Aling Liza – Part 26

Byernes ng umaga, naghahanda na ako para pumasok sa opisina ng pinigilan ako ni misis at hinalikan ako sa labi “wow, parang maganda ata ang gising mo ah?” nakangiti kong sabi sa kanya. “Sa ginawa mo ba naman sa akin kagabi hihihi..” pilyang sabi ni Verna sa akin na natawa lang ako at niyakap ko siya ng mahigpit. “Mamimiss kita babe pag-alis niyo ni Matthew mamayang gabi” sabi ko sa kanya “ako din, sayang naman at di ka makasama sa amin” sabi niya “oonga eh, tsk! Kung di pa sana nangyari ang bagyo di sana tayong apat ni Tita Leah ang babyahe papuntang Canada mamayang gabi” sabi ko sa kanya.

“Hmp! Pinagdasal mo ata eh!” birong sabi niya “oo tama ka babe, sumayaw ako noong nakaraang linggo para bumagyo at sirain nito ang kusina natin” sarkastiko kong sagot sa kanya na kinurot niya ako sa pwet. “HOY! hahahaha” natawa nalang ako pati narin siya “ang ingay niyo!” biglang nagsalita ang anak namin na ngayon ay nasa likuran na pala ni Verna “uy! Gising na pala ang baby namin!” sabi ni Verna. “Anak!” tawag ko sa kanya kaya lumapit ito sa amin at kinarga ko siya “pogi, pogi ng baby namin” sabi ni Verna na hinalikan niya ito sa pisngi “ano nga uli ang bilin ni Daddy?” tanong ko sa kanya “bantayan si Mommy” sagot nito “good!” sabi ko na sinampal ni Verna ang pwet ko.

Limang taon na ang anak naming si Matthew at nasa kindergarten na ito natutuwa akong nagsisimula naring pumasok sa skwelahan ang anak namin dahil magsisimula narin ang learning stage niya. “Babe, dapat maaga kang lalabas mamaya para maihatid mo kami ng maaga sa airport” sabi sa akin ni Verna “oo, magpapaalam ako na lalabas ako ng alas tres mamaya” sabi ko sa kanya at pinaupo ko sa upoan niya si Matthew. “Anak, mamimiss ka ni Daddy” sabi ko sa kanya “ako din Daddy” sagot nito na hinalikan ko siya sa noo at niyakap ko siya ng mahigpit “papasok na si Daddy laro tayo mamaya pag-uwi ko ha?” sabi ko sa kanya “sige Daddy!” natuwa ito.

Pinabaunan ako ni Verna ng tanghalian at hinatid niya ako sa kotse “laro din tayo mamaya ha, pag-uwi ko” bulong ko sa kanya na sinampal niya ako ng mahina sa dibdib at tumawa ito. “Ikaw talaga sobrang pilyo mo” sabi nito sa akin “eh dalawang linggo kayong mawawala eh” sabi ko sa kanya “hmp! sa ginawa mo sa akinm kagabi di pa ba sapat yun?” sabi niya. “Pang isang linggo lang yun, mamaya gagawin natin ang pangalawa” biro ko na dinakot nito ang alaga ko at pinisil niya ito ng mahina “HOY!” nagulat ako sa ginawa niya “hihihi ito ha! Pag pumasok ito sa ibang garahe lagot ka sa akin Michael!” banta niya sa akin “wala na ako sa kolehiyo babe” sagot ko na sinuntok niya ako sa braso.

Dumating na ako ng opisina, pagkatapos kong ilagay ang bag ko sa opisina namin ni Mylene pumunta agad ako sa opisina ng boss namin para ipaalala sa kanya na lalabas ako ng maaga mamaya. “Good morning Ma’am!” bati ko sa kanya nung kumatok ako sa pintoan niya “oh Michael, good morning!” bati din niya “paalala ko lang po sa inyo Ma’am na lalabas ako ng maaga mamaya” paalala ko sa kanya. “Don’t worry I remember” sagot niya sa akin “thank you Ma’am!” sabi ko at nagpaalam na akong babalik sa work, pagdating ko sa opisina nandoon narin si Mylene at naglilinis ito ng keyboard niya.

“Good morning partner!” bati ko sa kanya “morning” bati din niya at naupo na ako sa silya ko at inon ang computer ko “ano’ng oras nga pala aalis sina Verna mamaya?” tanong niya “alas onse ng gabi, lalabas ako ng maaga para makasama ko sila bago ko sila ihatid sa aiprot” sabi ko. “Aahh.. nga pala Mike” sabi niya “oh?” “nasabi mo ba kay Verna yung ipapabili ko sa kanya?” tanong niya “oo, limang beses pa” sabi ko na natawa ito “sorry kung makulit ako” sabi niya “kelan ba hindi?” biro ko na binato niya ako ng tissue. “So, ibig sabihin nito ikaw lang pala mag-isa mamaya pag-alis nila?” pilyang tanong niya sa akin na napailing lang ako “not tonight me headache ako” sabi ko sabay tawa ko na tinuro niya ako at natawa narin ito.

Kausap ko si Verna habang nasa trabaho ako dahil di na ito pumasok sa trabaho para asikasuhin ang mga bagaheng dadalhin nila “mamaya pag-uwi mo dumaan ka ng tindahan at bumili ka ng mantika” utos niya sa akin “yes boss” sagot ko na natawa ng mahina si Mylene. “Babe, usap tayo mamaya lunch break na namin” paalam ko sa kanya “sige, eat well!” sabi nito “thanks, kayo din ni Matthew” sabi ko sa kanya at binaba na namin ang call “tara na?” tanong ni Mylene sa akin “me baon ako, di na ako lalabas ng opisina” sabi ko sa kanya “ay, sayang naman gusto ko pa naman kumain doon sa restaurant na nadaanan natin kahapon” sabi niya.

“Hahaha pasensya kana My, sa susunod nalang” sabi ko sa kanya “hmp! Sige na nga!” inis na sabi niya at lumabas ito ng opisina namin at sumama nalang sa kasamahan namin sa opisina habang ako naman ay pumunta sa kusina at doon kumain. Habang kumakain ako biglang tumunog ang phone ko at nabasa ko ang pangalan ni Angel kaya sinagot ko ito “Angel” “Kuya! Musta kana?” tanong niya sa akin “kumakain, ikaw?” tanong ko “ito kumakain din kasama ang mga kaklase ko” sabi nito “musta ang klase?” tanong ko sa kanya “oh God Kuya ang hirap ng nursing, sabi ko kay Mama ayaw ko nito eh” reklamo niya “hehehe kaya mo yan alam kong matalinong bata ka eh” sabi ko sa kanya.

“Hmp! Gusto kong kumuha ng Fine Arts ayaw niya dahil walang silbi daw ang course na yun” reklamo niya “ngayon ka palang magrereklamo malapit ka ng maggraduate” sabi ko sa kanya “eh.. nauubos kasi ang oras ko sa pag-aaral sa kursong ito eh wala na akong oras sa’yo” sabi niya sa kain. “Hehehe ikaw talaga, me oras naman pagdating dyan ang importante ang pag-aaral mo ok?” sabi ko sa kanya “hmp! Fine!” sabi niya “sige na Angel babalik na ako sa trabaho” sabi ko sa kanya “nga pala Kuya, aalis na sina Ate at Matt mamaya di ba?” tanong niya “oo, bakit?” tanong ko “hihihi” tumawa lang ito “hindi pwede me kasama ako mamaya” sabi ko sa kanya kahit wala “hmp! Sige na!” na inis ito sabay baba ng tawag “nangyari dun?” takang tanong ko.

Pagbalik ko sa desk ko tumunog agad ang celfon ko at nakita kong si Verna “babe” sabi ko agad nung sinagot ko ito “Daddy!” “oh! Anak, ikaw pala” sabi ko “laro tayo ha” sabi niya “oo, pagdating ni Daddy sa bahay laro tayo” sabi ko sa kanya. “Yehey!!!” sabi niya “Matt, sino ang kausap mo?” narinig ko ang boses ni Verna sa linya “sino ba.. babe?” “babe hehehe tinawagan ako ng anak natin at niremind sa akin ang play date namin mamaya” sabi ko sa kanya. “Hehehe talaga yang batang yan, hoy mister wag mo din kalimutan ang (hininaan niya ang boses niya) six date natin mamaya” sabi niya na natawa ako at nakita kong pumasok na sa opisina namin si Mylene at nag wave ito sa akin.

“Hehehe yan pa kakalimutan ko?” sagot ko kay Verna “good! Sige mag trabaho kana dyan at malapit narin akong matapos dito” sabi niya “sige babe, I love you!” sabi ko na nag nabasa ko ang galaw ng labi ni Mylene “I love you too!” sagot ni Verna at binaba na namin ang call. “Sumagot ka din ha?” biro ko sa kanya “totoo naman eh” sabi ni Mylene sa akin na lumapit ito at tumayo ito sa tabi ko sabay patong ng kaliwang tuhod niya sa hita ko at hinimas ang dibdib ko. “Hoy! Baka mahuli tayo dito hehehe” natatawa kong sabi sa kanya “eh ano ngayon?” sabi niya “gusto ko pang magtrabaho dito My” sabi ko sa kanya “ikaw naman nanlalambing lang” sabi niya sabay sampal nito sa balikat ko at pumunta na ito sa desk niya.

Tumingin ako sa oras at mag-aalas dos ey medya na pala kaya inayos ko na ang mga gamit ko para makaalis na agad ako “aga pa, wala pang alas tres” sabi sa akin ni Mylene “byernes ngayon isa pa me dadaanan pa ako” sabi ko sa kanya. “Guys!” tawag ni Boboy na dumungaw ito sa pintoan ng office namin “pare” sabi ko “sports bar daw sabi ni Beth, sama kayo?” tanong nito sa amin ni Mylene. “Di ako available uuwi ako within thirty minutes” sabi ko sa kanya “ah oonga pala mamaya na pala ang alis nina Verna” sabi niya “oo, si Mylene nalang” sabi ko “no! Me lakad kami ng Mister ko magdedate kami” rason ni Mylene.

“Ganun ba? Sige kami-kami nalang” sabi ni Boboy sa amin at umalis na ito “bakit ayaw mong sa kanila?” tanong ko kay Mylene na parang kinilabotan ito at sabing “ayaw ko na maulit pa ang nangyari noon” sabi niya sa akin. “Ano ang nangyari?” biro ko na binato niya ako ng tissue kaya natawa nalang ako “ang weird ng dalawang yun, sasama siguro ako kung kasama ka pero pagwala ka NO WAY!” sabi nito na lalo lang akong natawa sa reaction niya. Quarter to three nung nagpaalam na ako sa kanya “sige, ingat sa byahe” sabi ni Mylene sa akin at lumabas na ako ng office namin at nagpalaam narin ako sa mga kasamahan ko bago tumungo sa elevator.

Nasa daan na ako nung tumawag sa akin si Verna “babe, me kailangan ka?” tanong ko sa kanya “daanan mo na si Tita Leah para makarga na natin ang mga bagahe niya” sabi niya “ok, malapit-lapit narin ako, teka tinawagan mo na ba siya?” tanong ko. “Oo, nasa labas na ng bahay niya ang mga bagahe niya” sabi niya “sige, ten minutes away na ako sa kanya” sabi ko “alright, ingat ka babe” sabi niya “sige” sagot ko at inoff ko na ang bluetooth ko. Pagdating ko sa bahay ni Tita Leah kiarga ko agad ang dalawang bag niya sa likod at sumakay na siya “di ka ba sasama sa amin, Mike?” tanong niya “sorry Tita hindi eh” sagot ko. “Sayang naman magtititpon-tipon na sana tayong lahat doon” sabi niya “oonga eh buwisit na bagyo kasi eh” sabi ko sa kanya na natawa lang ito.

Pagdating namin ng bahay nilipat ko agad ang mga bagahe niya sa van namin at agad naman niyang kinarga si Matthew na tuwang-tuwa ito nung makita ang lola Leah niya “oh ang bigat-bigat na ng bugoy ko” sabi ni Tita Leah nung papasok na ito sa bahay karga si Matthew. “Babe” tawag sa akin ni Verna “kinarga ko na sa likod ang bagahe ni tita” sabi ko sa kanya “nga pala, since nandito naman si tita..” sabi nito na pinadagan ang isang daliri niya sa dibdib ko “hehehe me oras pa ba?” pilyong tanong ko sa kanya na agad akong hinila papasok sa bahay “tita ikaw na muna ang bahala kay Matthew” sabi ni Verna nung dumaan kami ng sala papunta sa hagdanan at agad nitong sinara ang kwarto namin.

Nakakahiya man pero alam naming narinig kami ni tita Leah sa baba di nalang namin ito inisip dahil alam naming dalawang linggo din kaming magkakalayo kaya nung huling ulos ko sa kanya pinutok ko ang maraming tamod ko sa loob ni Verna. “Aaaahhhh…” umungol siya habang nanginig ako sa tindig ng orgasmong naramdaman ko “I love you babe…” sabi ni Verna sa akin “I love you too.. haaahhh.. babe…” sagot ko na niyakap niya ako ng mahigpit. Hinalikan ko siya sa dibdib at tumingin ako sa kanya “ma mimiss kita” sabi ko “hahahaha..” natawa nalang ito “bakit?” tanong ko “para naman tayong mga teenager nito babe” sabi niya na natawa narin ako.

“MOMMY! DADDY!” biglang kumatok sa pinto si Matthew kaya agad kaming napabangon at nagsuot ng bathrob “baby” sabi ni Verna nung binuksan niya ang pinto “sabi ni lola kakain na tayo” sabi ni Matthew sabay pasok nito sa kwarto namin. “Daddy! Daddy! Laro tayo!” sabi nito sa akin na agad ko siyang kinarga at niyakap ng mahigpit “sige, mauna kana sa baba at magbibihis lang si Mommy at Daddy ha?” sabi ko sabay baba ko sa kanya. “Sige Daddy” sabi niya at lumabas na ito ng kwarto namin at sinara uli ni Verna ang pinto “hmmm.. malapit na kaming aalis” sabi ni Verna na hinila ko siya palapit sa akin at binuksan ko ang bathrob niya “me oras pa naman eh” sabi ko na tinulak niya ako “sira ka talaga!” natatawang sabi nito.

Nagshower si Verna habang bumaba naman ako sa kusina at kita kong naghahanda na pala ng haponan si tita Leah “oh Mike, nasaan si Verna?” tanong niya “nasa taas po tita naliligo” sabi ko na di ako makatingin sa kanya ng diretso. “Sus, nahiya ka pa alam ko kung ano ang ginagawa niyo sa taas” sabi niya sa akin na natawa lang ako “noon pa man alam ko na yan, naalala ko nung dalawang taon palang si Matthew at sa kwarto niya ako natulog sus ang ingay niyong mag-asawa” natatawang sabi ni tita Leah sa akin na natawa nalang din ako. “Ano ang pinag-uusapan niyo?” tanong sa amin ni Verna nung bumaba na ito sa kusina “ah naalala lang ni tita yung adventure niya noon” sagot ko na natawa lang si tita Leah sa reaction sa mukha ni Verna.

“Huwag mong kalimutan yung bilin ko sa’yo babe” sabi ni Verna “paano ko makakalimutan yun eh isang linggo mo na sinabi sa akin yan” sabi ko sa kanya na sinuntok ako ng mahina sa braso. “Michael, huwag mo din kalimutan ang bilin ko sa’yo” sabi ni tita Leah “hindi po tita” sagot ko. “Daddy” “yes anak?” tanong ko “tawagan mo ako ha?” sabi nito “oo naman anak, araw-araw tayong mag skype ni Mommy” sabi ko sa kanya na kita kong natuwa ito. “Nga pala babe yung pinapabili sa’yo ni Mylene huwag mo daw kalimutan” paalala ko sa kanya “tinext na niya sa akin ang listahan” sabi niya sa akin sabay hawak niya sa braso ko na napatingin ako sa kanya ang nignitian ko siya.

Pagdating namin sa airport tinulongan nila akong ibaba ang mga gamit nila at niyakap ko agad ng mahigpit ang mag-inga ko dahil dalawang linggo ko silang di makakasama “Dyos ko naman parang di na kami uuwi dito” sabi ni tita Leah na nahihiya kaming natawa ni Verna. “Mag-ingat kayo ha?” sabi ko “ikaw din babe mag-ingat ka sa byahe mo” sabi ni Verna sa akin at hinalikan ko siya at kinarga ko si Matthew at niyakap ko siya ng mahigpit. “Ma mimiss ka ni Daddy” sabi ko “ako din Daddy” sabi ni Matthew na biglang umiyak ito “babalik naman tayo anak eh ipapasyal lang naman kita” sabi ni Verna sa kanya. “Oo anak, tamo pag-uwi niyo maglalaro tayo at pupunta tayo ng park” sabi ko sa kanya “talaga?” tanong nito “oo, tapos manonood tayo ng mga cartoons” sabi ko na kumalma ito at yumakap ito sa akin.

Matapos ang drama namin sa labas ng airport pumasok na sila sa loob at hinintay ko sila hanggang makapasok sa loob papunta sa terminal nila bago ako umalis “haayyy..” nalang ako nung sumakay na uli ako sa van namin at umuwi ng bahay. Habang nasa daan nagtext sa akin si Verna na nasa gate na sila at papasok na sila sa loob “ingat kayo babe” reply ko sa kanya “ikaw din, I love you!” text niya “I love you too!” reply ko sa kanya at di na ito nagreply. Pagdating ko ng bahay naramdaman ko ang lungkot dahil sobrang tahimik di kagaya nung nandito sila na agad sasalubong sa akin si Matthew at nakikita ko agad ang seksing pwet ni Verna habang nagluluto siya sa kusina.

Naupo ako sa sofa at tumingin sa paligid “haayy na mimiss ko na sila” sabi ko at inon ko ang tv at nanood ng palabas ng tumunog ang phone ko na agad ko itong tiningnan baka kasi sina Verna ito tumatawag. “Shit!” nalang ako nung nabasa ko ang pangalan ni Boboy di ko nalang sinagot at hinayaan nalang itong mag ring at kunin ng machine ang message niya, maya-maya ay tumiigil na ito pero ilang sandali lang ay tumunog na uli ito at tumunog pa ito ng pangatlong beses kaya naisip ko baka emergency ito kaya sinagot ko nalang ang tawag niya. “Boy napatawag ka?” tanong ko sa kanya “Mike! Mike! Hahahaha” sabi nito sa linya at alam ko agad na lasing ito.

“Boy! Lasing ka umuwi ka nalang sa inyo at matulog ka!” sabi ko sa kanya sabay pindot ko ng off at tumawag uli ito sa akin “Boy! Sabi kong lasing kana, umuwi ka nalang sa inyo at matulog ka!” inis kong sabi sa kanya. “Mike naman” sabi bigla sa linya “Beth?” tanong ko “hehehe binibiro ka lang namin, tense-na-tense ka hon ah?” sabi nito “ah sorry nakukulitan kasi ako kay Boboy” sabi ko sa kanya. “Na kina Boboy nga kami ngayon wala ang misis niya nasa probinsya kaya dito kami tumambay” sabi niya “ganun ba? Sino-sino kayo dyan?” tanong ko sa kanya “mga katropa natin sa inuman and Mike..” sabi niya “oh?” “dala ko ang mga toys ko, kung gusto mo punta ka dito at laro tayo” sabi niya “hahaha salamat nalang maaga pa ako magising bukas” sabi ko sa kanya.

“Balita ko wala si Verna dyan, kung gusto mo puntahan kita diyan para diyan nalang tayo maglalaro” sabi niya sa akin “no really maaga pa ako gigising bukas dahil gagawin ko pa yung kusina namin” rason ko sa kanya. “Sobrang KJ kana lately Mike ah? Sabi sa akin ni Mylene di na daw kayo nagsesix” sabi niya sa akin “hoy, baka marinig ka ng mga kasamahan mo diyan” sabi ko sa kanya “pfftt as if hindi nila alam ang six life niyong dalawa” sabi niya sa akin. “Hindi alam ng misis ko kaya huwag mong ipagkalat ha?” sabi ko sa kanya “sige na Mike, one night lang” pamimilit niya sa akin “hindi nga pwede at isa pa inubos na ni Verna ang lakas ko kanina bago ko sila hinatid sa airport” sabi ko sa kanya “fall that! sige na nga!” inis na sabi nito at binaba na nito ang call “ang libog talaga ng babaeng yun” napangiti nalang ako.

Kinabukasan dumating si mang Dencio kasama ang anak nitong si Julius para tumulong sa akin sa pag-ayos sa nasira naming bubong nung nakaraang bagyo “tuloy po kayo” yaya ko sa kanila nung nagbell sila sa labas ng gate. “Bago tayo mag-umpisa naghanda ako ng almusal” sabi ko sa kanila “kumain na kami kanina bago kami pumunta dito” sabi ni mang Dencio sa akin “hindi po, kahit konti lang” sabi ko sa kanila “sige na Pa” sabi ni Julius na napakamot sa ulo ang matanda “ikaw talaga pagdating sa pagkain ang bilis mo” sabi ni mang Dencio sa kanya na natawa nalang ako. Kumain muna kami ng almusal at pagkatapos sinimulan na naming ayosin ang bubong ng kusina namin.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalagay ng bagong bubong nung tumunog ang doorbell namin “Mike me tao sa labas” sabi ni Julius sa akin “teka lang mang Dencio” paalam ko sa kanya at bumaba ako sa bubong at lumabas ng bahay. “Sino yan?” tawag ko nung papalapit ako sa gate “Mike!” sabi ni Abel ang kartero ng subdivision namin “Abel! Ikaw pala” sabi ko at binuksan ko ang gate “me sulat kayo” sabay abot nito ang limang sobre at isang kulay pulang envelope sa akin. “Pahabol ata sa birthday mo” sabi niya sa akin doon sa kulay pulang envelope “hehehe salamat Abel” sabi ko sa kanya “no problem” sabi nito at naglakad na ito sa kabilang bahay.

Kita kong mga bills ang iba at yung isa naman ay sulat galing sa inaapplayan naming school ni Matthew “sana natanggap siya” sabi ko at nilagay ko lang ito sa mesa at bumalik na ako sa kusina. Nung nailagay na namin ang huling yero at napako narin ito ni mang Dencio bumaba na kami at tiningnan sa loob ng kusina ang ginawa namin “nice!” sabi ko dahil naayos na namin ito. “Kukunan ko lang ng picture at padala ko kay Verna” sabi ko sabay kuha ko ng picture at sinend ko ito kay misis “dumating na kaya sila sa Canada?” tanong ni Julius sa akin “hindi pa, siguro mamayang hapon dito darating na sila doon” sabi ko.

Pumunta kami sa likod ng bahay para ipakita sa kanila ang gagawin namin bukas “ah madali lang gawin yan Mike” sabi sa akin ni mang Dencio “sa tingin niyo po kaya nating tapusin ito bukas?” tanong ko sa kanya. “Kalahating araw lang ito Mike” sabi ni Julius “tama siya, di naman gaano kalaki ang damage ng pader kalahating araw lang ito” sabi ni mang Dencio “salamat naman kung ganun” sabi ko sa kanila. “Nga pala bakit hindi ka sumama sa mag-ina mo?” tanong ni mang Dencio sa akin “dahil po dito, di ko naman pwedeng iwan ang bahay na ganito” sabi ko sa kanya “pwede naman kami na ni Papa ang gagaw nito Mike” sabi ni Julius sa akin.

“Me tiwala naman ako sa inyo at alam kong kaya niyo ito pero tsk mahirap paring iwan ng ganito ang bahay” sabi ko sa kanila na naintindihan naman nila ako “naligpit niyo na ho ba ang mga gamit niyo?” tanong ko sa kanila. “Oo” sagot ni mang Dencio “maghaponan muna tayo bago ko kayo ihatid sa inyo” sabi ko sa kanila “hindi na Mike maaga pa naman eh” sabi ni Julius sa akin “hay naku atat-na-atat umuwi yan” sabi ni mang Dencio “Pa!” sabi bigla ni Julius “hahaha bakit po mang Dencio?” tanong ko. “Me nililigawan na kasi yan sa lugar namin” sabi ni mang Dencio “talaga? Naks galing ah” sabi ko kay Julius na nahiya naman ito. “Papa talaga sinabi pa” sabi ni Julius “hehehe ok lang yan Jules, at least alam mong di ka bading” sabi ko na tiningnan niya ako ng masama na natawa naman si mang Dencio.

Sumakay na kami ng kotse at lumabas na kami ng subdivision namin “ayaw niyo ba talagang kumain muna bago ko kayo ihatid?” pangungulit ko sa kanila “sige konti lang” sabi ni mang Dencio “Pa!” sabi ni Julius na natawa lang ako. “Ito nalang dadaan nalang tayo ng KFC para iuwi niyo sa bahay, binilin kasi ni Verna sa akin na pakainin kayo bago ko kayo ihatid” sabi ko sa kanila “sige yun nalang Mike, nagmamadali kasi itong binata ko” sabi ni mang Dencio. Dumaan kami ng KFC at nag order ako ng dalawang bucket na manok at ibang appetizers nila at hinatid ko na sila sa bahay nila “ang dami naman nito” sabi ng asawa ni mang Dencio na si manang Feliza.

“Pasasalamat ko po manang” sabi ko sa kanya “mang Dencio bukas po ha?” sabi ko “oo, maaga uli kami bukas” sabi ni mang Dencio sa akin nung hinatid niya ako sa kotse at umalis na ako. Habang nasa daan napatingin ako sa pulang envelope na binigay ni Abel sa akin kanina, dinala ko narin kasi ito nung paalis na kami ng bahay “kanino kaya galing ito?” takang tanong ko sa sarili ko dahil walang nakasulat na sender at pangalan ko lang ang nasa harap nito. Mag-aalas sais narin ng gabi kaya ma traffic na ang daan kaya nakakuha ako ng tyempo para buksan ang envelope at tingnan kung kanino galing ito.

“Happy Birthday” ang nakasulat sa harap ng card nung sinilip ko ito sa loob nung hinila ko ito palabas biglang me nahulog na parang litrato sa hita ko na di ko nalang muna ito kinuha dahil umusog na ang kotseng nasa harapan ko. Kinapa ko ito dahil nahulog ito sa sahig nung umabante ang kotse at nilagay ko sa passenger seat ang card, nung naabot ko na ang litrato agad ko itong kinuha at napaapak ako sa break nung makita ko ito. Binusinahan ako sa likod kaya umabante ako at pinark ko ang kotse sa gilid ng kalye at kinuha ko agad ang birthday card at binasa ko ito “Happy Birthday Mike!” lang ang nakasulat sa loob ng card.

Kinabahan tuloy ako at tiningnan ko muli ang litrato at bumalik sa akin ang alaala ni aling Liza “Liza…” nasambit ko at napansin ko sa dashboard ko na mag-aalas syete na pala ng gabi kaya bumalik ako sa daan at nagdrive pauwi ng bahay. Pagdating ko sa amin umakyat ako sa second floor at pumunta sa attic namin at hinanap ko yung box na tinago ko noon “heto” sabi ko at agad akong bumaba at pumunta ng sala at binuksan ko agad ito. Mga litrato namin ni mang Bert at ni aling Liza na kinunan pa sa bahay nila noon at isang sulat na sinulat sa akin ni aling Liza “wala na si Bert, Mike” nabasa ko ang linyang ito sa sulat niya.

Napatingin ako sa litrato naming tatlo na kinuha noon sa bakuran nila “mang Bert, Liza..” sambit ko na napaisip ako ng sandali at agad kong binalik ang mga litrato at sulat sa loob ng box at dinala ko ito nung lumabas ako ng bahay. Sumakay ako sa kotse ko at nagdive papunta sa bahay nina aling Liza noon, mahigit isang oras ang layo nito sa bahay namin kaya pagdating ko doon mag-aalas nuwebe na ng gabi. Pinarada ko sa tapat ng kalye ang kotse ko at dahan-dahan akong lumabas at tumingin sa bahay nila noon, tiningnan ko ang litratong kasama sa birthday card ko at tiningnan ang lumang bahay ng mag-asawa noon.

Limang minutos din akong nakatayo sa gilid ng kotse ko nung mapansin kong parang bagong kuha ang litratong hawak ko dahil parang kahapon lang ito kinunan dahil kapareho nito ang mga nakabitin at kulay ng gate pati narin ang mga nasa paligid nito. “Teka…” sabi ko na parang kinabahan na talaga ako dahil kita kong me bumukas na ilaw sa loob ng bahay at nakita kong me dumaan na tao sa bintana. “Di ba kaya minumulto lang ako” sabi ko sa sarili ko nung me narinig akong paparating na tricycle at kita kong pumara ito sa harap ng gate nila mang Bert at lalo lang lumakas ang kaba ko nung makita ko ang sakay nito. “Salamat” dinig ko sabi nung driver at umalis na ito at kita kong nakatalikod ang babaeng sakay nito sa akin at napahinto narin ito dahil napansin niya siguro ako.

Humakbang ako at tumayo sa gitna ng daan habang dahan-dahan naman siyang lumingon “a..aling..Li… Liza?” nauutal kong  sabi sa kanya na lumingon na ito sa akin at nagulat nalang ako “sino ka?” tanong nito sa akin. “Ah.. pa.. pasensya na po” sabi ko sa kanya dahil di ko kilala ang babaeng ito “di pala si aling Liza” sabi ko sa sarili ko “pasensya na po” sabi ko uli sa kanya sabay balik ko sa kotse ko at sumakay agad ako. Tiningnan lang ako nung ale at agad kong pinaandar ang kotse ko at umalis agad ako “shit kinabahan ako doon ah? Akala ko si aling Liza na ang nakita ko shit.. whew” sabi ko habang nagpapahid ako ng pawis sa noo at mukha ko.

“Sino kaya yun?” tanong ng ale sa sarili niya at nagkibit balikat nalang itong pumasok sa loob ng gate at pumasok sa bahay, nilagay niya ang pinamili niya sa kusina at nag-ayos narin ito ng mga gamit. Nilagay ng ale ang mga plato at baso sa lalagyanan at nilagay narin niya sa ref ang mga napamili niyang karne at yung mga delata naman sa kabinet at naghanda na ito ng haponan. Matapos makapaghanda ng pagkain sa mesa pumunta ito sa kwarto at kumatok sa pinto “ate, nakahanda na po ang haponan” sabi nito “susunod na ako” sagot nung amo niya sa loob “sige po” sagot niya at bumalik na siya sa kusina.

“Bakit natagalan ka?” tanong ng amo niya nung pumasok ito sa kusina “marami kasi ang tao sa palengke kaya natagalan ako, isa pa ang susungit ng mga tricycle driver niyo dito” sagot niya “ah bago ka palang kasi dito kaya di ka pa nila gaano kakilala, mababait ang mga tao dito” sabi ng amo niya. “Ate, me nakita pala akong lalake sa labas kanina nagulat nga ako eh akala ko holdaper” kwento niya sa amo niya. “Ano’ng lalake?” tanong niya “pogi siya, matangakd, maputi at matipuno ang pangangatawan, parang artistahin nga eh” kwento niya “matangkad?” tanong ng amo niya “oo, tinawag ba naman akong aling Liza, muntik ko ng ngang paloin ng pinamili ko eh kung lumapit pa sa akin yun” kwento niya.

Biglang tumayo ang amo niya at tumakbo ito sa labas at lumabas ito sa gate at hinanap ang taong nakita ng tauhan niya “ate!” tawag ng tauhan niya na nakasunod na pala ito sa kanya “wala na yun kanina pa umalis yun sakay sa kotse niya” sabi ng tauhan niya. Tumingin sa malayo ang amo niya at parang namumugto ang mga mata nito “ate ok ka lang ba?” tanong ng tauhan niya na nilingon siya nito at nginitian siya “oo, ok lang ako, tara na balik na tayo sa loob” yaya ng amo niya na pinauna siya sa loob at tumayo muna siya sandali sa me gate at tumingin sa direksyon na alam niyang tinahak ng lalakeng naghanap sa kanya kanina. “Mike… alam kong ikaw yun… ” sabi ni aling Liza sa sarili niya bago niya sinara ang gate.

Leave a Reply