Alexa – Part 126

0

Nasa coffeshop ang magasawang Sy kasama ang isa sa mga event coordinator ng kanilang kompanya.

Busy si alexa sa kanyang ipad habang si James naman ay nakikinig habang ina-update ng kanyang empleyado sa parating na party para sa kanyang mga empleyado.

Kahit dismayado si James dahil hindi makakapunta ang kanyang magulang at mga kapatid ay inaasahan naman niya na sasama ang kanyang meybahay.

Hindi naman lahat ng kanyang empleyado ang anduon kundi iilan lang…taon taon binibigay ang celebrasyon na to ni james sa matagal na niyang mga empleyado.

Pagkatapos mapagusapan ang mga premyo ay sabi ni Vanessa ‘sir, we have a problem sa dinner date with the bosses. Mrs. Montejo won’t be able to make it sa party, graduation daw ng anak niya”.

James: Then get someone. What about Rita or esther.

Vanessa: Rita is on leave. Esther is scheduled to meet Mr. Ramos.

James : hhmmmmm.

Biglang namang tumingin si Vanessa kay Alexa at sabi na ” Mam, what about you.?

Napahalakhak si James dahil alam niyang di papayag ang kanyang asawa. Bulag naman si Alexa sa pinaguusapan ng dalawa kaya pinaliwanag pa ni James ang naturang aktibidad.

“Honey, they have this raffle inour office where the price is ten thousand pesos and a dinner
date with the bosses. Am I correct Vanessa.

Tumango si Vanessa at sabi na “yes and sir James volunteered for the male searcher…” Bigla siyang pinutol ni James at sabi na “carmen can’t make it so she’s asking if you can be the female searcher.”

Humahalakhak si James habang sinasabi nav” It’s a fun date honey” There was a show like this in the past… I think…’

Ngumiti lang si Alexa habang nagpapaliwanag si James at di nagpahalata na napukaw ang kanyang imahenasyon.

“sure, why not” sagot ni Alexa at bumalik sa kanyang ipad na parang di interesado.

“talaga mam” sabi ni Vanessa.

” Sir ok na yung restaurant sa shang makati for your date also yung Shang sa mandaluyong for mam’s date..

Napatawa ulit si james at sabi na “ok’.. “So whose my potential date… Mey inabot si vanessa na papel at sabi na ” eto po yung nabunot sir”.. Legendary si james pagdating sa mga empleyado dahil halos kilala niya ang lahat pati ang mga janitor.

Tiningnan ni james ang papel at tumayo papuntang banyo.Si alexa naman ay iba na ang iniisip nang makaalis si James ay tinanong niya si vanessa. “So whose our potential date?.

Vanessa: ah mam… yung kay sir.. two are from accounting and one is from maintenance and as for you mam. One is from accounting and two are from the carpentry department.

Napangiti lang si Alexa at hindi sumagot kay vanessa na parang walang interes.Bumalik ulit sa ipad niya.

+++