop by rin siya sa kanilang opisina para personal na ma-check ang kanilang mga job orders. Lately lang hindi dahil nga naglipat siya ng tirahan.
Bukas ang kanyang pinto at maya-maya’y pumasok si Fiona dala ang mga pinaglagyan niya ng pagkain.
KUMATOK sa kuwarto ni Jason si Fiona at nang mapagbuksan niya ay dala-dala nito ang mga pinaglagyan niya ng mga pagkain. Tumayo siya at sinalubong ito.
“Nag-abala ka pa,” aniya rito at inabot ang mga dala. Ipinatong niya iyon sa isang mesa.
“Ang dami mong gadgets,” komento nito.
“Mag-net ka muna,” alok niya rito. Itinuro niya ang isang mini table kung saan nakapatong ang kanyang di na nagagamit na netbook. “Hayan, libre ang isang ‘yan.”
Medyo nag-alanganin ang dalaga. Kapagkuwa’y nagkibit-balikat. “Sige na nga. Nakakabato, eh. Walang bayad, ha?” biro nito sa kanya.
“Bottomless,” sagot naman niya.
Binuksan niya ang netbook at ipinaghila ng dala niyang mini chair si Fiona. Pinuna nito ang mga gamit niya. “Puro foldable, ah,” tumawa ito. “Siguro palipat-lipat ka ng tirahan.”
“Hindi naman. Mas mura kasi pag ganyan, saka pag hindi na ginagamit ay madaling itago.”
Nang mag-open na ang netbook ay hinayaan na niya itong mag-browse. Siya naman ay nagbalik sa kanilang website at tinutukan ang ilang issues na nangangailangan ng kanyang atensyon.
May mga kasama rin siyang tinawagan niya sa cellphone. Ang iba sa mga ito ay nasa bakasyon, pero basta siya ang tumawag ay kailangan muna siyang kausapin lalo na pag may hindi masyadong malinaw na bagay sa kanilang website, o kung may na-miss siyang development.
“Big time ka pala. Bossing!” reaksyon ni Fiona.
“Hindi naman,” lumingon siya rito.
Para lang matigilan.
Nakataas ang mga kamay ni Fiona sa ibabaw ng table kung saan nakalagay ang netbook. Malaki ang uka ng suot nitong volleyball uniform sa may bandang kili-kili, at sa siwang na likha niyon ay kitang-kita niya ang suso nito.
Tayung-tayo!
At napakaganda ng korte. Walang sinabi ang mga silicon gel ni Dra. Vicki Belo. Mahahalatang buung-buo pa at wala pang nakakahawak. Matitigas pa. Maging ang nipple nito ay maliit din na kulay pink.
Ramdam ni Jason na pinagpawisan siya nang malagkit. Napahinga siya nang malalim. Iba talaga pag bata pa, sariwang-sariwa ang mga materyales.
Binawi na niya ang tingin at baka makahalata pa ito na nakikitaan niya. Pero maya’t maya ay sumusulyap siya nang padisimulado. Sa ganda ng boobs ni Fiona, naisip niyang napakasuwerte naman ng unang makakahawak doon.
Nanuyo ang kanyang lalamunan. Pumikit siya at pilit inalis ang kapilyuhan sa kanyang isip.
“Tapos na ako,” makalipas ang ilang sandali ay bulalas ni Fiona. “Nag-check lang naman ako ng FB.”
Tumunog ang cellphone nito. Sa takbo ng pag-uusap nito at ng nasa kabilang linya ay nahulaan niyang si Dada ang kausap nito. Nag-explain ito kung bakit nagsinungaling sa ina. Saglit pa, natapos ang pag-uusap ng dalawa.
“Mas gusto naman niyang di ako kasama,” anitong nag-make face. “Makakarampa siya roon nang walang iintindihin.”
Hindi siya nag-react.
Nanunuyo pa rin ang lalamunan niya. Hanggang sa may naisip siya. “Gusto mong mag-ice cream?”
“Pwede,” sagot nito. “Kaya lang, saan tayo bibili?”
“Check natin kung bukas ‘yung convenience store.” Ini-off muna niya ang mga computers. “Mag-motor tayo papunta roon.”
“Sige,” umakmang lalabas ng room niya si Fiona. “Magbibihis lang ako.”
Paglabas niya sa salas, hindi naman talaga nagbihis si Fiona. Naglagay lang ito ng hapit na T-shirt na puti at saka ipinatong doon ang volleyball uniform. That way, hindi nga naman masisilip ang suso nito. Naisip niya, pag nasa bahay siguro ito ay hindi talaga nagba-bra.
Saglit pa, magkaangkas na sila sa motorsiklo. Natuklasan niyang wala nga itong bra dahil pag napapadiin ang preno niya at bumubundol ang dibdib nito sa likod niya, ramdam niya ang matitigas pa nitong boobs. Iba talaga pag hindi pa laspag, ramdam na ramdam.
Bukas naman ang convenience store. Nagpa-park pa lang sila ay natanaw na agad niya si Cass, ang kahawig ni Maja Salvador. Tinging-tingin ito sa kanila ni Fiona habang papasok sila.
Nginitian niya ito. Matipid ang naging ganting ngiti nito na mahahalatang na kay Fiona ang atensyon.
Nagpunta sila ni Fiona sa section ng mga ice cream. Pinapili niya ito. Naghanap muna siya ng mga pwedeng i-microwave lang na pagkain. Hindi siya marunong magsaing, pag nagutom siya’y kailangang may madalian siyang maisusubo. Mabilis siyang magka-migraine pag umatake ang gutom at natagalan bago malamanan ang tiyan.
“Kumusta?”
Napalingon siya sa nagsalita. Si Cass, the cashier. Medyo nakasimangot ito. Nakaangat ang kilay.
“Okey naman,” aniya at nagtuloy sa pagpili ng bibilhin. “Hindi ka nagbakasyon?”
“Kailangang kumayod, e,” nakitulong ito sa kanya sa paghahanap ng items.
Parang may dumaang anghel. Pansamantala silang di nagpalitan ng salita. Maya-maya’y nagtanong si Cass. “Girlfriend mo ba ‘yung kasama mo?”
“Hindi. Ang bata pa no’n. Anak ‘yun ng landlady ko.”
Nawala ang pagsimangot ni Cass. Nang maramdamang tapos na siyang pumili ay kumuha ito ng basket at inilagay roon ang mga goods. Ito na ang nagbuhat papunta sa cashier.
Naghihintay na roon si Fiona. As expected, chocolate flavor ang kinuha nitong ice cream.
Nagbayad siya. Sinuklian siya ni Cass. Nang bubuhatin na niya ang mga pinamili, pinigil siya nito. May isinulat sa resibo.
“Number ko,” bulong nito sa kanya. “Text mo ako, ha?”
Ngumiti siya. “Sure…”
Habol sila ng tingin nito nang papaalis na sila ni Fiona.
PAGKARATING sa bahay ay nilantakan agad nina Jason at Fiona ang mga binili nilang ice cream. Hindi talagang mahilig sa sorbetes ang binata, pero dahil pumapalo sa 38 degrees Celsius ang temperatura dahil tag-araw, considering na malamig sa  Compound dahil sa mga punongkahoy, marami rin siyang nakain. Nang makainom ng malamig na tubig ay nakaramdam siya ng ginhawa.
Nasa dining table sila ni Fiona noon. Nahalata niyang dahil bata pa ito ay malakas sa ice cream.
“Kilala mo pala ‘yung cashier sa convenience store,” maya-maya’y basag nito. Tumingin sa kanya.
“Bagong kakilala,” paglilinaw niya.
“Mukhang crush ka niya.”
Hindi siya sumagot.
“Namumula ka!” biro nito sa kanya. “Crush mo rin siya, ano?”
Tumawa siya. “She’s pretty,” aniya at kumuha muli ng ice cream.
“At sixy,” susog ni Fiona. “Medyo maliit nga lang.”
Observant pala ito, naisip ni Jason. Gusto sana niyang sabihin dito na mas maganda ito at seksi pero baka mailang sa kanya. Sayang ang boobs nito na kanina pa niya nasa-sight.
Pagkarating kasi nila sa bahay ay tinanggal nito ang panloob na T-shirt at ang volleyball uniform na uli ang nakasuot. Sa mga unguarded moments nito, lalo na pag dudukwang ay kitang-kita niya ang malulusog nitong dibdib at mapupulang nipples. Sabi nga niya sa sarili, sa sobrang sariwa at tayung-tayo at pristine  na estado ng boobs nito, kahit boso lang—huwag nang mahawakan—ay ulam na!
“May girlfriend ka ba ngayon?” usisa nito.
“Kabi-break lang namin,” matapat niyang sabi.
Nagulat ito. “Ay, bakit naman?”
Nagkibit-balikat siya. “It happens…”
“Bakit nga?” pangungulit nito.
Lumikha siya ng fiction just to satiate her curiosity. “Kinulang kami ng quality time sa isa’t isa, parehong busy. Nagkaroon ng gap. ‘Yun…”
“Maganda ba siya?”
“Kung napanood mo ‘yung Meteor Garden noong bata ka pa, kamukha siya ni San Chai.”
Nanlaki ang mga mata ni Fiona. “Whoah! Ganda, ha? Sayang pinakawalan mo pa.”
Naglagay ito ng sorbetes sa binili nilang apa. Pagkuwa’y hinimod iyon.
Napalunok siya habang pinapanood sa ginagawa si Fiona. Na-imagine niya kung ang dyunyor niya ang dinidilaan nito. Ang liit pa naman at ang tulis ng dila ng dalaga.
“May nililigawan ka ngayon?” tanong naman nito sa kanya.
“Wala pa. Still mending a broken heart.”
“Drama nito!” nag-make face ang dalaga. “Ano ba ang type mo sa babae maliban sa kamukha ni San Chai. ‘Yung ibang peg.”
Bibiruin sana niya ito na gusto niya’y athletic. Matangkad. Mestisa. sixy. Mahahaba ang legs. Medyo boyish pero cute. Pero pinigil niya muling magbigay ng motibo rito. Bubot pa si Fiona. Ang kailangan dito’y dahan-dahang approach.
“Basta naramdaman ko sa puso ko na mahal ko siya, wala na akong mga batayan na susundin. Usually kasi sa pag-ibig, puso naman ang nasusunod at hindi isip. Teka lang,” kapagkuwa’y kambyo niya, “usapang slum book na ito, hindi na yata bagay sa age ko.”
Tumawa si Fiona. “Hayaan mo na ang pangungulit ko. Ikaw lang kasi ang walang sayad sa bahay na ito.”
May naalala siya. “‘Yung isa pa ninyong boarder hindi ko pa yata nakikita…”
“Ah, si Kristal? Bihira talagang umuwi ‘yun. Isa pa ‘yung luka-luka. Pero ang ganda, ha? Kamukha ni Denise Laurel.”
“Estudyante?”
“Ewan ko. Mahiwaga ‘yun, eh. Di bale, isang araw ay uuwi rin ‘yun.”
Tumangu-tango siya. Saka nagtanong. “May boyfriend ka na ba?”
“Slum book, ha?” ngumiti ito. “Wala rin. Last ako nagkaboylet fourth year high school. Hindi ako ligawin, eh. Madalas akong mapagkamalang tomboy.”
“Hindi, ah,” maagap niyang reaksyon. “Girl na girl ka nga, eh. Nakakatuwa nga kasi athlete ka. Masarap sa mata ang babaing athlete.”
Kumunot ang noo nito. “Bakit masarap sa mata?”
“Kasi bihira ‘yung maganda na, athlete pa. Remember Leila Barros, ‘yung Brazilian volleybelle. Ang ganda-ganda noon.”
“Yeah, nababanggit siya ng coach namin. Saw her clips sa YouTube. Mahusay.”
“Sana mapanood kita minsan.”
Kumislap ang mga mata ni Fiona. “Sige, pag may praktis ang team sama ka. Oy, ang gaganda at ang tatangkad ng team mates ko baka may maligawan ka sa kanila.”
Isip niya ang sumagot dito. Sa ‘yo pa lang, solved na ako.
Matapos ang kanilang ice cream tsika ay pumasok na siya sa kanyang room para magpahinga. Matutulog naman daw si Fiona. Nakahiga siya ay kung anu-ano ang kanyang naiisip. Nakapa niya ang resibong pinagsulatan ni Cass ng number nito. Inilagay niya iyon sa phone contacts niya. One day, ite-text niya ito.
Ewan kung dahil sa sobrang sugar na nakain niya kaya hindi siya dalawin ng antok. Bumangon siya at nagbukas ng computer, nag-log on sa Facebook.
May bago siyang message.
Sabik niyang binuksan iyon. Baka si Hazel.
Pero hindi. Ang naroon ay mensahe talaga. “Jason, kumusta?”
Ang nagpadala ng mensahe ay may pangalang “Lowres Pics”. Natawa siya nang konti sa alias nito. Artist ba ito o ano? Gayunpaman ay nag-reply siya. Baka si Hazel at nagbabalatkayo lang. “Sino ‘to?”
Hindi kasama sa listahan ng mga kaibigan niya ang message sender. Hinintay niyang sumagot ito at baka online. Maya-maya, nag-reply nga. “Natatandaan mo pa ba ang mga niyog na itinanim mo?”
Parang may mga dagang naghabulan sa kanyang dibdib. Hindi niya akalain ito. Nagmamadali siya sa pagta-type ng reply. “Ma’am Sef, kayo ba ‘yan?”
Smiley muna ang dumating na reply. Kasunod ang kumpirmasyon. “Yes. How are you? Tagal kitang hinanap!”
NA-EXCITE si Jason nang malaman na si Ma’am Sef ang nag-message sa kanya sa Facebook. Nangungumusta ito sa kanya.
“Okey naman,” reply niya sa message nito. “Saan na kayo?”
Sef: “Manila ako. Puwede ko bang makuha ang number mo?”
Ini-encode niya sa message reply niya ang kanyang number. Nagpasalamat ito. Itinanong din niya ang number nito. Reply ng babae: “Huwag na. Ako ang tatawag sa ‘yo.”
Iyon lang at nagpaalam na ito sa kanya.
Napangiti si Jason. Ini-off niya ang kanyang iMac at masayang nahiga sa kanyang kama. Iniisip niya ang isa pang babaing nagkaroon ng kaugnayan sa kanya sa nakalipas.
Si Ma’am Sef…
**
SI Ma’am Sef ay isang batambatang substitute teacher na dumating sa kanilang high school ilang buwan bago ang kanilang graduation. Nagpakasal kasi ang kanilang art teacher at isang buwan na nagbakasyon kaya kinailangang may humalili rito.
Kaga-graduate lang ni Ma’am Sef noon. Twenty-four years old, at maagang nagkaasawa ng isang British national. Ang balita, dahil foreigner ang asawa nito, sooner ay susunod na ito sa mister na isang chef sa malaking hotel sa Dubai. Habang naririto pa sa Pilipinas ay naglilibang muna ito sa pagiging substitute teacher.
Ang tingin niya kay Ma’am Sef noon ay ordinary lang. Hindi katangkaran na maputi. Slim. Nakasalamin at laging nakatali ang buhok. Maganda ang mukha at matangos ang ilong. Geeky. Pero nakapahusay sa art.
Magaling itong magdrowing. Unang salang nito sa kanilang klase ay sobrang ingay nila dahil magga-graduation na rin naman at di na nila halos siniseryoso ang mga lessons. Nagdrowing ito sa blackboard gamit ang chalk ng Spider-Man. Pagkatapos ay binura. Nagdrowing din ng Manga characters na nagbabakbakan. Tom and Jerry. SpongeBob at kung anu-ano pa.
Natahimik sila. Biglang nagkaroon ng interes sa geek nilang substitute teacher.
At mula noon, lahat sila ay nagkainteres na sa pagdodrowing. Excited sila basta oras na ni Ma’am Sef. Nagkahilig din siya sa arts sa impluwensya ng mahusay magturo na titser.
Isang linggo na lang noon at matatapos na ang tour of duty sa kanila ni Ma’am Sef. September ang tunay nitong pangalan—na para sa kanya ay cute and interesting.
Gumawa sila ng plate (project sa drowing) na sa illustration board ginawa, at self-portrait. Mahusay siya sa mga landscapes at cartoon characters, pero sa portrait ay hindi. Nahirapan siya kaya siya ang huling nagpasa rito. Pinuntahan pa niya ito sa faculty room nang uwian na para lang ihabol ang kanyang plate.
“Ma’am, sorry po,” paumanhin niya rito. “Sana tanggapin n’yo pa.”
Tumingin ito sa kanyang plate. Tumawa ito. “Ikaw ba ‘yan o si Luis Manzano?” tanong nito sa kanya. “Mukhang iba ang kinopya mo at hindi ang picture mo.”
Natawa rin siya. Pareho kasi sila ni Luis na makapal ang kilay.
“Sana, Ma’am, di pa late, ha?”
“Hindi pa naman. Pero may big, big favor sana akong hihingin sa ‘yo,” anito.
“Ano po ‘yun, Ma’am?”
“Mayroon ba kayong binhi ng niyog? Gusto ko sanang magtanim sa mga sulok ng aming bakuran. Masuwerte raw pag bawat kanto ng bakuran ay may nakatanim na niyog.”
“Marami, Ma’am,” sagot niya. “Kung gusto ninyo magdadala ako bukas.”
“Siguro sa weekend na lang. Pero ang pinakamalaking favor, puwede bang ikaw na rin ang magtanim?”
“Sige, Ma’am. Saan po ba ang bahay n’yo?”
“Susunduin na lang kita rito sa may gate sa Sabado, mga nine in the morning kung okey sa ‘yo.”
Nagkasundo sila.
Marami silang puno ng niyog sa kanilang bakuran at sa lupang nabili nila kina Rosela. Naghanap siya ng nalaglag na bunga na may suloy (tubo) na at puwede nang itanim. Nakakita siya ng anim. Kung kulang pa ay saka na lang uli siya magdadala, depende sa kakailanganin ni Ma’am Sef.
Wala pang alas nuwebe ng umaga ay nasa gate na siya ng kanilang school araw ng Sabado. Ayaw niyang si Ma’am Sef pa ang maghintay sa kanya lalo pa’t walang tao roon pag ganitong araw. Maya-maya, may natanaw siyang paparating na Volkswagen. Huminto sa tapat niya, bumukas ang bintana at sumungaw ang titser.
Marunong pala itong magmaneho. Cool, sa isip-isip niya. Parang wala sa personalidad nito na mukhang manang at kayliliit ng braso na kaya palang pumihit ng manibela.
“Kanina ka pa?” tanong nito sa kanya.
“Halos kararating lang, “Ma’am,” aniya. “Saan ko po ilalagay itong mga niyog.”
Bumaba ito at binuhat ang mga niyog at inilagay sa upuan sa likod.
Natigilan naman siya.
Naka-shorts lang ngayon si Ma’am Sef. Ang kinis pala ng legs nito, puri niya sa isip. Naka-T-shirt ito nang medyo maluwag at ngayon ay nabistahan niyang ang ganda pala ng katawang itinatago nito sa unfashionable na teacher’s uniform. At bagaman at suot pa rin nito ang salamin, malaki pala ang hawig nito sa aktres na si Rhian Ramos kapag naka-casual ng suot.
Magkatabi sila sa unahan nang patungo na sa sila sa bahay nito. Hindi niya mapigilang maya’t mayang sulyapan ang makikinis nitong legs pag hindi ito nakatingin sa kanya. Masarap din sa ilong ang ginamit nitong pabango, hindi masyadong masansang at mukhang mamahalin.
Malayo ang tinakbo nila na sakop pa rin naman ng Angono. Hindi ito nagdadala ng sasakyan pag pumapasok kaya naisip niyang ganito pala kalayo ang binibiyahe nito araw-araw.
Saglit pa, pumasok sila sa isang malawak na bakuran na may katamtaman ang laking bungalow sa bandang gitna.
“Ito ang bahay namin,” sabi sa kanya ni Ma’am Sef nang maiparada ang Volks. “Halika, pasok tayo sa loob. Mamaya mo na ibaba ang mga niyog.”
Sumunod siya rito sa loob ng bahay.
MAGANDA ang loob ng bahay nina Ma’am Sef. Malawak ang salas. Ang kalahati ay may ilang hakbang na hagdan patungo sa tatlong kuwarto yata iyon. Sa bandang kanan ang kusina at bathroom.
Walang masyadong upuan maliban sa sala set na yari sa kawayan. May ilang artworks na naka-hang sa wall, na nang tingnan niya ay may sign ni Ma’am Sef. Ito pala ang nag-paint niyon. Mahusay ang pagkakaguhit, at watercolor ang ginamit na medium. Pag ganoon pala ang medium na ginagamit nito ay mahilig ito sa subject matter na dogs.
Naiwan siya sa salas at nagdiretso ito sa kusina. Naghanda pala ng meryenda. Sinangag at tuyo ang naaamoy niya. Nakaramdam siya ng gutom.
Maya-maya ay tinawag siya nito para kumain. Mag-almusal daw muna sila para malakas ang katawan bago magtanim ng niyog. Hindi siya nagkamali sa naamoy. Sinangag, tuyo at pritong itlog ang niluto nito.
Itinanong nito sa kanya habang kumakain sila kung anong kurso ang kukunin niya sa college. Sinabi niyang tiyak na may kinalaman sa information technology. Good choice daw, sabi nito. Iyon na raw ang mga kursong patok ngayon—mga computer-related courses.
Naikuwento nito na graduate ito ng multi-media arts tapos ay kumuha ng units sa education. Pasado rin daw ito sa board. Iyon daw kasi talaga ang passion nito—arts and teaching. May plano pa nga raw itong kumuha ng basic photography course para ma-reinforce ang art skills.
“Ang sipag n’yo naman, Ma’am Sef,” puri niya rito.
“Kailangang maraming alam sa buhay, Jason. Doon ka aasenso. Look at me, at 24 ay marami na akong trabahong pwedeng pasukan,” paliwanag nito sa kanya.
Si Ma’am Sef , mula nang mga sandaling iyon, ang kanyang naging role model. Kaya nga hanggang ngayon, hindi siya tumitigil sa pag-aaral.
Naitanong niya rito ang tungkol sa asawa nitong foreigner. Ayon dito ay dati ring artist ang asawa nito (though chef talaga ito) na nakilala nito sa isang art exhibit. Batambata pa raw ito noon, early 40’s naman ang lalaki. Nagkagustuhan sila at nagpakasal matapos ang mahaba-habang panahon ng chatting sa internet at paminsan-minsang eyeball.
Ipinakita nito sa kanya ang picture ng mister nito. Palibahasa’y Caucasian, ang tingin niya ay sobrang guwapo.
Pag bakasyon ang mister nito ay saka sinusulit ang pagiging artist. Sabay raw silang gumagawa ng painting. Nagpapalitan ng mga ideas. Mahilig sa black and white (usually ay pen and ink ang medium) ang mister nito dahil color blind daw ito.
“Pero this year ay susunod ako sa kanya sa Dubai,” kuwento sa kanya ni Ma’am Sef. “Matagal kasi ang kontrata niya kaya dadalawin ko siya. Kung may makita akong work doon, mas okey.”
“Eh, sino pa ang mag-aasikaso nitong bahay n’yo?” tanong niya rito.
“’Yung isang pinsan ko. Pag talagang magtatagal ako roon, baka paupahan muna. Bahala na.”
Nang makapag-almusal ay nagpahinga muna sila. Maya-maya’y sumilip sa labas si Ma’am Sef, at niyaya siya nang makitang hindi matingkad ang sikat ng araw.
Pumasok ito sandali sa kuwarto at nagpalit ng T-shirt. Naka-sando ito nang lumabas kaya lalo niyang nabistahan ang pagiging sixy. Pinutol na maong ang suot nito at top-tank na grunge ang print. Para pala itong ang rock star na si Avril Lavigne pag ganito ang porma.
Siya ang naghukay ng pagtataniman ng niyog. Walang problema sa kanya dahil sanay naman siyang magtanim ng kahit ano. Ang lupang nahuhukay niya ay inilalagay naman ni Ma’am Sef sa mga basyong paso, tataniman daw nito ng sampaguita.
Wala pang dalawang oras ay natapos nila ang pagtatanim ng niyog. Doon na rin siya pinakain ni Ma’am Sef ng tanghalian.
“Pag lumaki ang mga niyog at may mga anak na ako, maaalala kong katulong ka sa pagtatanim niyan,” masayang sabi sa kanya ni Ma’am Sef. “Kaya lang ay matagal bago mamunga ang niyog.”
“Oo nga po. Mga anak n’yo na ang makakatikim ng bunga niyan.” Naalala niya ang hitsura ng asawa nito. “Ang gaganda po siguro ng magiging anak n’yo.”
“Oo, para maipasok na artista sa Channel 2.”
Nagkatawanan sila.
Inihatid siya ni Ma’am Sef nang pauwi na siya. Obligasyon daw kasi siya nito, baka maaksidente siya sa pag-uwi. Magkatabi na naman sila sa Volks nito nang papauwi na siya, at pinagsawa niya ang mga mata sa makikinis na legs nito.
Naiisip niya, gaano kaya ka-cute ang nasa pagitan ng legs ni Ma’am Sef?
Natapos ang bakasyon ng kanilang teacher at kasabay niyon ang pagtatapos ng tour of duty ni Ma’am Sef bilang substitute. Malulungkot silang magkaklase noong last day ng pagtuturo nito sa kanila dahil noon lang sila nagkaroon ng titser na bata, mahusay at relevant. Sabi nito sa kanila ay huwag maging emotional tutal ay sandali na lang naman at graduation na rin. Pagbutihin daw nila ang pag-aaral, at chill lang sa mga problema.
Lalong nag-iyakan ang mga kaklase nilang babae. Siya man ay malungkot din dahil kahit papaano, nagkaroon sila ng bonding sa pamamagitan ng pagtatanim ng niyog.
Bago ito umalis noong hapon na ay kinausap siya. Babalik daw ito sa kanilang graduation. Sabi pa nito ay hindi iyon ang huling pagkakataon na magkikita sila.
“I’ll see you soon, Jason,” anito at pinisil siya sa braso. “Maybe after your graduation.”
“Sige po,” masaya naman niyang sagot.

Leave a Reply